54~Commander is UNDER?~

27.6K 531 20
                                    

Woah.....Malapit na po siyang matapos....but embraced yourself guyz...there will be a big twist!..:)

~

After 6 months!

 At STEEVE's Mansion..

"I want to know where is my husband!"

"Ma'am kinukuntak na namin si sir. Huminahon po kayo ma'am baka po mapaanak kayo. Kabuwanan niyo pa naman ngayon!'', nag-aalalang sabi ng isa sa mga katulong ng mga STEEVE sa boss na kanina pa nagmamaktol dahil hindi na nito nabungaran ang asawa ng magising. Maaga kasing pumasok sa trabaho ang asawa.

"NO! I want him now! Porket mataba na ako! Porket pangit na ako! *sob* Bakit kasi ang laki laki ng tiyan ko!*sob*"umiiyak na sabi ng babaeng boss.

"Ma'am naman! Ikaw na ata ang pinakamagandang buntis na nakita ko!", pang-aalo pa nito.

"T-talaga? K-kahit sobrang laki na ng tyan ko..Sexy parin akong tingnan?"

"O-opo ma'am! Grabe ang laki ng boobs niyo! Pati balakang! at pwet! Coke na coke!"

"T-totoo ba iyan?''

"O-oo ma'am!", mabilis na sagot ng katulong pero bumulong pa ng "litro nga lang..."

"May sinasabi ka ba?"

"Naku! Wala ma'am! Wala akong sinabing coke litro ang size niyo!"

"Waaaaahhhhhhhh! Sinasabi ko na nga ba! Kristan! I want my husband now!"

Umalingawngaw sa loob ng mansiyon ang napakatinis na boses ni Megan kaya naman mas nataranta pa ang lahat. Hindi nila alam ang gagawin at hindi magkamayaw sa pagkontak kung nasaan ang boss. Makalipas ng ilang segundo....

"Ma'am nasa headquarters daw si Sir..Mayroon daw silang importanteng ginagawa kaya mamaya pa daw po siya uuwi..."

"Tingnan mo hindi na ako importante..mas importante na ang trabaho niya! Siya naman ang dahilan kung bakit malaki na ang tiyan ko eh! *sob*. Magbihis ka! Pupunta tayo sa headquarters! Magtutuos kami ng magaling kung asawa!"

~

SECRET HEADQUARTERS (STEEVE AGENCY)

"Tssss...hindi pa ba siya kumakanta?", naaasar ng tanong ni Kristan sa nadakip na kasama sa mga lumusob sa isang pribadong eskwelahan at kinidnap ang anak ng isang kilalang politiko.

Tinuloy nila ang kanyang plano sa pagpapatayo ng sariling ahensya na hahawak sa mga espesyal na kaso na pwedeng kunin ang kanilang serbisyo sa tamang halaga. Malaki ang kanilang bayad pero de kalidad naman ang kanilang serbisyo. Dahil sa bilis na paggalaw ay naging usap usapan na ang nasabing ahensya lalong lalo na sa mga mayayaman. Nag-uunahan silang kumuha ng kanilang serbisyo.

Dahil na malaking demand ng mga tao ay pinalawak pa nila ang kanilang ahensya. Nagkalat na ito sa buong mundo at ito ay tulong tulong na pinamamahalaan nina Celvin, Brenan, Mark at Gab. Saka lang tumutulong si Kristan kapag malaking kaso na tulad na lamang ngayon.

Nagtretrain narin sila ng mga madaming tauhan para sa lumalaking ahensya.

"Matigas boss!", iiling iling na sabi ni Celvin.

"Takutin niyo...."

"Nagawa na namin iyan boss! Pero wala talaga eh!", sabi pa ni Mark.

"Sa tingin ko malaking sindikato ito boss..", sabi naman ni Brenan.

"Napakayabang kasi ng gago boss. Malakas ang loob dahil siguro malakas ang kapit sa taas.", wika naman ni Gab.

"Tsssss....Hindi ako natatakot...Kahit sino man ang pinagmamayabang niyang kapit. Pwes nagkamali sila ng binangga. Kung ako sa kanila hindi ako papahuli sa atin. Alam niyo ang layunin ng ating grupo. Walang batas batas sa akin dahil ako ang BATAS!' nakangisi kong sabi at tumayo na.

She is Daredevil's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon