-Megan POV-
Agad akong nakabili ng ticket papuntang Zamboanga. Hindi na ako nagpaalam sa bahay at nag-iwan nalang ako ng sulat para kay Jeffa na tulog na tulog pa kaninang umalis ako. Nakanganga pa nga ang loka. Ganito kasi ang buhay namin sa New york. Gising na gising kami sa gabi at tulog naman sa umaga. Haha. Paniki lang ang peg.
Tutal summer naman. Nagsuot nalang ako ng short at blouse na hapit sa katawan. Pinares ko ang isang flat slippers at hinayaang ilugay ang alon alon na buhok. Naglagay lang ako ng konting pulbo at lipgloss. Woooh I feel so fresh. Zamboanga here I come. Nagsuot pa ako ng sunglasses dahil hitik na titik na ang araw.
Pero teka, saang parte kaya ng Zamboanga sila naroroon? Hanla lagot na. Saka ko nalang naisip iyon ngayong nakasakay na ako sa eroplano. Di bale, tatawagan ko nalang ulit si Celvin mamaya pag lapag ng eroplano. Saka pinikit na ang mga mata. Makatulog na nga muna saglit.
~
Kriztan POV
Nasa labas na ako ng bahay namin sa Zamboanga dito sa T**** pero hindi pa ako pumapasok atpinagmasdan ang paligid. Wala paring pagbabago ang Villa. Wala manlang akong nakitang bago dito. Malaki ang sakop ng Villa namin almost kalahating bahagi ng lugar ay sa amin. Sa kabilang bayan ay naroon naman ang Villa nina Janine. Kamusta na kaya siya? Paano ko siya pakikiharapan. Paano ko ipapaliwanag na nawala na ang pagmamahal ko sa kanya at may minamahal na akong iba.
Ayokong masaktan sila pareho pero mahal na mahal ko na talaga si Megan. Hindi ko kaya na mawala siya sa akin. Siguro tama talaga ang pag-uwi kong ito para makausap ko na siya tungkol sa nakaraan at magkaroon ng formal na paghihiwalay. Alam kong masasaktan siya pero tatanggapin ko ang lahat ng reaksyon mula rito at eventually matatangap niya rin iyon Ang hindi niya kaya ay ang mawala si Megan sa buhay niya.
"Haaaayyyysssstt" napabuntong hininga ako ng malalim matapos paandarin ang kotse at pumasok na sa lagusan ng Villa.
As expected nagtatakang tingin ang binabato sa kotse ko ng mga trabahador na nadaanan ko sa Villa. Napatigil sila sa ginagawa at sinundan ng tingin ang aking sasakyan. Ilang minuto rin ang ginugol ko hanggang sa marating ko na ang pinakaloob ng Villa kung saan nakatayo ang malaking tahanan namin.
Nagtataka namang lumabas ang lahat ng mga katulong namin mula sa loob ng bahay at pigil hininga kung sino ang laman ng sasakyan. Hindi naman nagtagal ay lumbas din si Lola Zenny at nagtataka rin kung ano ang pinakakaguluhan ng mga tauhan.
Nagpasya na akong bumaba at binuksan ang kotse saka lumabas. Narinig kong napasinghap at nanlalaki pa ang mga mata ng mga tao ng makita nilang ako ang bumaba.
"Apo ko..nagbalik ka na...."malulha-luhang sambit ni Lola Zenny at tumakbo palapit sa akin.
Ngumiti ako dito at agad namang sumalubong ito. "I miss you Lola...", sabi ko dito at niyakap ito ng mahigpit.
"Apo ko kay tagal ka naming hinintay na bumalik. Miss na miss ka na namin", umiiyak ito habang yakap yakap ako ng mahigpit.
Maluha luha naman ang mga tao sa paligid habang nakatunghay sa amin ni Lola.
"Huwag ka ng umalis apo ha? Dito ka nalang", sabi pa nito.
Umalis ako sa pagkakayakap dito at saka siya tinitigan. Hinawakan ko ang mukha niya at pinahid ang mga luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata. "Lola, gusto ko man ay hindi pwede. Nandito ako dahil sa trabaho", pagpapaliwanag ko dito.
Lumungkot naman ang mukha nito pagkarinig sa sinabi ko. "Hindi ko na ba mababago ang desisyon mong iyan apo? Paano si Janine?"malungkot na tanong nito.
"Lola, kaya nga nandito ako para ituwid na rin ang kasalanan ko. May bagong buhay na ako Lola. May iba na pong laman ito", sabi ko dito at tinuro ko pa ang puso ko.
BINABASA MO ANG
She is Daredevil's Girlfriend
रोमांस"Celvin! Help me", sabi ni Megan at tinaas ang kamay upang magpabuhat. Samantala, tumutulo na ang pawis ni Celvin sa noo dahil sa nerbiyos. Kitang kita niya kung gaano dumilim ang mukha ng kanilang boss. "No way!", gigil na sabi ni Kristan at mara...
