-Megz POV-
"Babe tara na inaantok na ako", sabi ko sabay bigay sa kanilang lahat ng pagkatamis tamis na ngiti.
"Let's go", Kristan.
"Tara", Celvin.
Napakagat labi ako para pigilin ang tawa ko ng magsabay pa talagang magsalita at tumayo ang dalawang ugok.
"Mabuti pa nga guyz matulog na tayong lahat", sabi naman nung babae sabay tayo at mabilis na kumapit sa braso ng nobyo ko para siguro basagin ang katahimikan at ang tensiyon sa pagitan ni Kristan at Celvin dahil halos patayin na ni Kristan sa talim ng tingin nito kay Celvin.
Napasimangot tuloy ako at dahil sa inis ay kusa akong lumapit sa kanila at kumapit din sa braso si Celvin.
"Intense....",narinig kong sabi ni Mark
Nagpalitan naman kami ng matatalim na tinginan ng babae. Taas kilay niya akong tinitigan mula paa hanggang ulo. Bwisit na babaeng ito, ang sakit sa bangs...akala mo kagandahan...mas maganda ako sa iyo bruha ka! Ako ang real girlfriend feelingera.....asar kong mura dito sa utak ko.
"L-let's go guyz...", yaya sa amin ni Brenan.
Tahimik kaming umakyat sa hagdan. Unang dadaanan ang kwarto ng bruha.
"Dito na ako Heart...Goodnight", malambing na sabi nito kay Kristan at nanlaki ang mga mata ko ng mabilis itong humalik sa labi ni Kristan at ang gago hindi manlang kumuntra. Halos umusok ang ilong ko dahil doon kaya naman mabilis kong hinila si Celvin palayo sa kanila.
"Asan ang kwarto mo?!", singhal ko dito.
"D-doon", turo nito sa isa pang kwarto kaya dali-dali ko siyang hinila papunta doon. Bubuksan ko na sa ang kwarto ng marinig kong nagsalita ang gago.
"Where do you think you're going?"tanong nito.
"Eh di matutulog sa kwarto ng babe ko...bakit may angal ka?", sabi ko dito sabay pasok sa loob at binagsak ang pinto pasara at mabilis na nilock iyon.
"Wooohhh! Grabe and lupit mo kay bossing Ms. Megan.", sabi ni Celvin at pinunasan kunwari ang pawis sa noo.
"What the heck! Open this damn door! Celvin! Mapapatay kita! Tangna buksan mo ang pinto sabi!"
"Hanla, nagwawala na si Boss Ms. Megan!", natatarantang sabi ni Celvin kaya tiningnan ko siya ng masama kaya hindi na ulit nagsalita.
"Kapag iyan nabuksan, malilintikan ka sa akin", pagbabanta ko rito saka tumungo na sa banyo para maligo muna bago matulog.
Naiwan tuloy si Celvin doon na nanghihina habang patuloy na nagwawala sa labas si Kristan.
“Pagbilang ko ng tatlo Celvin..at hindi mo na binubuksan ito ay mapapatay talaga kita!” Kasabay ng babala nito ay narinig ni Celvin ang pagkasa ng baril kaya naman mas lalo pa itong nataranta at mabilis pa sa alas kwatro na binuksan ang pinto.
“B-boss…wala akong kasalanan boss..si Miss Megan..”, pagmamaka-awa nito habang nakataas ang dalawang kamay sa ere.
“Where is she?”,nagtitimping tanong nito.
“S-sa Banyo boss. Naligo ata”, takot na takot parin na sabi nito.
“Get out now..Baka magkamali ako at mapatay kita. All of you…get out…”sabi ni Tristan sa mga kasamahan at mabilis naman silang tumakas na papunta sa kanilang kwarto.
Pabagsak na isinara ni Tristan ang kwarto at nilock.
Magtutuos tayo ngayon my freak girlfriend….sabi nito sa isip at ngumisi pa.
BINABASA MO ANG
She is Daredevil's Girlfriend
Romance"Celvin! Help me", sabi ni Megan at tinaas ang kamay upang magpabuhat. Samantala, tumutulo na ang pawis ni Celvin sa noo dahil sa nerbiyos. Kitang kita niya kung gaano dumilim ang mukha ng kanilang boss. "No way!", gigil na sabi ni Kristan at mara...
