Just A Friend by Kevyn Bautista

37 0 0
                                    

Paano ba masasabing mahal mo na ang isang tao? Kapag ba masaya ka sa kaniya at pakiramdam mo lalabas na 'yong puso mo sa dibdib, mahal mo na siya? Kapag ba kinilig ka? Kapag ba hindi mo siya makalimutan? Basehan na ba ang lahat ng iyon para masabing mahal mo na ang isang tao?

Napabuntong-hininga na lang ako dahil ako mismo hindi ko alam kung masasabi kong mahal ko na siya o paghanga lang ang nararamdaman ko.

"Girl, masyado ka na namang tulaley diyan. Naglalaro na naman ba ng basketball 'yang si Vien diyan sa isip mo?" pukaw sa akin ng kaibigan kong si Cara.

Humarap ako sa kaniya suot ang naguguluhang mukha. Hindi kasi mawala sa isip ko 'yong tanong na 'mahal ko na ba siya?'. "Hindi ko nga alam kung bakit parang walang kapaguran si Vien sa paglalaro sa isip ko." Lumaylay ang balikat ko. "Cara, ano bang basehan mo para masabing mahal mo na 'yong isang tao?" biglang tanong ko sa kaniya.

Kumunot ang noo niya, saka biglang ngumuso. "Sa akin kasi simple lang 'yong basehan ko sa pagmamahal, eh. Kapag 'yong tao hindi mawala sa isip mo at sa tuwina na lang napapangiti ka. Sa tuwing masaya kang kasama siya. Kapag nasasaktan ka na. Ibig sabihin lang niyon mahal mo na siya. Ganoon lang kasimple para sa akin, ewan lang sa iba." Kumibit balikat pa ito. Umupo na siya sa bench kung saan ako naroon.

Tumingin lang ako sa kaniya nang seryoso. Lahat kasi ng sinabi niya nararamdaman ko. Ibig bang sabihin niyon mahal ko na si Vien? Hindi ko talaga alam! Parang biglang naging bobo ako.

"Ako na magdadala, Len mukhang mabigat kasi 'yang dalawa mo."

Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko sa gilid ko si Vien, suot ang matamis na ngiti habang nakatingin sa akin. Biglang parang huminto ang lahat sa paligid ko kasabay ng walang hintong pagtibok ng puso ko na hindi normal. Sobrang bilis.

"Hoy! Okay ka lang natulala ka na," pukaw niya sa akin.

Bigla akong napakurap at umiwas nang tingin sa kaniya. "H-hindi na, kaya ko na 'to," taranta kong sabi.

"Akin na, Len malayo pa pagdadalhan mo niyan," sabi niya na ang tinutukoy ay ang kahong dala ko na dadalhin ko sa faculty office. Hindi naman iyon mabigat dahil ilang mga papel lang ang laman niyon.

Hindi na ako nakaimik nang kuhanin niya ang kahon. "Bakit kasi ikaw ang nagdala nito? Marami namang lalaki sa classroom, ah?"

Bakit ganito na lang 'yong sayang nararamdaman ko? Sa simpleng pag-aalala niya labis na nag-uumapaw ang ligaya sa akin.

"Ayaw kasi nila, eh," sabi ko na lang.

"Mga lalaki talagang 'yon." Nagbuga pa siya nang hangin.

"Hayaan mo na, kaya ko naman kasi 'yan, eh," pilit ko.

"Bakit ba ganiyan ka, Len? Parang lahat sa 'yo kaya mo?" makahulugan niyang tanong.

Hindi na ako magtataka sa mga tanong niya. Kaibigan ko si Vien at alam kong aware din siya sa ilang mga problema ko sa buhay.

Nakatingin lang siya sa akin, habang nagwa-wonder ang mga mata. "Mali ka, Vien hindi lahat kaya ko, kinakaya ko lang talaga," malungkot kong sabi.

"Samantalang ako sa dami ng problemang nai-open ko sa 'yo, halos pakiramdam ko hindi ko na kaya. Well, thanks sa mga advice mo na talaga namang nakatulong."

"Para kasi sa akin, nasa tao kung paano niya iha-handle 'yong mga problema. Problema na 'yon, bakit pa natin puproblemahin? Yes, dapat nating harapin lahat ng 'yon pero dapat kaya pa rin nating sumaya. Positive lang palagi, dapat laging kaya natin." Ngumiti pa ako sa kaniya kahit alam kong may lungkot na sa mga mata ko.

Mixtape of Lullabies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon