Once upon an Illusion by Christine Zynelle Parafina

50 1 0
                                    

Mari's POV Uwian na nun at hinanap ko ang best friend ko na si Joshua para sabay kaming umuwi, ganun lagi nakasanayan namin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mari's POV
Uwian na nun at hinanap ko ang best friend ko na si Joshua para sabay kaming umuwi, ganun lagi nakasanayan namin.
Pumunta nako sa room namin nang makita siyang mag-isa lamang sa room, maaga pa naman kaya makikipagkulitan muna ako sa kanya bago umuwi.
"Uy bes!" tawag ko sa best friend kong si Joshua
"Ano ba Mariiiiiiiiiii" ang medyo nairitang boses ni Joshua sakin.
Nilapitan ko siya habang busy siyang nagcecellphone
"Ano ba yang ginagawa mo at halos lamunan na ng feslak mo yang cellphone mo?"
Sinundot sundot ko ang mga pisngi niya at ginulo ko buhok niya para mapunta ang atensyon sa akin
"Bessss kausapin mo naman ako nakakaloka ka na para akong walang kausap"
Medyo nayamot nako at tinitigan ko nalang siya habang nagmemake faces, in short nagpapatawa kahit nagmumukha nang tanga haha
"Mari," biglang nagseryoso ang atmosphere at nilapit niya ang mukha niya sa akin
"Pag hindi ka talaga tumigil hahalikan na kita jan" napangisi siya at tinitigan lang ako
Hindi ko alam pero bakit biglang ramdam ko na namula mukha ko at nag init mga pisngi ko
"Haha ano ka ba naman Joshua bessie loko ka, ikaw ah pati ba naman ako na best friend mo paaandaran mo ng ganyan"
tinawanan ko nalang at itinulak siya kaso biglang bumilis tibok ng puso ko
"Haha kung magpapatuloy ka sa pagganyan mo bes hindi ka talaga magkakagirlfriend"
"Wowwww nagsalita ang may boyfriend nabaliw ka na talaga Mari" pang aasar sakin ni Joshua
"Ayyiieee para bang gusto ko nang magkaboyfriend agad baliw! charot! may boyfriend nako"
"Weh talaga sino?" taas kilay at ngisi niya
"Aba naman eto syempre si Usui Takumi milabssss" pinakita ko sa kanya ang wallpaper ng phone ko na nakadisplay si Usui Takumi, character siya sa anime na favorite ko
"Tch mas gwapo pako jan Mari haha kala mo naman kasi totoo yan"
"Oo naman totoo siya syempre at alam ko may real life version niya na magiging asawa ko in the future"
"tsk bwisit naman"
"Oh ano problema mo-----Woy anu ba!"
Bigla akong hinila ni Joshua papalapit sa kanya, shemay halos magkadikit na ang mga labi namin sana hindi niya ako halikan, haha as if naman
"Mari...."
"Y-yes?"
"Bakit mas gusto mo yang mga anime characters na yan kaysa sakin?"
"Huh? baliw ka na ba Joshua?"
"Oo baliw na baliw ...... sayo"
teka tama ba narinig ko? ako? baka naman mali lang pagkakadinig ko sa sinabi niya
"Mari.. alam mo ba?"
"Ang alin?"
"Na...." unti unti nang nilapit ni Joshua ang mga labi niya kaya't sinarado ko nalang mga mata ko
...
"Baliw ka talaga haha!" patawa niyang sinabi at inilayo na niya ang sarili niya "anong akala mo hahalikan kita? asa ka pa Mari hahah"
"Ahhhh ganun ba Joshua...? ahehee.. Hetong sayo!" Madalian kong binatukan si Joshua
"Honestly bes kung gaganyanin mo ko eh wag nalang, wag ako iba nalang! Epal!"
Dali dali akong tumayo at kinuha gamit ko "Bahala ka na nga jan mauuna na nga akong umuwi" Mabilisan na lakad ko papaalis
"woy Mari naman oh!"
napabuntong hininga siya at kinuha gamit niya, mabilisan siyang nakahabol sa akin
"Mari sorry na"
"Ewan ko sayo"
"Nagbibiro lang naman ako eh"
"Bahala ka jaaaaaaan hindi tayo bati bahala ka jaaaaan" tumakbo na ako papaalis nakakainis talaga siya bakit kelangan niyang gawin yun juskopo bigla tuloy bumilis puso ko nakakainis nga naman.
Kinagabihan na nun nasa kwarto lang ako gumagawa ng assignment, honestly kung gagawa siya nang ganong klaseng galawan sakin malamang pinagpapractican lang ako, naku nga naman Joshua kung di lang kita kaibigan.
