36~Don't Mess with the Daredevil Part II~

25K 479 0
                                    

~Kriztan POV~

Mabilis kong tinungo ang kwarto ko at hinanap ang aking tracking device na nakakonekta sa kwintas na binigay ko kay Megan. May pagmamadali kong kinalikot iyon para makita kung saan dinala ng mga NPA ang nobya.

Hindi naman nagtagal ay nagpop-out doon kung saan sila naroroon. Hindi pa sila nakalalayo.

Mabilis kong sinukbit lahat ng magagamit na armas sa iba't bang parte ng aking katawan. Nang matapos ay lumabas na ako at napansin kong handa narin ang mga kasamahan ko habang nakatingin lang sa amin si Janine na may pagtataka.

"Heart....ano bang nangyayari? Saan kayo pupunta?', tanong nito.

"We are going to save the hostage of the holdup insident reported in the news", matiyagang pagpapaliwanag ni Celvin at tumingin naman ako ng may pagpapasalamat dito dahil sa totoo lang ay napakahirap kung sabihin dito na ililigtas ko ang nobya ko dahil nasa panganib ito.

Nanlaki naman ang mga mata nito sa narinig. "Hindi ba delikado iyan Heart?', nag-aalala nitong tanong.

"I have to save her...", determinado kong sagot dito at umalis na patungo sa kotse.

"K-kilala niyo ba yung hostage? Bakit ganyan nalang kayong mag-alala sa kanya?", pahabol pang tanong nito kaya napatigil ako dahil gustong gusto ko na ritong sabihin na oo dahil girlfriend ko siya pero ayoko namang saktan ito.

"She is our friend....."si Brenan na ang sumagot dito.

"T-talaga? Kaya ba siya papunta rito?', tanong nito ulit. Hindi ko na sana siya papansinin pero napatigil ako dahil sa sinabi ulit ni Brenan.

"Y-yeah....she's Celvin's girlfriend?", sabi nito. Agad ko siyang binigyan ng nakakamatay na tingin kaya naman tinaas nito ang dalawang kamay nito na parang sinasabi nitong sumusuko ito.

Shit! She's my girlfriend! Fuck! Gustong gusto ko iyong isigaw!

"R-really?", parang natuwa naman si Janine sa narinig.

"Y-yeah..she's my girlfriend..?.", nagdadalawang isip namang sagot ni Celvin kaya naman binaling ko dito ang nakamamatay kong titig. Kaya naman tumahimik ang paligid dahil naguguluhan na rin si Janine na kakatwang pinapakita kong reaksyon.

"Let's go...", asik kong utos dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at pagbabarilin ko pa ang mga gago!

"Heart...ingat...", pahabol na bilin sa akin ni Janine.

Pagkapasok ng lahat sa kotse ay hindi ko muna ito pinaandar kaya naman parang nahuhulaan na nilakung ano ang mangyayari.

"You wanna die?!" sigaw ko sa kanilang lahat.

"Boss, I  did that just to save you back there", pagpapaliwanag naman ni Brenan pero nagsisimula na itong panlamigan ng kamay.

"Yeah boss.....I think you have to tell to the woman about your relationship with Ms. Megan baka mas magkakagulo pa pag-nalaman ito ni Ms. Megan", sabi naman ni Celvin.

"I know! But I don't want you saying that she's your girlfriend ever again because she is mine alone! Understood?!", nagpipigil parin ako sa galit.

"Yes boss....", sabay namang sagot ng dalawa dahil kilala nila ang boss nila kapag ang pinag-uusapan ay ang nobya nitong si Ms. Megan.

Mabilis kong pinasibad ang sasakyan at hindi naman nagtagal ay narating na namin ang pinangyarihan ng insidente. Naroroon pa ang bus at ilang mga pasahero pati narin ang mga reporter.

Mabilis kong tinapunan ng tingin ang tracking device at napansin kong hindi ito gumagalaw sa kung saan man sila naroroon. Agad namang bumalik ang kaba ko para sa kaligtasan ng nobya. Napansin ko ring hindi pa sila gaanong nakalalayo mula sa kinaroroonan namin.

She is Daredevil's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon