41~Deeply Wounded~

28K 458 3
                                        

-Megan POV-

Wala kahit sino ang naglakas ng loob para magsalita matapos isawalat ni Kristan ang katotohanan.

“Y-you’re kidding me right?”, nanginginig na tanong ni Janine dito at walang humpay ang pagtulo ng mga luha.

Kahit naaasar ako sa kanya, kumurot parin ang puso ko para dito. Wala naman talaga siyang kasalanan dahil nagmahal lamang ito. Nagtiis ito, naghintay at hinawakan ang isang pangako.

Pero ganoon nga talaga yata ang pag-ibig.

“I’m sorry Janine for hurting you so bad. I did love you. But I fall deeply for this girl beside me. Galit ako sa mundo noon. Isa akong halimaw pero ng dumating siya sa buhay ko ay nagbago ang lahat-

PAAAAAKKKKKK

Napasinghap naman kami ng ubod lakas na sinampal si Janine si Kristan.

“Pero bakit hindi nalang ako! Kaya ko naman eh! Ano bang ginawa niya at tatapatan ko! Sabihin mo lang huwag lang ganito kasi Kristan sobrang nasasaktan ako. Ang sakit sakit..”, matapos sabihin iyon ay humagulhol ito ng iyak.

Pati ako ay naiiyak narin sa natunghayan ko. Naaawa ako dito…

“I know malaki ang kasalanan ko sa iyo Janine pero hindi na kita mahal. Mahal na mahal ko si Megan. Ikamamatay ko pag nawala siya sa akin. Sana kahit alam kong mahirap matanggap mo na wala ng TAYO”

“Ang kapal kapal ng mukha mo para sabihin iyan sa akin! Wala akong ginawa para saktan ka. Minahal kita sobra pa sa pagmamahal ko sa sarili ko! Nagpakatanga ako sa iyo! Naghintay ako Kristan! Bakit mo nagawa iyon sa akin hah!”,iyak na iyak parin ito habang sinugod ng hampas at sampal si Kristan hanggang sa hinang hina itong tumigil.

“Unang tingin ko palang sa babaeng iyan ay masama na ang kutob ko. Alam kong may iba dahil sa klase ng tingin mo sa kanya na dati ay sa akin mulang iyon ginagawa pero sabi ko sa sarili ko wala lang iyon. Ngayon narinig ko na ang kompirmasyon mula sayo bakit ang sakit sakit ha!”, wala parin itong tigil sa pag-iyak habang naglalabas ito ng sama ng loob.

“I’m sorry Janine”, malungkot namang sabi ni Kristan at sinalo si Janine dahil para itong matutumba na.

“Ang sama mo Kristan..Wala akong ginawang masama. Ito ang tandaan mo, hindi ko kayo hahayaang maging masaya”, huling nasambit nito bago mawalan ng malay.

Bumilis naman ang pagtibok ng puso ko dahil sa huling binitawan nitong salita.

“Shit!”, napamura naman si Kristan at pinangko na si Janine papunta sa bahay.

“B-babe….”, tawag ko dito.

Tumigil ito ngunit saglit lang at nagpatuloy ulit sa paglalakad. Ni hindi manlang ito tumingin sa akin pero iniintindi ko na lamang ito na malungkot na yumuko.

“Hey..Miss Megan…are you okay?”, tanong naman ni Gab sa akin.

Lumingon ako dito  at hinayaang pumatak ang mga luha ko.

“Masama ba ako?”, hindi ko na napigilan ang sarili ko na magsalita dahil may nasaktan kaming ibang tao dahil nagmahalan kami ni Kristan.

“No Miss Megan..Wala kang kasalanan. Hindi mo naman alam ang tungkol sa kanya eh”, pang aalo naman sa akin ni Celvin.

Lumapit ito sa akin kaya kusa na akong yumakap dito at umiyak ng umiyak.

“Hindi naman namin sinasadya eh. Mawawala na ba sa akin si Kristan ?’’, natatakot kong tanong dito.

‘’Wag kang magsalita ng ganyan Miss Megan. Maaayos din ang lahat. Matatanggap din ni Janine na wala na sila ni Kristan at may iba na itong mahal’’.

‘’I feel so bad... ‘’

‘’Lilipas din ito’’, wika nito.

Sa di kalayuan ay naroon si Lola Zenny at natunghayan nito ang nangyari. Naaawa ito kay Janine at sobrang galit ang nararamdaman para sa babaeng naging dahilan ng matinding pasakit na nararamdaman ng dalaga.

Huwag mong iisipin na tapos na ang lahat dahil hindi ko hahayaang ikaw ang makatuluyan ng apo ko.

At sisiguraduhin ko iyan..

Lumipas ang araw na sobrang tahimik ng kabahayan. Mabilis namang nagkalat sa lahat ang totoong relasyon ni Kristan at ni Megan. Marami ang naawa kay Janine at nagalit kay Megan.

Napapansin naman ni Megan na parang ilag sa kanya ang  halos lahat ng kawaksi. Hindi rin nila itinatago ang mga masasamang tingin nila dito.

Okay lang naman iyon sa kanya pero ang mas nagpapasakit sa kanyang kalooban ay pati si Kristan ay umiiwas sa kanya. Hindi siya nito iniimik at nasasaktan siya sa malamig na pagtrato nito sakanya.

So, kasalanan ko nga…kung bakit nagkasira ang dream love team nila…mapait kong nasambit sa sarili ko at kasabay nito ay ang pagbagsak ng luha ko na mabilis ko namang pinahid.

-SA LOOB NG LIBRARY-

“Boss, what are we going to do now…”, pagbasag ni Brenan sa nakakatahimik na paligid.

Narito silang lahat sa library dahil pinatawag sila ng Commander.

“Stick to the plan. Hanapin ang lungga ng Xander Chua na iyon. Malaking oras na ang inaaksaya natin para lang sa isang tao. Hindi ganito ang trabaho natin alam niyo iyon kaya naman aasahan ninyo na magiging abala na tayo sa mga susunod na araw”, ang mahabang paliwag ni Kristan gamit ang pormal na boses nito.

“About Miss Megan Boss…how-“

“Sa ngayon Celvin, ayaw ko munang pag-usapan iyan. Pagtuunan natin ng pansin ang trabaho. Ang rason kung bakit tayo nandito ngayon”, maasidong putol niya dito sa kung anumang balak na sabihin ni Celvin.

Napahiya naman ito at napayuko na lamang.

“That is for now..You may leave. Maaga pa tayo bukas”, ang pagtataboy nito sa kanila. Tumayo naman silang lahat at umalis na sa library at tahimik na nagsitunguhan na sa kani-kanilang kwarto.

Naiwang mag-isa si Kristan sa silid aklatan. Tumayo ito at tumungo sa isang mini bar. Naglagay siya ng alak sa baso at diretso itong nilagok. Naramdaman niya ang init at pait sa loob ngunit wala siyang paki-alam.

He feels very guilty for what he did to Janine. Alam niyang wala itong kasalanan pero hindi naman niya pinagsisisihan na minahal niya si Megan.

Umalis na kanina si Janine at dinala lahat ng gamit. Desisyon din niya na hindi muna kikibuin si Megan para mawala ang guilt feeling na nararamdaman niya. Alam niyang nasasaktan din si Megan sa mga nangyayari pero alam kong malalampasan namin ito. Naniniwala akong lilipas din ito.

She is Daredevil's GirlfriendMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon