50~The Proposal Part 1~

27.9K 460 20
                                    

"Sigurado ba kayong magugustuhan niya ito?", nag-aalalang tanong ni Kristan.

"Ano ka ba naman boss! Siyempre idea ko yan! Malamang magugustuhan ni Miss Megan yan!", pagmamayabang ni Brenan.

''Iyon na nga eh ! Idea mo ! Malamang palpak iyan boss !'', susog naman ni Mark.

''Tsss...ano ba talaga ?! '', nayayamot ng tanong ni Kristan.

Nandito silang lahat ngayon sa Library ng Villa. Isang linggo na ang nakararaan matapos ang atakeng ginawa nila sa kuta ng mga NPA. Mas naging panatag na ang kanilang saloobin ngayong wala na sa landas nila si Chua.

Ngunit ang tanong...wala na nga ba talaga ?

Mula noon ay mas naging maganda na ang samahan nina Lola Zenny at Megan. Nagbago narin sina Inday at Isca. Tinulungan ni Donya Zenny ang tatay ni Inday sa pagpapagamot nito.

"Ang mabuti pa boss ay tawagin mo na si Jeffa para makapaghanda na sila dahil susunduin na sila ng private jet na pagmamay-ari ninyo.", sabi naman ni Celvin.

Magpropropose na kasi si Kristan kay Megan kaya naman nagpapatulong ito sa mga kasama. Hindi niya alam ang gagawin. Gusto pa man din niyang maging memorable ang lahat.

Sinabihan na ang lahat ng mga kamag-anak na dadalo pati rin ang Papa.

Ang alam ni Megan ay birthday party iyon pero masosorpresa na lamang ito.Hindi pa kami makakauwi sa Amerika dahil nag-usap na kami ng Papa. Nagkaayos narin kami at napatawad ko na siya.

Gusto ko kasing magsimula ulit kasama si Megan at ang bubuuin naming pamilya. Ipapasa na sa akin ni Papa ang Steeve Corporation sa akin kaya naman nagpasiya na akong bitawan na ang pagiging Commander ng NY SWAT at harapin na ang responsibilidad bilang nag-iisang tagapag-mana ng Steeve Corp.

Pero balak kong bumuo ng sarili kong ahensya kong saan kukunin ko sina Celvin para sila ang magpalakad nito.

Gagawin ko iyong pribado para sa mga nangangailangan ng aming serbisyo.

~

Kinabukasan

Maagang nagising si Megan dahil sa nagkakagulo na sa pag-aayos sa hardin ng Villa. Hinagilap ni Megan ang katabi ngunit wala na pala ito.

''Babe..... '', tawag niya ngunit walang sumagot kaya naman napasimangot ang dalaga.

"Kainis! Tingnan mo itong lalaking ito! Matapos magparaos basta basta nalang akong iwan!", bulong pa nito.

Nagdadabog na itong binalot ang katawan ng kobre kama at nagtungo na sa banyo upang magbihis.

"Parang gusto ko ng maasim", sabi ni Megan habang pababa na sa hagdan.

Nakita niyang nagkakagulo na ang mga tao doon at hindi magkanda ugaga sa pag-aayos.

"Goodmorning Lola", bati niya sa matandang Donya na punong abala at hinalikan ito sa pisngi.

"Oh gising ka na pala hija. Goodmorning din", sabi nito sabay halik pabalik.

"Lola..may maitutulong ba ako?"

"Hay naku hija...kaya na namin ito. Hala sige kumain ka na muna. Pumunta ka na sa komedor."

"Miring! Maghain ka nga para rito kay Megan"

"Sige po Madam", malugod namang sumunod si Aling Miring.

"Salamat Nanay Miring!", masayang sabi ni Megan at nagsimula ng kumain.

"Walang anuman hija. Hala sige kumain ka ng marami", natutuwa namang saad ni Miring sa maganang kumakain na dalaga.

"Nay Miring...Saan po si Kristan?"

She is Daredevil's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon