People come and go. Iyan ang paniniwala ni Jedah sa buhay. May darating at pagkatapos, aalis din. Minsan pa, mag-iiwan ito ng malaking sugat na magmamarka sa 'yong nakaraan. Sa paglipas ng panahon, natutunan niyang makisabay sa agos ng buhay. Pero hindi niya maunawaan kung bakit tila palagi na lang siyang dinadala ng panahon sa madilim na bahagi ng mundo, kung saan napapaligiran siya ng maraming problema't pagsubok.
Utay-utay siyang nalulunod sa mga problema na akala niya'y hindi na matatapos at tuluyan siyang malulubog. Nabuhay siya, sa mundong puno ng judgement, puno ng pasakit, at puno ng challenges.
Marami siyang hindi maunawaan sa buhay. Marami siyang tanong na hindi niya masagot. Marami siyang sana na gustong matupad.
Nakalimutan na niya kung paano tumawa at kung paano maging masaya. Na-master na nga yata niya ang pag-iyak.
Hanggang isang araw, natagpuan niya ang isang lalaking akala niya'y magdadala muli ng bagong pahirap sa kaniya. Nagkamali siya, dahil si Hans pala ang mag-aahon sa kaniya mula sa pagkakalubog sa lahat ng pasakit na nadarama niya.
Nakilala niya si Hans no'ng panahong akala niya'y hindi na muling titibok ang puso niya dahil sa pang-iiwan sa kaniya ni Lark. Ang ex-fiancé niya. Iniwan siya nito sa mismong kasal nila at hindi na muling nagpakita. Naiwan sa kaniya lahat ng kahihiyan at sakit.
"Bakit ka nakangiti? May kakaiba ba sa mukha ko?" tanong ni Hans kay Jedah habang nakatitig siya rito at nakangiti.
"Hindi ko lang maiwasang hindi ngumiti habang pinagmamasdan ang gwapo mong mukha," masuyo niyang sagot.
"Aysus! Naglambing na naman ang maganda kong girlfriend. Ang sarap mo tuloy pisilin sa pisngi." Kunyari pang nanggigigil ito habang nakatingin sa kaniya. "Pero huwag kang masyadong katitig sa akin, nakaka-distract 'yong titig mo, e. Baka maaksidente tayo niyan." Natawa pa ito sa sinabi at muling bumaling sa daan.
Patungo sila sa site ng dream house nila na kasalukuyang ginagawa sa Makati. Next year na kasi ang kasal nila at iyon ang gusto nilang iregalo sa isa't isa sa araw ng kanilang kasal.
Napangiti si Jedah nang tumambad sa kaniya ang isang malaking bahay. Napaawang pa ang bibig niya dahil sa pagkamangha niya rito.
"Nagustuhan mo ba, Honey?" Niyakap siya ni Hans mula sa likod at tumingala sa bahay.
"Oo naman, gustong-gusto!" Tumingala siya sa kasintahan at ngumiti rito.
"Natupad na ang unang pangarap nating dalawa, Honey. Marami pa tayong pangarap na tutuparin ng magkasama."
Ngumiti siya. Hinaplos niya ang braso ng kasintahan na naka-cross sa kaniya. "Tutuparin natin lahat ng pangarap natin ng magkasama. Hindi ko malilimutan iyon."
Tumingala siya kay Hans para tingnan ito. Saktong nakaharap ito sa kaniyang mukha. Kapwa sila napatitig sa isa't isa.
"I love you, Honey!"
Lumapat sa labi niya ang labi ni Hans at masuyo siyang hinalikan. Ramdam niya ang labis na pagmamahal doon. Pagmamahal na ito lang ang tanging makapagbibigay.
–
"Honey, lately medyo nagiging makakalimutin ka, ah," komento ni Jedah habang hinahanap ang ang cellphone ng kasintahan na hindi maalala kung saan iyon nailagay.
"Medyo na-busy lang siguro ako sa company, Hon."
Humarap siya rito na kasalukuyang naghahanap sa mga drawer nito. "Hay naku, Mr. Tuazon. Huwag mo ngang masyadong ka-stress-in ang sarili mo. Baka sa kakatrabaho mo, magkasakit ka na niyan."
"Haist! Alam mo naman, Hon, kung 'di ako magtatrabaho, sino pa? Matanda na si Daddy at hindi na kayang pamahalaan ang kompanya," anito na siyang totoo naman.
BINABASA MO ANG
Mixtape of Lullabies
Short StoryThis is a mixtape full of pain from different stories that could make your body weak and will you down in the ground full of shattered heart of glasses. Tales that will tell you about different kind of tears from the different love stories with diff...