"ayos malapit nakong matapos sa----"
"Mari!" malakas na tawag sakin ni Mama sa sa may hagdanan
"Oh bakit po ma?" bigla ko namang tawag at pumunta sa may hagdanan
"may bisita ka nasa sala puntahan mo muna, ang gwapo nga eh haha" pabirong sabi ni mama
"Wait what? sino kaya yun at gabi na pinuntahan pa ako" napabuntong hininga na lamang ako at sumunod kay mama papunta sa sala
...
"huh? mama seryoso kayo?" napatingin nalang ako kay mama at lumipat ang tingin ko kay Joshua
"Shuta Joshua? Mama seryoso kayo? yan gwapo? eh mukha ngang kambing yan eh!" napasigaw lang ako ng bahagya "eh may kasalanan nga yan sakin eh!"
"Ehem, Maria Selene De Guzman pumunta dito si Joshua para mag-sorry sayo, best friend mo yan kaya magkaayos kayo.. besides..." may pinakita sakin si mama na supot "Pinadalhan ako ng mama niya ng pansit haha masarap pa naman magluto ng pansit yung tita mo, oh siya punta muna ako sa kusina para maihanda to, usap muna kayo"
"Pero mama--"
"Oh siyaaaaa Joshua masosolo mo na anak ko, ayusin niyo yan ah" kumindat si mama kay Joshua at napangiti naman siya at pumunta na nga sa kusina
"Mari oh" inabutan ako ni Joshua ng isang supot
"Bakit parang banlamig?"
"Kainin mo na yan bago malusaw"
"huh? malusaw?" tinignan ko kung anong laman nito at nanlaki mata ko "wahhhhhhh strawberry ice cream!"
"Sino ba naman ako para di alamin ang paboritong ice cream flavor ng best friend ko"
"Yayyy --- huh? baka naman nakakalimutan mong may kasalanan ka" I rolled my eyes to the side "ayaw nga kitang kausapin eh pero wow ang galing mong masuhulan ako ah"
"ahh haha ano ka ba naman Mari, magsosorry nga ako eh, nagpasabay nga lang si mama para dalhan ng pansit si tita"
"Oh tapos?" sagot ko kay Joshua habang pumunta ako sa kusina at kumuha ng kutsara "Ma sa kwarto na po muna kami"
"Oh siya sige anak enjoyin niyo lang yang ice cream" biglang ngisi ni mama habang kumakain ng pansit
"Opo ma" pumunta nako sa kwarto biglang sunod naman si kambing ( Joshua ) umupo nalang ako at tinutuloy assignment ko habang kumakain ng ice cream "Pasalamat ka mas daig mo pa ko, paborito ka ni mama, ewan ko ba anong nagawa mo dun haha"
"Sorry Mari, sorry sa nagawa ko kanina alam kong uncalled for yun... Kasi syempre itong best friend mo napakagwapo at prinsipe nga naman ng school tsaka pansin mo naman siguro habulin ako ng mga babae"
"Ikaw? Prinsipe ng school? pfftt hahahahahaa" napatawa nalang ako kahit muntikan nang mabulunan sa ice cream "Jusko bes sobrang hangin na ng utak mo hahahaah"
"hay salamat sa wakas ngumiti ka din haha kanina ka pa nakasimangot eh, aling simang" napatawa na din siya at umupo sa kama ko
"haha baliw ka talaga nga naman bes akala mo madadaan mo ko jan sa corny mong mga jokes loko ka talaga prinsipe ng school? eh mukha ka ngang kambing eh hahaha tas habulin ka ng babae? baka naman imagination mo lang yun" naghahabol ako ng hininga at sumubo uli ng ice cream
"Oo na Mari haha" napangiti na lamang siya at tinignan ako "Mapapatawad mo na ba ako?"
Tinignan ko ang ekspresyon ng mukha niya at sa tingin ko naman nagsasabi siya ng totoo
"Hay bes, Oo pinapatawad na kita, pasalamat ka mahal------aga ka sakin" muntikan nako dun ah
"Haha syempre naman Mari buti naman bati na tayo"
"Oo naman bes! ikaw pa ba eh malakas ka sakin eh so... awkward best friend hug?"
"Awkward best friend hug"
niyakap namin ang isa't- isa at nagsabi ng..
" " Pat pat " "
pagkatapos ng ilang sandali kumalas na kami sa mga yakap namin at nagtawanan
"Hayy Mari haha tapusin mo na nga yang assignment first subject pa man din yang literature" patawang sabi ni Joshua at ginulo buhok ko
"Oo naaaa matatapos na nga eh...attttt eto na tapos na!" natapos na ang pagsusulat ko at sinarado ko na notebook ko "Hay salamat makakapagpahinga na din" umiknat nako at inubos ang ice cream
"Salamat sa alay mo bes ah hahaha"
"Sira ka talagang babae ka, o siya bukas na uli ah sabay pa tayong papasok, uwi nako ha"
"Sige bes ingat ka sa pag-uwi mo, hatid na kita sa may gate, tara" tumayo na kami at bumaba sa papalabas
--
"Agahan mo naman gising mo bukas Mari baka buhusan nanaman kita ng tubig sa kama mo magising ka lang haha" pabiro niyang tugon
"Oo naaaaaaa wag mo nang ipaalala napagalitan ka nga din ni mama eh" napatawa nalang ako
"Oo sige na nga, sige uwi na ko buti malapit lang bahay namin sa inyo haha"
Kahit kelan talaga may kayabangan tong kaibigan ko
"Ingat"
ngumiti siya at umalis na, bumalik nako sa bahay at pinuntahan si mama, nadatnan kong nahuhugas na siya ng mga plato
"Ma nakaalis na po si Joshua"
"Sige sige anak, ika'y magpahinga na, nakapag ayos na ba kayong dalawa?"
"Opo ma okay na kami, tataas na po ako at maghahanda nang matulog"
"Sige nak good night na"
"Good night ma"
pagkatapos nun ay bumalik nako sa kwarto at niligpit ang mga gamit ko at naghand na para makatulog.
Maya maya unti nakong dinapuan ng antok at humiga nako sa kama ko.. nakatulog na.
--
Kinabukasan na ng umaga sakto sa pagbihis ko ng uniform at pababa na eh sakto namang tinawag nako ng boses ng best friend ko
"Mari! tara na pasok na tayo!"
malakas na tawag sakin ni Joshua
"Oo pababa naaaaa..." sagot ko " buti nga magkaklase tayo eh baliw" sabi ko sa sarili ko habang pababa na at nakita siya malaki ang ngiti niya abot hanggang tenga
"Aba naman ang ganda ng ngiti mo ah mukhang maayos gising mo e"
"Syempre naman nakakaramdam ako ng maganda ngayong araw na ito"
"Utot mo maganda" banat ko naman at tumawa
lumapit samin si mama "anak siguraduhin niyo lang maaga kayong uuwi mamaya ha"
"Sige ma ano ba meron?"
"ay basta mamaya mo malalaman" bahagya akong tinulak ni mama papalabas "Kayo'y pumasok na baka malate pa kayo"
"Sige po tita papasok na kami"
"Pasok na kami mama, maya nalang uliiii"
"Mag-ingat kayong dalawa ha"
Pahabilin ni mama habang kinakawayan kami. Hay swerte ko talaga kay mama bukod sa mabait na shemsss para  na kaming magbarkada haha Love ko talaga yun
---
Nasa school na kami nakalagpas na ng morning subjects "Hay ano kaya meron mamaya..." tumayo nako at nag-iknat "Buti naman lunch time na, bes may alam ka ba sa ginagayon ni mama?"
"Hmm? ako? wala eh" umiwas siya ng tingin
"Woy kilala kitaaaa pag umiiwas ka ng tingin na ganyan hahaha may alam ka bes! sabihin mo naaa pleaseee" nagpuppy dog eyes pako sa kanya
"Ayoko nga may usapan kami ni tita kaya bawal sabihin sayo" ngisi niya at pinitik noo ko "Aguy! bansakit nun kambing ka!"
"Ehem kung kambing ako, tupa ka cute mo tara na nga gutom nako makikipagrally pa tayo sa cafeteria, magpapakaamazona ka pa" sabay bitbit niya sa mga bag namin at dalidali kaming pumunta sa cafeteria para kumain.
"Taralets sa sparta!"
"Taraaaaaa"
pagkalipas ng ilang minuto nasa cafeteria na kami at tama nga so Joshua, makikipagrally nga kami at bangkadadaming tao mukhang sabay sabay nanaman breaktime lahat ng estudyante at kita sa mga mukha namin ang pagkadismaya pero tumingin ako kay Joshua na parang tuta
"Aba ginoong Joshua tayo'y kumain nalamang sa 7/11~ Para di tayo makipagsiksikan diyan kasama mga mababahong aliens~"
Pagkatapos kong sabihin yung paawa effect ko tinignan ako ni Joshua na para ba akong baliw na nakatakas sa mental
"Mari"
"Yes~?"
"Loko ka talagang amazona ka hahahaha no need to be formal may pa aba aba ka pa baliw tara na nga nakakatamad makipagsiksikan jan eh" tawa lang niya "Tara na nga sayang amoy fresh ko eh kelangan kong maging mabango ako hanggang mamaya" with matching papogi pose
"Ayyiee may nagugustuhan ka na pala ah di mo manlang sinasabi sakin bes daya mo"
"Haha nako malalaman mo din yan, medyo nahihiya pa nga akong aminin ang nararamdaman ko para sa kanya eh pero I bet you, siya na talaga ang pang habang buhay para sakin, may ibibigay nga akong promise ring eh kung sakali"
"Wow, ang swerte naman niya may nagkakagusto sa kanya na gaya ng best friend ko ah ayyyiiiieee suportahan ko kayo"
(Teka.. bakit parang biglang kumirot pakiramdam ko?)
------
Pagkatapos noon pumunta na kami ng 7/11 at kumain ng hotdog sandwich with matching root beer "Salamat sa libre bes! himala ah nanlibre ka kala ko ba kuripot ka hahaha"
"Ay sus ngayon lang to Mari" ngisi niya habang tinuloy ang pagkain
"Oo na sa susunod ako naman manlilibre sayo at bobonggahan ko yun" pagmamalaki ko sa kanya
---
Natapos na ang lunch time lumipas na din ang ilang oras at natapos na ang klase namin
Alas tres na oras na nang uwian namin, pagkatapos na pagkatapos ng klase namin sabay kaming umuwi ni Joshua sa amin.
Nang malapit na kami sa bahay namin tinakpan ni Joshua ang mga mata ko gamit ang scarf niya
"Jusme bes anong paandar nanaman to haha siguraduhin mong di ako madadapa ah kundi magugulpi kita haha"
"Basta ano ka ba di kita hahayaang mahulog iingatan pa nga kita eh wag kang mag alala hahawakan ko naman ang mga kamay mo at gagabayan kita"
nagpatuloy lang ang paglakad namin hanggang napatigil na kami "Bes nasan na tayo?"
"Nasa pintuan niyo na haha"
"Baliw haha"
Di ko lang sigurado pero narinig kong binuksan ni Joshua ang pintuan
"Mari magtatlong hakbang ka"
Tumango ako at humakbang nga ng tatlo at tinanggal na ni Joshua ang blindfold na scarf at nagulat nalang ako
"SUPRISE! Happy birthday Mari!"
Sigaw na pagbati nila Mama at magulang ni Joshua at ng barkada namin
"Happy Birthday Anak!" daling pagbungad sakin ni mama, nilapitan ako at niyakap ako ng mahigpit
"Birthday ko pala di ko namalayan haha mama salamat! kayo ah may tinatago pala kayong plano ah" sinundot sundot ko si mama sa tagiliran at napatawa nalang siya
"Si Joshua talaga nakaisip niyan"
"Si bes?" mabilis kong tinignan si Joshua
"Sabi mo wala kang alam sa balak nila mama"
"Haha eh di kung sinabi ko di na magiging surpresa, happy birthday Mari" ngumiti siya sakin at niyakap din niya ako nang mahigpit
"Salamat sa inyo" natutuwa kong sinabi habang naiiyak sa kasiyahan
"Anak may isa pa akong surpresa sa iyo"
"Ano yun mama?" I got curious kaya kuminang mga mata ko
hinila ako ni mama papasok sa loob ng bahay nang nakita ko lahat ng bisita, kasama sila.
"Anak nagbalik na ate at papa mo" nakapinta sa mukha ni mama ang masasayang ngiti at pag-asa na magiging buo uli kami
Napukaw ang atensyon ko sa ate Taylor at Papa ko
"Mari namiss ka namin ni papa,good news dito na uli kami for good hindi na kayo mahihirapan ni mama" napangiti na sabi ni ate sa akin habang unti unti siya lumalapit sakin
"Tumigil ka, wag mokong lapitan"
napatingin nalang ako sa sahig at napabuntong hininga as I clenched on my fists tumingin uli ako sa kanilang dalawa, tahimik ang paligid, nakakahiya naman sa mga bisita, para akong estatwa na nanatiling nakatayo lang sa kinatatayuan ko napabuntong hininga na lamang ako at ngumiti
"Tara magdiwang na tayo hahaa" pasingit na ice breaker ni tita Eunice, mama ni Joshua
"Sige po enjoy lang kayo, may kukunin lang po ako sa kwarto ko" masayang sabi ko nagpipigil lang ako ng galit at mataimtim lang akong pumunta sa kwarto ko.
Tinapik ni mama si Joshua at sinenyasan na tumaas siya. Di ko namalayang sumunod pala sakin.
"Mari, you shouldn't have said that" nag-aalalang sabi ni Joshua "Alam kong malaki naging kasalanan ni Ate Taylor at ni Tito sa iyo pero sana mapatawad mo na sila, ilang taon na din ang nakalipas"
Nakinig nalang ako at tumango nang umupo ako sa kama ko sabay namang tumabi sakin si Joshua at niyakap ako ng mahigpit "Kung sila iniwan kayo ni tita pero bumalik, ako hindi, hinding hindi kita iiwan Mari"
"Salamat bes nandito ka parin kahit ilang taon na tayong magkaibigan buti hindi ka nananawa sa pag mumukha at pag uugali ko" pabiro kong sabi kahit nagpipigil lamang ako ng luha
"Mahalaga ka kasi sakin Mari" hinigpitan pa niya ang yakap niya sakin "Ayaw kong mawala ka sa akin, mahal kasi kita"
"Joshua" napatingin nalang ako sa kanya habang pumatak na mga luha ko "Mahal mo ko bilang kaibigan?"
"Hindi, kundi Mahal na mahal kita Mari, matagal na kitang gusto. Pasensya na kung parang wrong timing itong pagkakaconfess ko sayo pero ayokong patagalin ito, hindi na ako matahimik hangga't di ko masabi sayo pero ngayon nasabi ko na, papatunayan ko ang mga salitang Mahal kita Mari. Hindi kita minamadali na sagutin moko ngunit hihintayin ko ang araw na sasagutin moko but until that day comes, I want you to keep this"
Inabot niya sakin ang isang kahon na may balot "Ito regalo ko sayo, Happy Birthday Mari" ngumiti siya sa akin na may sinseridad ang mga mata niya
"Buksan mo yan at isuot kapag handa ka na ah, I'll be waiting for that, but until then don't pressure yourself okay? May kailangan ka pang ayusin sa ngayon gaya ng sitwasyon niyo nina ate Taylor at ni Tito pero for what it's worth you don't have to face it alone cause I'll be there with you" unti-unti niya ako nilapitan sa mukha at hinalikan ang noo ko.
I felt speechless sa mga nasabi niya sa akin, kaya't tinignan ko siya habang lumuluha padin at hawak ko ang regalo niya
"Joshua.."
"Shh tahan na Mari, sige ka magkaka eyebags ka niyan haha"
pinunasan niya mga luha ko gamit ang panyo niya, siya talaga oh kahit mayabang at epal yan napakagentleman talaga niya.
"Oo na, salamat bes" napatawa nalang ako at niyakap uli siya, nakadagan lang ulo ko sa dibdib niya .. Napakainit niya ang sarap sa pakiramdam mukhang isa sa mga birthday wish ko nagkakatotoo na ah.
"Kapag nakatahan ka na ah bumaba na tayo sa kanila, dito lang ako"
"Sige" napangiti nalang ako at unti unting pinahinga mga mata ko habang nakayakap sa kanya.
---
"Mari, gising malapit na mag alas nueve" tapik sakin
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, unang bungad sakin ay mukha ni Joshua nakangiti parehas pala kaming nakahiga.
Biglang nang init ang mukha ko bigla nakong bumangon "Nakatulog pala ako kaloka!" natawa nalang tong katabi ko at bumangon na din.
"O siya baba na muna ako" tatayo na sana si Joshua nang bigla kong hawakan ang braso niya
"Pwede bang sabay na tayo?"
"Sure, tara na"
tumango nako at sabay na kaming bumaba, napansin ko na umalis na yung mga barkada namin at naiwan nalang na bisita ay ang magulang ni Joshua.
"Hija, mauuna na kami ah" tugon ni Tita Eunice "Tara na Joshua, bukas nalang uli mare"
Tumango nalang si Joshua at tumingin sa akin nilapitan ako at bumulong "Bukas susunduin kita labas tayo" ngumiti siya sakin at hinaplos ang ulo ko
"Good night Mari, bukas nalang uli" at pagkasabi niya yun umalis na siya kasama magulang niya
Nang kami-kami nalang nagpasya na akong makipag ayos kayla ate at papa
----
Kinabukasan na, panibagong araw nanaman mukhang naging maayos ang nangyari kagabi, nangako silang unti unti silang babawi samin ni mama.
Ang saya nagiging maayos din ang takbo ng buhay ko haha.
Sabay sabay na kaming nag-agahan kanina, sa wakas nagiging buo na kami ang saya.
Mga bandang tanghali, pumunta na si Joshua sa bahay namin nakagayak
"Tara na Mari! Ipapasyal na kita!" ngumisi siya
"Oo sige teka lang maliligo lang ako"
"Sige hintayin kita"
---
Habang nag aayos ako sa kwarto naririnig ko silang nagtatawanan mukhang nagchichikahan na sila sa baba ah
Maya maya lamang ay natapos na ako syempre inayos ko ang gayak ko nag paka cute na ayos, ganern!
Bumaba na ako at nakita ko mga mukha nila nakangiti at humahanga
"Ang ganda naman ng Mari natin diba hon?" sabi ni mama kay papa
"Oo nagmana sayo~" paglalanding sabi ni papa kay mama
"Ay sus obviously nagmana ng kagandahan si Mari sa akin" pagyayabang naman ni Ate
"Oo nga, ang ganda niya" tinignan lang ako ni Joshua na may matatamis na mga ngiti "Tara na mahal kong prinsesa, time to start operation: Fall in love with prince charming!"
"Jusme bes loko ka talaga may paandar ka pang operation diyan haha tara na nga, alis na po kami!" pagpapaalam ko sa pamilya ko
"Sige anak ingat kayo, Joshua alagaan mo yang anak ko ah! Wag masyadong magpapagabi"
"Opo tito" ngisi ni Joshua at tuloy na kaming umalis
Pumunta kami sa Enchanted Kingdom at kumain sa labas, mukhang pinaghandaan pala niya to ah ...
"Alam mo Mari sa tagal nating magkaibigan ngayon lang bumilis tibok ng puso ko sa saya lalo na't nakakasama ka" masayang pagkwento ni Joshua
Hay naku bes kung alam mo lang nahuhulog na din ako sayo sinisigurado ko lang sarili ko na mahal kita, sa bahay nga eh bet na bet ka nila mama eh what more pa kaya kung naging boyfriend na kita bes
----
Kinagabihan na, nagpasya na akong iuwi ni Joshua sa amin
"Mabuti at nag-enjoy ka ngayong araw na to Mari"
"Syempre naman kasama kita eh ang epic nga nung nasa ferris wheel tayo hawak na hawak ka sakin" bigla akong napatawa
"Hayst! wag mo nang ipaalala" nag pout siya
Ang cute pala niya pag nakapout siya, sabagay nasanay ako sa medyo seryosong side niya haha
"O sige na gabi na, kailangan na nating magpahinga at naenjoy natin itong araw na ito"
"Salamat talaga Joshua" tinignan ko siya at napangiti nalang siya nang kay tamis at hinalikan niya ako sa noo
"Sige Mari, Good night na aking prinsesa"
"Ingat ka ha" Tugon ko sa kanya, kumaway siya sa akin habang pinagmamasdan ko siya na papauwi na sa kanila.
Binati ako nila Ate pagkapasok ko ng bahay at nagpahinga nako sa kwarto ko at humiga sa kama ko
"Ang saya" ngumisi ako at bumangon sa kinahihigaan ko, dumeretson ako sa study desk ko at nagsulat sa aking diary.
------
Makalipas ang anim na buwan ng panliligaw sakin ng best friend ko na si Joshua, ito na handa na ako nakikita ko na totoo siya sa mga salita niya at pagpaparamdam sakin na mahal niya ako, siya na talaga.
Sasagutin ko na siya.
Binuksan ko na yung regalo na binigay niya sakin nung birthday ko, isang singsing ang laman ng maliit ng kahon.
"Teka .. promise ring to ah" napaluha ako at ngumiti habang sinusuot ko ang singsing "wow ah alam pala niya size ko ah" natawa nalang ako nang biglang nagring cellphone ko tumatawag si Joshua
"hmm? anong meron?" sinagot ko naman din ang tawag niya
"Hello?"
"Mari, wear your prettiest dress, susunduin kita ng 6pm dinner tayo may sasabihin ako sayo"
"Hmmm, sure lang"
"Sige, see you later beautiful, I love you"
"Sigi see you later"
Binaba ko na ang tawag at bumilis ang tibok ng puso ko jusme fancy dinner to ah my gad mukhang kailangan kong hiramin ang damit ni ate at beauty peagant powers niya
-----
Later that evening, maagang dumating si Joshua mga 5:30 siyang pumunta sa bahay at nakaporma
"Ay jusko Joshua napakagwapo mo talaga san ang punta niyo tonight?" magalak na sabi ni mama
"Secret po tita, susurpresahin ko lang si Mari" malaking ngiti ng nakapinta sa mukha niya
"Oh siya sige pasok ka muna, ang alam ni Mari 6pm ka pa dating kaya inaayusan pa siya ng ate niya sa taas"
"Sige po hintayin ko nalang siya, she's worth the wait"
"Kinikilig naman ako sa inyo, oh siya jan ka lang sa may sala"
"Sige po!" bakas sa mukha niya ang mga ngiti ng tagumpay, nanood muna siya ng TV kasama si papa para malibang
At pagkapatak ng saktong 6pm sakto namang bumaba na kami ni ate
"Heto na siyaaaaa ang Cinderella natin si Mari~ Looks and hair credits to moui~ bagay sa kanya yung blue dress"
Saktong pagkapunta namin sa sala napatingin nalang samin si papa at lalo na si Joshua
"Ehem baka naman matunaw ang kapatid ko hano" pabirong sabi ni ate nang lumapit na sakin si Joshua na namumula ang mukha niya
"D-Di ko akalain na may mas igaganda ka pa pala Mari, prinsesa ka talaga" napatingin siya sa ibang direksyon habang nagbablush, ang cute niya
"Salamat, oh siya tara na baka mahuli tayo sa pupuntahan natin?"
"Ah of course, nasa labas nga pala yung kotse ni insan haha nakihiram lang ako"
Natawa nalang kaming dalawa nang hawakan niya kamay ko
"Tara na mahal kong prinsesa, tito tita, ate alis na po kami"
"Sige ingat kayo~" Tugon ni ate at lumabas na kami at sumakay na sa sasakyan
2 hrs ang binyahe namin at pumunta kami sa isang hilltop, pagkadating namin dun may mga fairy lights at maraming decorations para akong nasa isang fairy tale ang ganda ng set up
"Wow ang ganda naman dito" namangha ako at hinawakan niya kamay ko at hinalikan ito
"Shall we dance my lady?"
"Yes, certainly"
Yun nga at tumunog na ang kanta na pang slow dance, sumayaw lang kami until our hearts are satisfied
I feel so happy and at peace with this person.
Maya maya lamang ay tinignan niya ako at hinaplosan ang pisngi ko
"Mari, alam kong hindi ako kasing gwapo level ng mga anime husbandos mo pero ito maisisiguro ko sayo, magiging mala KDrama man or anime ang magiging love story natin, hindi ko maipapangako na magkakaroon tayo ng perpektong relasyon pero ito maipapangako ko sayo, mamahalin kita hanggang sa pagtanda natin at hinding-hindi kita susukuan, whatever the cost. Kaya Maria Selene De Guzman...."
pagkatapos niyang magsalita, saktong may nagfire works ng mga salitang
"Will you be my girlfriend?"
pagkakita ko sa fireworks, ngumiti ako sa kanya at pinakita ang suot kong singsing
"Yes, Joshua Ivan Cortez, I will be your girlfriend and the same time, your best friend, I love you too my prince" sagot ko sa kanya habang nakangiti sa kanya
"Talaga Mari? Boyfriend mo na ako? Ang saya saya ko!" niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan ang noo ko
"Now my princess Mari, shall we seal this with a kiss?" hinawakan niya ang baba ko para mapatingin sa kanya
"Yes my prince Joshua" unti-unti kong pinikit ang nga mata ko at naramdaman ko na ang mga labi niya sa akin
He kissed me, I kissed him back deeply as we held each other
Maya maya kumalas na kami at hinawi niya ang buhok ko
"Grabe Mari sobrang saya ko ngayon, I love you so much"
"I love you even more my Joshua" niyakap ko siya nang mahigpit
"Let's enjoy our picnic date my princess"
"Yes my prince~"
Napuno ang gabi na iyon ng saya at pagmamahal sa aming dalawa sana hindi na matapos iyon.
-----
Makalipas nang pitong taon, fiance ko na si Joshua at malapit na kaming ikasal, how time flies so fast, marami man kaming naging away pero we chose to stay with each other.
Kakatapos ko lang ng shift ko sa work pati siya, sinundo niya ako sa maulan na gabi hindi ko pa naman nadala ang payong ko dahil sabi sa weather forecast magiging maaraw ngayong araw na to, anu ba naman yan kung seswertihin ka nga naman, hinintay ko na lamang ang pinakamamahal kong prinsipe. Pinanood ko nalang ang mga sasakyan na nagbubusina habang naghihintay ako sa entrance ng building namin nang makita ko siya, bumaba siya ng jeep pumupunta sa direksyon ko, kumakaway sa akin na nakapayong, wagas ang ngiti
That killer smile, ack! nakakatama at nakakakilig padin
"Mari ko~" tawag niya sakin at inabutan ako ng payong
"Salamat sa pagsundo sakin love" ngumiti ako sa kanya habang kinuha ko ang payong
"Tara na uwi na tayo" tanong niya sakin habang naglalakad na kami na nakapayong sa maulan na gabi
"Ano kaya't makapagluto mamaya pag-uwi natin sa condo" tugon ko
"Sigiiii masarap ka kasing magluto mahal~"
"Ay jusme mahal binola mo pako"
nagtawanan nalang kami, hanggang tumigil kami sa crosswalk at hinintay maging green ang crosswalk light, maya- maya lamang naging green na ang ilaw at tumawid na kami ngunit may bumubusina na truck sa harap namin mabilis ang pagkakamaneho mabilis kong tinulak papalayo si Joshua sa kabilang side ng kalsada nang biglang...
CRASH!
Hala... ba't ganun ang lamig .. wala akong makita .. ang dilim
"Mari! Please! Kumapit ka lang! dadalhin na kita sa ospital! Please!" yun nalang ang mga salitang huling narinig ko sa mahal ko bago ko marinig ang busina ng ambulansiya bago ako mawalan ng malay.
------
Joshua's POV
"Hindi ko kakayanin na mawala siya... Mari.. pakiusap gumising ka na" pagmamakaawa ko habang nakahawak sa kamay niya, malakas ang pagkakabangga ng truck sa kanya
"Joshua, anak tatlong araw ka nang di nakakatulog at binabantayan si Mari, magpahinga ka na muna, kami na bahala sa kanya " maalalang sabi sakin ni Ate Taylor
"Pero ate..." malungkot kong sagot
"Si mama muna bahala sayo, ihahatid ka muna sa condo niyo ni bunso"
"halika na nang makapag-ayos ka at makatulog"
tumango nalang ako at hinatid ako ni tita sa condo namin ni Mari, pinagpahinga na muna ako ni tita nang nasulyapan ko mga liham sakin ni Mari na binibigay niya sakin tuwing birthday ko at anniversaries namin binasa ko lahat hanggang sa umiyak nako nang tuluyan
"Mari naman oh bakit ka ba kasi nagkaganyan... bakit ikaw pa naaksidente... alam kong malakas ka... lumaban ka lang please my princess.... hindi ko kakayanin na mawala ka" habang hawak ko ang isa sa mga liham niya unti- unti nang napagod ang mata ko at napabagsak nalang ako sa kama.
"My prince Joshua!" naririnig ko ang boses niya hinahanap hanap ko kung saan nanggagaling pero biglang may tumakip ng mga mata ko "Hulaan mo kung sino to~" napatawa na sabi nung boses.. napakainit ng kamay niya
"Mari? My Princess?" naiiyak kong sagot
"Bingo!" tugon niya at niyakap ako sa likod "Tama sagot mo my prince!"
"Mari! you're alright!" hinarap ko at niyakap siya nang mahigpit "M-Mari .... maayos ka na mabuti naman... mahal ko" nabuo ang mga luha ko nang masdan ko ang maamo niyang mukha
"Joshua... sobrang mahal na mahal na mahaaaaaal kita, salamat at ligtas ka mahal ko, tara may ipapakita ako sayo"
Hinawakan niya ang kamay ko at dinala niya ako sa isang mapayapang lugar na puno ng mga bulaklak
"Ang ganda hano mahal?" hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit "Ang payapa dito mahal parang gusto ko dito..."
"Oo nga mahal ang ganda"
Bakit parang may mali bakit parang may pinapahiwatig siya
"Joshua mahal ko" hinarap niya ako at hinawakan niya ang mga pisngi ko at biglang hawak ko sa mga kamay niya "Gusto ko lang ipaalam sayo na lagi lang akong nasa tabi mo gagabayan ka at mamahalin ka... hindi ko hahayaang may mangyari sa iyo na masama.. tandaan mo yan"
ngumiti siya sakin habang naluluha na ako "Oo mahal... mahal na mahal din kita sobra"
"Ang tanging hinahangad ko lamang ay ang happiness mo, mawala man ako sa tabi mo ang gusto ko lang sayo mahal ko is to keep on living your life, tuparin mo ang mga pangarap natin, keep moving forward lang sa life ha" pagkatapos nun hinalikan niya ako at niyakap hanggang sa may liwanag na nagpakita
"Mahal mukhang tinatawag na ako, tandaan mo lang ang lahat ng sinabi ko sayo ah... I love you so much Joshua Ivan Cortez... I'll be your guardian angel from now on"
Ngumiti siya sa akin ang naglaho kasama nung liwanag
----
Bigla akong nagising na luhaan ang mga mata at nagring ang cellphone ko tumatawag si ate Taylor dalian ko namang sinagot
"H-h-hello Ate?" nanginginig kong sagot
"J-Joshua... kailangan niyo nang bumalik ni mama dito sa ospital... si Mari..." humihikbi na pagkwento ni Ate Taylor "wala na siya.. hindi na kinaya ng katawan niya..."
Biglang nablangko ang isipan ko at nabitawan ko ang cellphone ko
"M-Mari... p-pero.." hindi parin masink-in sa isipan ko na wala na siya baka naman joke lang yun.
------
Ilang araw nang nakalipas simula nung pagkawala ni Mari... dumating na ang araw na kailangan na naming mamalaam sa kanya ng tuluyan.
Nasa sementeryo na kami... at ililibing na siya... nilapitan ko ang kabaong niya at pinagmasdan ang natutulog niyang mukhang "Mari... ang ganda mo pala pagnakaputi ka pero bakit pagililibing ka na.. inaasahan ko panaman sa altar at kasalanan tayo mauuwi eh" malungkot kong sabi, pinipigilan ko lang ang mga luha ko, nilagay ko ang isang boquet ng paborito niyang bulaklak, pink roses... tuluyan na siyang tinakpan at unti-unting nilibing.
Halos puro iyak at hagulgol lamang ang naririnig ng mga tenga ko at nang nalibing na siya sa ilalim ng lupa... pinalipad na namin ang mga puting lobo ng kanyang mga alaala.
Tumingin na lamang ako sa kalangitan habang tumutulo mga luha ko.
"Mahal ko ikaw na bahala sakin ah... bantayan mo ko ah.. Salamat sa lahat... mahal na mahal kita my Mari..May you Rest in Peace my princess"
---- END ----

Mixtape of Lullabies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon