-Kristan POV-
"Yes Lola...I'm planning to come over tomorrow with some of my friends..is it okay?" tanong ko dito.
"Of course iho....matutuwa nito si Janine pag nalaman niyang uuwi ka na sa wakas..."masayang sabi nito.
Napatigil naman ang pagtibok ng puso ko sa narinig...Janine......
Para namang magic sa bilis ng pangyayari sa utak ko at nagbalik tanaw...
flashback
"Go Heart!...Shoot mo yan Heart!" rinig kong malakas na sigaw ni Janine mula sa mga manunuod.
"Wow boss, siguradong manananalo na naman tayo dito. Andiyan ang inspirasyon eh."kantyaw sa akin ni Xian. Yes, you read it right. Xian is my bestfriend. Ngumisi lang ako pero sa loob loob ko masayang masaya ako dahil sa suporta na mula sa girlfriend ko, si Janine. Siya ang pinaka-unang girlfriend ko at sana siya na ang huli.
Napakasaya ko ng sinagot niya ako. Simula highschool kami hanggang ngayon na third year college na kami ay nililigawan ko na siya. Kamakailan lang ng sa wakas ay sinagot na niya ako. Mayaman din ang pamilya nila, siguro sila ang nasa ikalawang pwesto sa pinakamayaman. Pero kung titingnan mo si Janine, ay napakasimpleng babae at wala manlang kaartehan sa katawan. Hindi mo masasabi na galing ito sa mayamang angkan.
Mabilis akong pumasok sa loob at wala manlang nagawa ang mga gwardya. Buong lakas akong tumalon ng mataas kaya nahigit ng mga manunuod ang kanilang hininga. Walang naglakas loob na gumawa ng ingay at naghihintay ng susunod na mangyayari.
Ngumisi ako at malakas na ibinasket ang bola at naglambitin sa ring. Ilang segundo ang nakalipas ay wala paring maririnig na ingay pero makikita mo sa kanilang reaksyon na hindi sila makapaniwala sa natunghayan.
"Heart ko yan!" umalingawngaw ang matinis na tinig na iyon sa loob ng malaking gymnasium ng Steve University at sumunod ang walang tigil na hiyawan ng mga manunuod.
"Grabe, iba na talaga ang inspired dre!" muling kantyaw sa akin ni Xian at nagbrofist kami.
'Heart!" tawag sa akin ni Janine at mabilis na tumakbo palapit sa akin. Ngumiti naman ako ng maluwag pagkakita ko rito. Niyakap niya ako ng mahigpit. Niyakap ko naman ito ng pabalik at mabilis binigyan ng halik sa labi. Tumugon naman ito.
"Wooooohhhhhh!" sigaw ng mga tao sa paligid. Agad naman itong humiwalay at pulang pula ang mukha at itinago ang mukha sa leeg ko. Haha. Napatawa nalang ako.
"Congrats heart! Ang galing mo!"sabi nito.
"Ofcourse! ginalingan ko talaga para sa iyo heart", sagot ko dito.
"And that ends the Inter-Basketball Tournament 20**! Again for the third time, Steve Univiersity rules the game!" anunsiyo ng emcee. Binati naman kami ng mga kalaban namin pagkatapos. Naghulugan narin ang mga iba't ibang kulay na balloon sa itaas.
"MVP!"
"MVP!"
"Grabe and supurta ng mga tao sa iyo Heart! For sure ikaw na naman ang tatanghaling MVP sa taong ito!" siguradong-sigurado na sabi nito.
"Wow! And now for the most awaited part of the game. The awarding of MVP! Who is your bet?!" malakas na tanong ng emcee.
"Kristan! Kristan! Kristan!"
Halos matulig naman kami sa lakas ng sigaw ng mga tao sa pangalan ko. Kibit balikat nalang ako habang inaasikaso ako ni Janine. Umiinom ako ng malamig na tubig habang yakap ko siya sa bewang at pinupunasan naman nito ang pawis ko.
BINABASA MO ANG
She is Daredevil's Girlfriend
Romansa"Celvin! Help me", sabi ni Megan at tinaas ang kamay upang magpabuhat. Samantala, tumutulo na ang pawis ni Celvin sa noo dahil sa nerbiyos. Kitang kita niya kung gaano dumilim ang mukha ng kanilang boss. "No way!", gigil na sabi ni Kristan at mara...
