"Hon? Gaano mo ako kamahal?" Mabilis na sumilay ang ngiti sa kaniyang labi."Mahal na mahal. Tipong sa iyo umiikot ang aking mundo. Sa iyo nagsisimula ang bawat umaga ko.
Ikaw ang inspirasyon ko sa bawat bagay na ginagawa at gagawin ko. Sa bawat laban, ikaw ang pinaghuhugutan ko ng lakas. Ang pagmamahal ko sa iyo ay parang tanikala na hindi mo kayang pakawalan ang iyong sarili." Mahabang tugon niya.Napangiti ako. Napakasarap marinig ang bawat salita niyang punong puno ng pagibig. Salitang nagbibigay sa akin ng saya, gayundin ang sakit.
"Hon? But what if one day I will asked you to let go of me? Will you?" Humigpit ang kapit niya sa aking kamay.
"I can't and I won't even if I have the chance to. Ikaw ang buhay ko ko, ang mundo ko. Ang pakawalan ay siya ko ring kamatayan. Wala akong balak magpakamatay.Tulad ng sinabi ko, hindi mo mapakakawalan ang sarili mo sa pagibig ko." Dinig ko ang kakaibang emosyon sa kaniyang boses. Tila pinababatid na ano man ang mangyari, wala siyang balak na ako ay pakawalan.
"What if I told you that I'm in love with someone else? That my happiness is him? That I want to spend my life with him? Pakakawalan mo na ba ako?" Muli'y tanong ko. Sandali siyang napipilan. Tila hindi alam ang tamang isagot.
Muli akong nagsalita.
"Paano kung magmakaawa ako sa iyong palayain mo na ako dahil gusto kong sumaya sa piling niya?""I still won't. Hindi ko kayang makita kang hawak ng iba."
"Paano kung dahil sa ayaw mo akong pakawalan ay maipit ako sa sitwasyon kung saan mapipilitan akong lokohin ka?" Tanong kong muli. Napipilan siya at natagalan bago nakahulma sa aking katanungan.
"Tatanggapin pa rin kita. Ganoon siguro ako katanga. Tulad ng sabi ko, kamatayan ko ang sa akin ikaw ay mawala. Titikisin ko ang sakit dulot ng iyong pagtataksil. Pero ikamamatay ko kapag kalayaan mo ang kapalit. Ikamamatay ko iyon." Ani niya sa garalgal na boses.
Paulit ulit sa utak ko ang kaniyang kasagutan. Kasunod ang mga tanong na, paano ako makalalaya sa relasyon naming dalawa?
"Eisen. Si Jake ba iyong kasama mo kagabi?" Tanong sa akin ng pinsan ko. Nanlalaki ang mata kong nilingon siya.
"H-hindi. I mean... Nagkasalubong lang kami." Paliwanag ko habang ang puso ko ay nagwawala.
"Pero nakita kong pinipilit mong hawakan ang kamay niya. Are you cheating?" Mabilis na tanong niya. Ilang iling ang ginawa ko para pagtakpan ang katotohanan.
But every skeleton you are hiding will come out to its closet by themselves. Pero sa sitwasyon ko, pinili kong ipaalam sa kaniya ang aking sikreto. Umaasang pakakawalan niya na ako.
Hinabol ko siya at hinatak ang kamay.
"Jei, please let me explain." I said while crying. Nakita ko sa mata niya ang luhang nagbabadya ng pumatak."I'm sorry..." Mahina kong sambit.
Ilang iling ang pinakawalan niya."Mahal mo ba siya?" Tumango ako bilang kasagutan sa tanong niya. Nanatiling nakayuko ang ulo ko.
"Bakit?" Bigo ang tinig niya na lalong nagpahagulgol sa akin.
"Bakit minahal mo siya ganoong tayong dalawa pa? Bakit naghanap ka pa ng iba gayong nandito naman ako? Bakit ang bestfriend ko pa?" Bakas na bakas sa boses niya ang sagot.
Ang mga salita niya ay parang patalim na itinatarak sa dibdib ko.
I keep murmuring my sorry to him bago pa ako nakahulma.Pinili kong tumayo ng tuwid at sinalubong ang mata niya.
"Pakawalan mo na ako." Pagmamakaawa ko. Inaakalang palalayain niya na ako subalit hindi.
Parang dinudurog ako habang pinagmamasdan siyang kumakanta habang tumutugtog ang gitara.
BINABASA MO ANG
Mixtape of Lullabies
Short StoryThis is a mixtape full of pain from different stories that could make your body weak and will you down in the ground full of shattered heart of glasses. Tales that will tell you about different kind of tears from the different love stories with diff...