51~The Proposal Part II~

26.4K 423 12
                                    

~

Galit na galit parin si Kristan dahil sa sinalubong nila sa kanya. Nanghihina itong napaupo sa isang puno habang napayuko at sabunot ang buhok.

 Nagkakagulo parin sa paghahanap ang lahat. May inutusan narin siyang magpunta sa bayan pero imposible dahil wala naman silang nasalubong kanina sa daan. Malakas ag kutob niyang hindi pa ito nakakalayo kung ikakalkula ang oras ng pagkawala nito.

 Pagkuwa’y natigil siya sa pag-iisip ng may nahulog at tumama iyon sa ulo niya.

 ‘’What the hell ?! ‘’, gigil na tiningnan niya kung ano iyon at nakita nito ang buto ng mangga. Basa pa iyon at galing sa taas.

 Bigla siyang naghinala pero ayaw tanggapin iyon ng isip.

 “No fucking way……” dahan dahan niyang ini-angat ang ulo pataas at nakita niya ang sobrang taas na puno ng mangga.

 Tuloy lang siya sa pagtingala hanggang sa makita niya ang isang babae sa dulo ng sanga ng mangga sa pinakamataas at pilit na kinukuha ang bunga nga mangga kaya namang sobrang nanlaki ang mga mata niya at sobrang tinambol ng kaba ang puso ng makitang malapit ng bumigay ang sangang kinaroroonan nito.

 “Holy shit?! Shit! Shit! Celvin! Kumuha ka ng tali! As in now!”, sigaw nito kaya naman napatingin silang lahat sa kanya. Kumunot ang noo nila ang nakita nilang nakatingala lang ito sa taas. Kaya naman tumingala rin sila.

 Nang makita iyon agad tumakbo si Celvin sa loob at kumuha ng lubid.

 Shit…

 Habang nanlaki naman ang mga mata ng taong naroroon sa nakita. Hinamatay ulit sa ikalawang pagkakataon ang Mama ni Megan.

 “Ohmybaby!”, sabi pa nito  bago nawalan ng malay.

 “Sinasabi ko na nga ba! Tingan niyo ngayon! Iyan ang sinasabi ko! Kristan! Gumawa ka ng paraan! Ang bestfriend ko! Buntis pa naman din!”, sigaw naman ni Jeffa.

 “Babe….!”, sigaw naman ni Kristan kaya napatingin dito si Megan. Nang makita ang nobyo ay ngumiti pa ito at tinanggal ang isang kapit saka nag-hi.

 “Babe! Dumating na pala kayo! Happy birthday babe!”, sigaw naman nito pabalik.

 “Fuck!”, napamura naman si kristan ng makitang bumitaw ang isang kamay nito sa kapit.

 “Babe! Anong ginagawa mo diyan! Huwag kang gagalaw! Pupunta na ako diyan!”, natatarantang sabi nito at dali-daling kinuha ang lubid at mabilis na umakyat.

“Hanla! Inggit ka babe? Gusto mo rin ng mangga?! Kukuhanan nalang kita babe!”, sigaw pa ni Megan.

 “Ayyy! Sunga!”, sabi naman ni Jeffa.

 ‘’Fuck  babe ! Huwag kang maggagalaw diyan ! Just fucking wait for me!”, galit na galit na sabi ni Kristan.

 “Ehhhh?..Galit ka ba babe?”, tanong pa ni Megan.

 “Fuck no babe…just don’t move….”, sabi nito. Malapit na ito ng biglang maramdaman ni Megan ang dahan dahang paggalaw ng sangang kinaroroonan.

 Napalunok naman ang dalaga dahil dito. Habang ang lahat ng mga bisita naman ay pigil ang hininga.

 “B-babe….I think…I’m gonna f-all….”, natatakot na sabi ni Megan.

 “Hoy shit!”

 Crack……

 “Babe!!!!!!! AHHH!”

 “AHHHHHH!”

 Kasabay ng pagsigaw ni Megan ay ang pagsigaw ng mga tao dahil nakita nilang naputol na ang sanga na kinatutung tungan ni Megan. Hinintay nalang ni Megan ang pagbagsak ng katawan sa lupa ngunit makaraan ang ilang minuto ay hindi parin niya ito nararamdaman.

She is Daredevil's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon