I would like to thank @rmloveitachi for the floodsvote and @ihategrace for being consistent in voting....this chappy is dedicated to both of you...:)
~
-Kriztan POV-
continuation of flashback
"Mama naman eh, para ka namang aalis niyan eh", asar kong sabi dito.
"Haha, ang anak ko talaga. Anong masama sa pagsasabi ng I Love You..Haha..Lika nga..Hug nga si Mama", paglalambing nito. Niyakap ko naman siya. Pero hindi ko akalain na iyon na pala ang huling pagyakap ko sa kanya. Kung alam ko lang sana sinulit ko na sana ang araw na iyon para makasama siya.
Saglit lang nagtagal ang yakap niya at bumitaw na ito. “Ang mabuti pa anak, sunduin mo na ang girlfriend mo. Bagay na bagay kayong dalawa. Napakabait na bata ni Janine. Huwag mo siyang sasaktan anak ha? Mangako ka”, sabi nito
“Ofcourse Mama, Mahal na mahal ko po si Janine. Hinding-hindi ko po siya sasaktan. Pangako po”, sinsero kong sabi dito.
“Mabuti naman anak at nagkakaintindihan tayo. Hala, sige na sunduin mo na siya. Baka maya-maya ay narito na ang Papa mo”, aniya at tumingin pa sa relo.
“Are you sure Mama na dadating talaga si Papa?” pag-aalala ko dito.
“Anak, malaki ang tiwala ko sa Papa mo. At parang hindi mo siya kilala ah may isang salita iyon. Dadating ang Papa mo okay?”, paggigiit pa nito.
“Noon siguro Mama pero ngayon…ilang ulit na bang binali ni Papa ang mga pangako niya? Sorry, hindi ko na mabilang eh”, sarkastiko kong sabi.
“Kristan, anak, Huwag mo namang sirain ang gabing ito oh importante kasi sa amin ito ng Papa mo anak. Anniversary namin”, hinging pang-unawa ni Mama.
Napabuntong hininga nalang ako. “Basta Mama, kahit anong mangyari ngayong gabing ito, narito lang ako palagi para sa iyo okay? Mahal na mahal kita Mama”, sinserong sabi ko sa kanya saka siya niyakap.
Unti-unti namang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. “Napaka sweet naman ng anak ko. Salamat anak, hayaan mo hinding hindi ko iyan kalilimutan. Mahal na mahal din kita anak”, wika niya at niyakap din ako pabalik.
Saglit pa kaming nag-usap ni Mama at tuluyan na rin akong umalis para sunduin ang nobya. Pagdating ko sa malaking Villa nina Janine, agad kong pinarada ang kotse ko at umibis na.
“Goodevening Tito Ruben, Tita Jacky..” bati ko sa mga magulang ni Janine na nabungaran ko na nakaupo sa malawak na sala nila.
“Oh andito ka na pala Kristan iho, halika muna at umupo, pababa narin si Janine. Pakisabi nalang sa mga magulang mo na Happy Anniversary ha? Masama kasi ang pakiramdam ko eh”, sabi ni Tito Ruben sa akin.
"Pagpasensyahan mo na Kristan ha..Alam mo na ang tumatanda.."pang-aasar naman ni Tita Jacky kay Tito.
“Sige po Tito maiintindihan naman po siguro ni Mama”, sabi ko at naupo na malapit sa kanila.
‘‘ Aba, ang gwapo natin ngayon ah Kristan ’’, tukso sa akin ni Tita.
‘‘ Tita naman..palagi naman eh ’’, biro ko dito.
‘‘ Haha..oo nalang... ’’ kunwa’y napipilitang sabi nito.
Hindi pa kami nagtatagal sa pag-uusap pero naagaw ang pansin ko sa babaeng pababa mula sa hagdan. Makapigil hininga ang mala anghel na ganda nito. Agaw pansin naman ang kaputian nito sa kanyang puting gown na suot. Ang ganda ng pagkakakulot ng kanyang buhok-
BINABASA MO ANG
She is Daredevil's Girlfriend
Storie d'Amore"Celvin! Help me", sabi ni Megan at tinaas ang kamay upang magpabuhat. Samantala, tumutulo na ang pawis ni Celvin sa noo dahil sa nerbiyos. Kitang kita niya kung gaano dumilim ang mukha ng kanilang boss. "No way!", gigil na sabi ni Kristan at mara...
