35~Don't Mess with the Daredevil~

24.8K 544 5
                                    

I'm back! :)....still busy but hindi na siya gaya ng dati na almost everyday ay may ginagawa......miss ko na ang Kriztan at Megz loveteam! This chappy is dedicated to all who patiently waited for the update...:)

~Megz POV~

continuation of flashback

Mabilis na pinasibad ni Kriztan ang motor at hinabol ang mga holdaper.

"Ahhhhhh!", nahihintakutan naman ako dahil mabilis ang pagpapatakbo niya at parang nahihiwalay na ang aking kaluluwa kaya mahigpit na mahigpit ang aking pagkakayakap sa bewang nito.

Bang! Bang! Bang!

"Shit!", mura naman nito at mabilis na nag-iba ng direksyon para iwasan ang mga balang pinapaulan ng mga holdaper.

"Ohmygosh! Ayoko pang mamatay! Hindi pa ako nagboboyfriend! Pangako magboboyfriend na ako!", naghihisterical ko namang sigaw.

"Pfffftttt", narinig ko namang nagpipigil ito ng tawa dahil sa mga pinagsasabi ko.

"Relax..hindi ko hahayaang mamatay tayo....mamahalin pa kita...", kantiyaw nito sa akin.

"Ihhhhh..talaga promise yan ha?". kahit nasa bingit kami ng kamatayan ay nakuha pa talaga naming maglandi..Aba matagal ko na siyang crush no kaya nga hindi pa ako nagkakaboyfriend dahil ultimate crush ko siya. Matagal kong pinalangin ito na mapansin niya ako kaya grab the opportunity na agad agad.Hihi

"Yes babe....Do you know how to use a gun?", tanong nito kaya nagtataka naman ako.

"Hindi eh...", nagtataka namang sagot ko dito.

"Madali lang tuturuan kita...", sabi nito at mabilis na itinabi ang sasakyan saka ako binuhat na parang hangin at pinaupo ako sa harap at ang malandi paharap pa talaga dito! Ngumisi pa ito saka mabilis ulit na pinasibad ang motor kaya bago pa ako mag-react ay wala na yumakap nalang ako dito mahirap na baka malaglag ako.

Napansin kong nasa kabilang parte ng klasada lang ang hinahabol naming kotse at pilit nitong tinatapatan ang kanilang bilis.

"Babe....kunin mo ang baril sa bewang ko", utos nito sa akin.

"Hindi ko alam kung paano gamitin", nag-aalangan kong sabi nito.

Bang!

"Ahhhhhh!"Nagpaputok ulit ang mga kalaban kaya napatili ako ng malakas at lalong nagsumiksik dito.

"Ohhh shit", narinig kong mura nito pero bakit iba ang tunog niyon para sa akin. Nararamdaman ko ang nauupuan ko na parang bukol pero binalewala ko nalang iyon dahil mas natatakot ako baril na pinapaulan sa amin kaysa kung ano mang iyan na matigas ano!

"Ohhhh!..Just do what I say...Akong bahala sayo babe...", parang nahihirapan pa nitong sabi sa akin. Ohmygosh bakit nanghihina ata siya? 

"May tama ka ba? Bakit ganyan ang boses mo?" inosente kong tanong dito.

"Oo....sapol...tinamaan mo ang lolo ko......", natatawang sabi pa nito.

"Ano! Hindi ako mamamatay tao! Ni hindi ko pa nga nakikilala ang lolo mo eh! Saka paano ko tatamaan eh hindi pa nga ako nakakahawak ng baril? at saka di nga ako marunong eh...", napanguso kong sabi dito.

"Tsup!"

"Ahhh! Malandi ka! Bakit ka nanghahalik ha?", nanlalaki ang mga mata kong tanong dito.

"Hahahaha! Mahal na ata kita!", natatawang sabi pa nito

"Ehhhh? ang dali naman!", tanong ko pa.

Bang!

"Ahhhh!", napatili ulit ako dahil pinuputukan na naman kami ng mga kalaban.

"Holy Shit!....bunutin mo na ang baril ko kung gusto mo pang mabuhay pa tayo", seryoso nitong sabi.

Nanginginig naman akong sumunod dito at agad na binunot ang malamig na metal.

"anong gagawin ko dito?", tanong ko dito

"Iasinta mo sa kanila at iputok mo...", utos niya sa akin.

"Oh my gosh.....", nanginginig kong ini-asta ang baril na hawak ko sa kanila at kinalabit ang gantilyo niyon.

Bang!

"ay anak ka ng palaka!", gulat na gulat ako sa lakas ng putok kaya nabitawan ko iyon.

Screacccccchhhhhhh!

Nagpagewang gewang naman ang sasakyan dahil sakto sa gulong tumama ang bala.

Boooogggsssshhhh! Bumangga ito sa malaking puno at yuping yupi ang kotse.

"ay ang daya! Bakit sa gulong tumama eh sa bubong ko iniasta eh!", pagrereklamo ko naman.

"May sira ang baril mo! ang daya daya!", napanguso kong baling dito. Asar lang kasi iba ang puntirya ko eh tapos sa gulong naman ang nabaril. ang daya lang!

"Bull's eye babe...", natatawa namang sabi nito at mabilis na tinabi ang motor.

"hoy! gising na!", malakas na pag-uga ang nagpabalikwas sa akin mula sa aking pagbabalik tanaw noong unang beses kong makilala ang aking pinakamamahal.

"Aray!" reklamo ko dahil napakalakas ng pagyugyog nito sa akin.

"Huwag ka ngang maarte jan! Tumayo ka na nga! Malayo pa ang lalakarin natin!", singhal nito sa akin kaya mabilis kong natakpan ang ilong ko dahil ang baho ng hininga nito! Bwisit hindi ba uso ang toothbrush sa kanila!

"Bwwwwwaakkkkk!", mabilis akong tumayo dahil nasusuka ako! Hinang hina ako sa pagsuka pero wala namang lumalabas. Butil butil na ang pawis ko kaya napaupo ako ulit at naghahabol ng hininga.

"Pare...ganoon na ba ako kabaho para magsuka ang babaeng ito?' nagtataka namang tanong ng lalaki sa mga kasama nito.

Nagtanong pa ang lintik! 

""Umuyin mo nga! Haaa!", sabi nito sabay buga sa kasama.

"Gago! ang baho nga!"reklamo naman ng kasama nito.

"Kung makagago ka para namang ikaw ang mabango gago! Pareho lang tayo!"

Nanlalabo na ang mga mata ko at naririnig ko pang nag-aaway pa sila.

Bang!

Bago pa ako lamunin ng dilim ay nakarinig ako ng isang putok ng baril.

~

Don't forget to vote....:)

She is Daredevil's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon