31~Surprise~

23.5K 435 4
                                    

-Kriztan POV-

Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko habang naglalakbay ako pabalik sa nakaraan.

"Haayyssstttt", napabuntong hininga nalang ako. Wala akong pinagsisisihan sa lahat ng ginawa ko. Lumipad ako sa New York para doon ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Dugo't pawis ang pinuhunan ko at hindi naman ako nabigo dahil nagtapos ako ng may pinakamataas na karangalan. Iniwasan kong makibalita ng kahit ano sa lahat ng mga mahal ko sa Zamboanga. Nagsimula ako ng panibagong buhay.

Madami ang humanga sa akin dahil sa aking kakayahan.Lagi akong nangunguna sa lahat ng training namin kaya nakilala ako bilang sharpshooter, blackbelter sa taekwando, at marami pang iba.

Madami rin ang nangamba lalong lalo na ang mga taong may baluktot na ginagawa sa dala kong panganib sa kanila.

Madaming nag-offer sa aking trabaho ngunit mas pinili ko ang NY SWAT. Pagpasok ko palang ay nangahas na akong humawak ng mga kaso na agad ko namang nalulutas. Kada kaso na hawak ko ay doon ko ibinubuhos ang kinikimkim kong galit sa taong kumitil sa buhay ng pinakamamahal kong ina. 

Hanggang sa sa akin na pinagkatiwala ang mga malalaking sindikato na bukas palad kong tinanggap. Bawat pag-atake ko ay nag-iiwan ako ng markang pagkikilanlan nila sa akin. Kapag naiisip ko ang mga masasamang ginagawa nila ay nagdidilim ang paningin ko at nagiging mapanganib ako. Doon ako sumikat lalong lalo na sa underground world. Binansagan akong Daredevil dahil wala akong awa sa bawat pag-atake ko. Pinapatay ko ang lahat ng humarang sa dinadaanan ko. Nakalimutan ko narin kung kailan ang huli kong pagngiti o pagtawa. Parating nakunot ang noo ko at seryoso lang kaya marami ding ilag sa akin.

Pero nagbago ang lahat ng iyon sa isang iglap lang. Napangiti ako ng maalala kong paano ko ba nakilala si Megan.

You can take everything I have 
You can break everything I am

Like I'm made of glass
Like I'm made of paper
Go on and try to tear me down
I will be rising from the ground
Like a skyscraper, like a skyscraper

Napatigil ako sa paggunita ng tumunog ang cellphone ko. Napangiti nalang ako nakakabakla naman ng alarm tone ko. Haha. Si Megan kasi ang naglagay niyan mahilig kasi sa music. Sa music kasi nakuha niya ang attention ko. Yun ngalang epic fail. Haha Alas singko na pala ng madaling araw. Nagset kasi ako ng alarm clock dahil maaga akong magbibiyahe papuntang Zamboanga. Bibili pa ako ng ticket para sa 6:00 na flight. Pinalipad ko na kasi ang jet ko papuntang New York dahil doon sasakay ang mga kasamahan ko sa SWAT papuntang Pinas. Siguro makakarating ako ng 7:00 doon mamaya habang sina Celvin ay mayang tanghali pa dadating.

Dali-dali akong nag-ayos ng mga gamit na dadalhin ko at saka umibis na paalis. Dumaan muna ako sa bahay nina Megan bago pumunta sa airport. Hininto ko ang sasakyan ilang metro ang layo sa kanila. Tumingin ako sa paligid at napansin kong wala ng tao sa paligid. Tumingin ako sa taas kung saan ang kinaroroonan ng kwarto ng nobya at nagtataka ako kung bakit bukas parin ang ilaw.

Bumaba ako sa sasakyan at naglakad papalapit sa harapan ng kanyang silid. Pinag-aralan ko ang paligid at napangisi ako ng makita ko ang puno malapit sa bintana nito. Aba kung sinuswerte ka nga naman. Bukas pa ang bintana.

Walang hirap kong inakyat ang puno saka naglambitin at tumawid papunta sa bukas na bintana. Dahan dahan akong pumasok at nakita kong nakatagilid ito pahiga sa direksyon ko at tulog na tulog. 

Napansin kong hindi pa ito nakakapagbihis. Suot parin nito ang gown kanina at hindi manlang tinaggal ang sadalyas nito. Lumapit ako dito at maingat na tinanggal ang kanyang sandals saka humiga sa tabi nito. Mayroon itong yakap yakap ng kwadro kaya maingat ko iyong kinuha. Napangiti ako ng makita kong larawan namin iyon na masaya itong nakasakay sa likod ko at humalik sa pisngi ko habang ngiting ngiti akong nakatingin sa kamera.

She is Daredevil's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon