Sana written by Mharchelle Agustin

66 2 0
                                    

January 26
Umuwi lang tila bang lahat nagbago na
Nawalan na ng sigla ang 'yong mga mata

"Wait, papunta na ko, Alex!" sagot ko sa kabilang linya habang tarantang naglalakad.

"Dalian mo, gurl! Magtetest na kami!" Napapikit ako. Ganoon nalang ang pagmura ko nang mahina nang mabangga pa ko sa isang bulto. I muttered a curse and thought the scene cliché. Napatigil ako nang mag-abot ng kamay ang nakabangga kong estranghero.

"Adi nga pala." Wala sa sarili kong tinanggap ang kamay niya.

Hinintay niya akong makatayo. Napakapit ako nang mahigpit sa bag ko. "Miss?" He asked, waiting for me to say my name.

I looked at him and licked my lip unconsciously. "I'm... I'm in a hurry," I told him as I hastily turned my back on him, almost running for my life.

February 15
Ngayon ko lang naramdaman ang lamig ng gabi
Kahit na magdamag na tayong magkatabi

"Ang bagal mo talaga, Ashanti!" Narinig kong sigaw ni Alex habang hatak-hatak ako. I could feel her tight grip on my arms like her life was depended on it.

Nakarating kami sa pinakaunahan at doon na nagsisigaw si Alex na para bang nakalabas sa kulungan. Umingay ang strum ng isang gitara. Kinurot-kurot ako ni Alex habang tumitili at nakaturo sa isang banda sa harap. Napairap ako. Nang sabihin ang unang linya sa kanta, walang pakundangan na sinabunutan ni Alex ang buhok ko. Nalunod lang sa sigaw ng mga tao ang reklamo ko.

Natapos ang unang kanta. Energetic na sumabay si Alex doon samantalang tahimik lang akong nakikinig. Feeling ko nga, ako lang 'yong hindi nakikisabay. But when I heard the second song from a different musician, the side of my lips curved. Ako naman ang nakakuha ng pagkakataon na kurutin at sabunutan si Alex. And it was Alex's turn to scream and complain.

"Umuwi lang tila bang lahat nagbago na..." I jumped out of blissfulness. That's my favorite song!

Nasa refrain na parte ng kanta nang mapansin kong nawala si Alex. I searched her in the nearest places but I can't found her. Bumagsak ang balikat ko ngunit pinilit kong maging masaya nang marinig ang chorus ng kanta. Habang naririnig iyon ay hinayaan kong matangay ako sa ibang puwesto. Hindi ko namalayang napunta pala ako sa grupo ng mga kalalakihang magkakaibigan. My cheeks flushed when they eyed me curiously. Napayuko ako ngunit napaangat din ng tingin nang marinig ang isang pamilyar na boses.

"You're here." His tone was laced with amusement. Kahit nag-aagaw ang kaunting liwanag at dilim sa quadrangle ng campus, kitang-kita ko pa rin ang namumuong galak at pagkamangha sa kanyang mukha.

"Adi," I gulped as I murmured his name. Mas lalong rumehistro sa kanyang mukha ang kasiyahan. He has those dimples that made him more attractive.

"Are you in a hurry again?" He asked.

I grinned. "I'm Asha... and I'm not."

Napaiwas ako ng tingin sa kanya nang lumakas ang ingay ng tao. Pero paglingon ko sa stage ay napabaling ulit ako sa kanya. I caught him staring at me. He smiled. I smiled back.

February 28
Bakit ka nag-iba?
Meron na bang iba?

"Sino na naman 'yang katext mo, gurl?" Napatingin ako kay Alex nang itanong niya 'yon ngunit ibinalik ko rin ang tingin ko sa phone ko at nagtype ng reply kay Adi.

Pagkapindot ko palang ng send button ay nahablot na agad ni Alex ang phone ko. Sinubukan kong kunin sa kanya 'yon pero nilayo niya pa. Tumayo siya at lumayo sa akin bago binasa ang palitan namin ng mensahe ni Adi. I bit my lip, suppressing a smile while Alex's about to burst out.

Mixtape of Lullabies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon