When I Met This Fangirl by Rylie Viltrae

106 8 0
                                    

It's January 2014 back then when I met this girl na sobrang positive sa buhay. She's kinda simple yet attractive. Wala syang make up sa mukha, nakabun yung buhok nya pero messy, nakasuot sya ng white shirt na may muka ng isang koreano at faded jeans. Mas lalo pa itong bumagay sa kanya ng ternuhan nya ito ng isang puting rubbershoes.

"Hala? I'm sorry po kuya." Halos magpanic na ito sa paghingi ng paumanhin sa akin ng biglang prumeno ang sinasakyan naming jeep. Tumama sa mukha ko yung hawak nyang poster. "Hindi ko po sinasadya kuya. Pasensya na po talaga. " pag uulit nya. Gusto kong matawa sa reaksyon nya ngayon pero pinigilan ko.

"Okay lang." Napangisi ako at nag iwas dito ng tingin. Nang muli akong sumulyap dito ay nahuli ko itong nakatingin sa akin. Crush yata ako!

"Manong, sa tabi lang po." Pagpara ko sa driver. Kung ako ang tatanungin, ayoko pa sanang bumaba pero madami pa din naman akong gagawin. Aasa na lang ako sa tadhana na baka magkita ulit kami next time.

Hindi ko na muling sinulyapan ito ng makababa ako. Baka matempt lang ako na sumakay ulit ng jeep. Mukang tinamaan yata ako sa babaeng 'yon. There's something about her face that hypnotize me from looking more. Her face is very angelic.

"Wait lang po manong." hindi pa ako nakakalayo ng marinig ko ang boses niya.

"Hi kuya!" Ani nito. Binigyan ko ito ng isang nagtatakang ekspresyon. My eyebrow raised as I looked at her.

"What?" Nagkunwari akong naiinis.

"Omg kuya! Kahawig nyo po si Kim Taehyung. Pwede po bang papicture?" tuwang tuwa nyang wika.  Kaya naman pala. Kim Taehyung. Hindi na bago sa akin ang pangalang iyon.  dahil madalas ko namang naririnig iyon sa kapatid kong babae. Bakit ang hihilig nila sa mga koreano? Di hamak naman na mas gwapo pa ako sa mga 'yon.

Hindi pa ako nakaka oo ng kinuha nya ang cellphone nya at lumapit sa akin.

"Smile ka kuya." Sabi pa nito sabay akbay sa akin. Nakakabakla mang sabihin pero namula yata ako don. Baliw na ata 'tong babaeng to. "Ang cute natin dito kuya." Dagdag pa nito sabay pakita sa akin nung picture naming dalawa. Muka akong ewan dun sa litrato habang sya at malawak ang ngiti habang nakafinger heart.

"Done?" Tanong ko dito. Ngumisi ito ng malawak sa akin.

"Salamat kuya. Hindi nyo po alam kung gaano nyo po ako napasaya." Pasimple akong napangiti dito. Hindi ko alam na ng dahil lang sa picture na 'yon ay mapapangiti ko sya. Ang babaw ng kaligayahan ng babaeng yon. But I like it anyway. She's more beautiful everytime she smiles.

Mabuti na lang at natapos ko yung research paper ko bago ulit sumagi sa isipan ko yung babaeng nakasabay ko kanina sa jeep. Damn! Yung ngiti nya, nakakabaliw!

At dahil hindi pa naman ako inaantok, naisipan kong kuhanin muna yung aking laptop at buksan ang aking Facebook account. Maraming friend request pero isa lang doon ang nakaagaw ng aking pansin.

Lovely Jade Mercado sent you a friend request.

Bago ko pindutin yung confirm, naisipan ko munang istalk yung profile nito. Para kasing familiar.

Shit! Ito yung babae sa jeep kanina. At talagang ginawa nya pang profile yung picture naming dalawa, ah? At ang caption pa, with my husband.  Nakakabakla mang pakinggan pero kinilig talaga ako. Agad kong pinindot yung confirm. Ayan, friends na kami.

Inistalk ko pang muli ito at totoong maganda sya. She's a die hard fangirl of BTS ayon sa bio nya. Parehong pareho sila ng kapatid ko.

1 message received

Lovely: OMG! Hi kuya Yuan! Thank you sa pag accept.

Ako: No prob.

Lovely: Waaah!? Seryoso nireplyan mo'ko? Salamat kuya!

Mixtape of Lullabies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon