Hinayaan kong sumabog ang akong buhok mula sa pagkaka-ipit nito. Wearing my white dress with sunflower print, fliplops, and a hat. I walked by the seashore while looking at the sky. Like a whirling wind, time passes by so fast. Pinikit ko ang aking mata, lumandas ang aking mga luha.
Six years. For six years, I've been asking myself... 'why?' Ilang taon na ang nagdaan pero heto pa rin ako't nakakulong sa nakaraan. Sa parehong lugar na ito, sa parehong araw...
Dito dapat kami ikakasal. Kung natuloy ang kasal namin, wedding anniversary na sana namin ngayon. Kaso hindi iyon natuloy. Iyon ang hanggang ngayon na tanong ko. Bakit hindi ka dumating? Bakit hindi natuloy? Bakit hinayaan mo akong parang tanga na naghintay at patuloy na naghihintay sa iyo?
"Ate Jo! Kakain na raw!" Pinunasan ko ang aking luha nang marinig ang sigaw ng kapatid ko.
Tumikhim ako. "Ah, oo! Papunta na!"
Narinig ko ang tawanan at kwentuhan ng pamilya ko. Pinilit kong ngumiti. I wish I could be genuinely happy someday. I wish I could move on. But I feel like, I still need to hold on. I still need to know, why? What's his reason for not showing up at our own wedding day? Why didn't he show up for six years? Where is he?
"Anak..." Tawag sa akin ni mommy.
"Oh, tara na! Kain na tayo! Nako, ang sasarap ng pagkain." Tiningnan ko isa-isa ang pagkaing nakahanda. Nakaramdam ako ng gutom. Sinulyapan ko sila mommy at daddy. They look worried. I tried my best to smile and laugh para hindi na sila mag-alala.
Tumikhim si lola. "Magdasal muna tayo!" Masigla na sabi nito.
Pagkatapos magdasal, nilantakan na namin ang masasarap na pagkaing nakahanda. Kahit sandali lang, nakalimutan ko ang problem ko dahil sa pamilya ko. Ngunit ang sakit at bigat sa aking dibdib ay 'di pa rin nawawala. Hangga't hindi ko siya nakikita't natatanong, I will never move on.
I guess, the most painful goodbyes are the ones unexplained.
"Anak, bukas, uuwi na tayo. Do you want to stay here for a little longer?" Natigilan ako. Do I want to stay here?
"Mom, n-no. Sasama ako bukas sa pag-uwi. Plus, I have work." I said while playing with my food.
"Pwede ka namang magleave muna, Jo." Nag-aalalang sabi ni lola.
Umiling ako para ipakita sa kanilang okay lang talaga sa akin. Nagkatinginan sila at bumuntong-hininga na lamang, pinapakita ang pagsuko.
Maaga pa lang ay pumasok na ako sa ospital kung saan ako nagtatrabaho. Isa akong nurse sa isang pribadong ospital. Sinalubong agad ako ni Helena. Nurse rin at matalik kong kaibigan. Pag-aalala ang nakapinta sa mukha nito. Nagtataka ma'y nilapitan ko siya't niyakap.
"Oh? Bakit ganyan ang mukha mo?" Tanong ko.
"Pinapatawag ka ni Doctor Fernan sa office niya! Sinong 'di mag-aalala?" Pabulong niyang sigaw sa akin.
Binalot ng kaba ang aking dibdib. Bakit ako pinapatawag? May nagawa ba akong mali? Napagdesisyunan kong pumunta na lamang sa opisina ni Dr. Fernan. Tiningnan ko si Helen at nagpaalam na. Tumango lanang siya.
Nanginginig ang aking buong katawan habang papunta sa opisina nito. Kinakabahan ako. Ilang doktor at nurse na at nasisante niya. Paano kung magiging isa rin ako sa mga doktor at nurse na iyon? Kilala siya bilang isang napaka-istriktong tao.
Nasa harapan na ako ng office niya.
Inhale. Exhale.
Kumatok ako ng dalawang beses at pumasok. I saw a woman, siguro mga kaedad ko lang. She was very pretty. She sat with pure grace, mahahalata mong mayaman. Napatingin silang dalawa sa akin.
BINABASA MO ANG
Mixtape of Lullabies
Short StoryThis is a mixtape full of pain from different stories that could make your body weak and will you down in the ground full of shattered heart of glasses. Tales that will tell you about different kind of tears from the different love stories with diff...