8~Beach Escapade part 1~

33.7K 698 7
                                        

-Megan-

Pagkabihis ni Megan ay agad na silang lumakad ni Kristan dahil dadaanan pa nila si Jeff sa sarili nitong condo.

Pagdating nila sa Steeve Beach Resort,sinalubong sila ni Ms. Lycka Benneth, ang manager ng Iris.

"Nice to see you again Ms. Sy", ngiting-ngiti nitong bati kay Megan

"Me too Ms. Benneth",sagot naman ni Megan

Maganda si Ms. Lycka Bennneth. Sexy din siya. Hindi nagkakalayo ang edad nila ni Megan. Matagal ng modelo si Megan sa Iris pero kailanman ay hindi sila maging close ng babae kaya nagtataka si Megan kung bakit nag iba ata ang ihip ng hangin

Binalingan nito si Kristan at tinitigan ito. Bigla naman uminit ang ulo ni Megan sa ginawa nito.

"Ahmm, Aren't you goin to introduce me to your friend Ms. Sy?", tanong nito kay Megan. Nagpapacute ba ito sa boyfriend niya sa harap niya mismo?Seriously?!

"Oh, sorry I forgot. Ms. Lycka Benneth this is Kristan Miguel Villareal, MY BOYFRIEND"pakilala ni Megan at pinagdiinan talaga ang salitang boyfriend sabay yakap sa bewang ng nobyo.

"Ohhhhh",para namang nabagsakan ng langit ang itsura nito pagkarinig sa sinabi ko.

Ngising aso naman ang boyfriend ko na nakikinig lang sa tabi.

"Ehem...Anyway, the photoshoot is set 5p.m in the afternoon during sunset so you are given the chance to explore the beach", pagbibigay impormasyon nito.

"Okay", sabi ni Megan dito at nagpati-una ng naglakad papuntang reception ng Hotel. Coz seriously? Antok na antok pa siya. Hinuli naman ni Kristan ang kamay ng nobya at magkahawak kamay silang naglakad. Sumunod na rin ang mga kasama nila.

Pagdating nila doon sa front desk, agad nagsilapitan ang mga naka-uniformadong empleyado sa kanila at yumuko para magbigay galang.

Wow naman...ganito ba talaga dito? Hala baka tradition talaga nila.

Kaya  naman bumitaw si Megan sa hawak ni Kristan at pumunta siya sa harap nila at yumuko din.

Pag-angat niya ng ulo agad niya silang nginitian. Hindi naman alam ng mga empleyado kong ngingiti rin sila sa dalaga dahil nagulat sila sa ginawa nito. 

"Pffffttttttt",nagpipigil  ng tawa naman ang mga taga SWAT sa ginawa ng dalaga.

"Hahahahahaha"hindi naman na pinigil ni Jeff ang sarili at malakas na tumawa. Kahit kailan talaga ang baliw ang kaibigan niya.! Haha

"Tssss" naiinis naman si Kristan at hinigit na ang nobya palayo sa mga ito.

"Babe, bakit di kayo yumuko doon ha? Wala kayong galang!"

"Seriously babe...hindi mo na dapat ginawa iyon..."sagot naman nito.

"Pero tradition nila iyon babe...

"Tradition what? and where did you get that idea Ms. Sy?"

"Wala naisip ko lang....Hehe"

"Tsssss"

"Alright guyz, 3 rooms nalang ang vacant kaya share share nalang"sabi ni Jeff sa amin kaya nabaling lahat ang attention namin sa kanya.

"We'll take one room for us", sabi ni Kristan sabay kindat kay Megan.

"Nice one Commander!"kantyaw naman sa kanya ng mga kasamahan nito.

"You wanna die?",sabi naman nito...Kahit kelan talaga ang brutal ng bibig nitong si Kristan.

Bigla naman silang natahimik.Haha. Ang cool talaga ng babe ko!

"Okay.How about the two rooms? Ahh ganito nalang. Ikaw, Ms. Micka since ikaw lang ang babae dito mag-isa ka nalang sa room at yung isa  ay sa mga boys...kasama ako....Hihi", excited na sabi ni Jeff

Sinamaan naman siya ng tingin ng lahat kaya't napangiwi nalang siya. "Sabi ko nga kay Micka nalang ako makikishare kasi pareho kaming babae",bawi nito

"Hahahahaha! "

"Okay then, let's all go na to our own room. We'll just meet here at the lobby after a minute." ani Kristan

"Yes, Commander",sang-ayon naman ang lahat.

Lumakad na sila at nagkanya kanya ng punta sa kanilang kwarto.

Pagbukas ni Kristan ng pinto ng kwarto nila ay agad napanganga sa Megan sa ganda.

Wow! Ang ganda...ang laki laki ng kwarto namin. Tiningnan niya ang palagid at agad niyang napansin ang kama. Ang laki at mukhang ang lambot!

Na-aamuse namang pinapanuod lang  ni Kristan ang nobya.

Agad tumakbo si Megan at nilundag ang kama at lumukso lukso sa ibabaw nito.

"Waaaahhhh! ang lambot lambot! hahahahha!"

"Tsss...isip bata talaga", naiiling nalang na saad ni Kristan

Nang mapagod si Megan at agad binagsak ang katawan sa kama at pinikit ang mga mata. Habang inaayos naman ni kristan ang mga gamit nila.

Agad sumipa sa kanya ang antok at tuluyang pumikit na ang mga mata.

~

Nagising si Megan dahil kumakalam na ang kanyang sikmura. Nagugutom na ako!  Ginala niya ang  mata sa kwarto pero wala siyang makitang anino ni Kristan.

Saan nagpunta iyon?

Dali-dali siyang nagpunta sa banyo at naligo. Nagsuot na din siya ng pulang two piece na bikini na may eks sa harap. Pero pinatungan miya muna ito ng dress na above the knee dahil gusto niya munang kumain saka  na maliligo sa pool.

Sinuot niya ang salamin at nagsimula ng maglakad para hanapin ang mga kasama.

Nagpunta siya sa pool area dahil baka naliligo na sila. Hindi naman siya nagkamali at agad niyang nakita ang mga ito. Lalapit na sana siya pero may nakita siyang di kanais-nais!

Ang mga lalaki lang naman ay halos lumuwa na ang mga mata sa pagsa sightseeing sa mga babeng naka bikini. Aba at kasama pati ang magaling niyang nobyo at ngingisi ngisi pa ito!

Salawahan! Gigil na gigil tuloy siya! Makikita ng lalaking ito. Aba at ang mga babae naman sinasadya pang magpacute. Bwiset!

Argh!

~

Yay...ano kaya ang gagawin ni Megz? abangan......:) I would appreciate a lot kung magvovote po kayo at mag-iiwan ng comment...: I hope nag-eenjoy kayo sa story ko....

She is Daredevil's GirlfriendMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon