-MegZ POV-
"Now what?", taas kilay na tanong ko kay Celvin ng marating ko ang kwarto na pinanggalingan ko kanina.
Napalunok naman ito saka napakamot sa ulo.
"Make sure you have a valid reason why you did that or else.......", naiinis na sabi ko dito.
"Ah eh..kasi....", para naman itong hindi makaanak na pusa na hindi mapakali. Gustong gusto ko na itong sapakin dahil nahihilo na ako sa pabalik balik na lakad nito sa harap ko habang nakaupo ako sa bed.
"Sasabihin mo o sasabihin mo?", nagpipigil kong tanong dito.
"Ms. Megan naman......ano bang klaseng pagpipilian iyan..."
"Wala kang karapatang magreklamo. Now, what the hell is happening...."
"Kasi...kasi...ano...ka-"
"Celvin?!', sigaw ko dito
"Eh kasi dating nobya ni boss iyong babae kanina. Hindi niya alam ang tungkol sa inyo. Akala ng babae ay siya parin ang nobya ni boss. Ayaw siyang saktan ni boss kaya hindi pa niya sinasabi ang tungkol sa inyo. Pero maniwala ka ikaw na ang mahal ni boss.", dire-diretsong sabi nito.
Gulat na gulat naman ako sa narinig ko at hindi ko napigilan ang mapasigaw.
"What?!"
"Aray.....Ma'am Megan naman..ang sakit sa tenga....."
"Kaya sinabi niyong ikaw ang boyfriend ko ganoon?", galit kong tanong dito.
"Ah..eh..kasi sinabi ko lang iyon para matulungan si boss. Pero huwag kang mag-alala kasi humahanap lang ng tamang oras si boss para sabihin sa kanilang lahat ang tungkol sa inyo", pang-aalo nito sa akin.
"Ah ganoon pala...hmmmm...sige tara na gutom na ako kanina pa...samahan mo akong kumain", sagot ko dito at iniwan itong tulala.
-Celvin POV-
Naiwan akong tulala sa kuwarto ng umalis nalang bigla si Ms. Megan.
Kanina galit na galit.....
Tapos bglang wala lang...
Tssss....mga babae nga naman...ang bilis magbago ang isip..sabi ko nalang at napapailing na lumabas na rin.
Pagkababa ko ay napansin kong nakatayo lang si Ms. Megan sa dulo ng hagdan habang nakatingin ng masama kay boss. Tahimik naman ang paligid.
"Babe.....ang tagal mo naman..gutom na gutom na ako. Pakidalian please...", malawak ang ngiting sabi ni Ms. Megan sa akin saka ako binalingan. Ang ganda niya talaga napatulala tuloy ako at mukha akong tangang napatitig lang dito.
"Babe....hoy!", biglang sigaw nito kaya bumalik ang huwisyo ko.
"Oo...ayan na babe...", natataranta kong sabi ko dito at mabilis na bumaba. Muntik pa akong magkamali sa pag-apak buti nalang nakakapit ako bago pa ako mahulog.
"Hahahahaha"
Narinig ko namang ang mabining pagtawa nito.
Ang gulo talaga ni Ms. Megan...
Kanina galit tapos tumatawa...hayst...ang weird niya....
Paglapit ko dito ay agad itong kumapit sa braso ko kaya nangilabot ako sa klase ng tingin sa akin ni Boss. Shit. I'm dead. ano ba itong napasukan ko.
"Let's go babe...", ulit ni Ms. Megan kaya bago pa ako mamamatay sa klase ng titig ni boss sa akin ay dinala ko na siya sa kusina.
"Hello pogi...ano ang gusto kainin ng maganda mong nobya?", sabi ng katulong na naroon. Kung hindi ako nagkakamali ay Inday ang tawag nila dito.
BINABASA MO ANG
She is Daredevil's Girlfriend
Dragoste"Celvin! Help me", sabi ni Megan at tinaas ang kamay upang magpabuhat. Samantala, tumutulo na ang pawis ni Celvin sa noo dahil sa nerbiyos. Kitang kita niya kung gaano dumilim ang mukha ng kanilang boss. "No way!", gigil na sabi ni Kristan at mara...
