“Regina, ikaw ang maid of honor ko ha?”
Napatigil ako sa pag-inom ng kape ko at napangangang napatingin kay Dianne na alanganing nakangiti sa akin.
Naisipan naming dalawa na magkita kami ngayon sa isang coffee shop. Kakalapag ko lang ng Pilipinas kagabi. Nakaramdaman ako ng pagod ngayon pero nawala lang iyon dahil nakita ko na ang kaibigan ko na hindi ko nakita 10 years ago. Nami-miss ko kaya ito.
“Maid of honor? Magpapakasal kana?” gulat na tanong ko. Hindi ako makapaniwala.
Siya pa ang naunang magpakasal sa akin pero natutuwa rin ako kasi nakakita na siya ng taong mahahalin niya at mamahalin siya habang buhay.
Nilapag niya ang isang invitation card sa harap ko na kinuha ko naman at binasa.
Wedding invitation from Ms. Dianne Vicente and Mr. Lennon Quezon.
At nakita ko pangalan ko sa mismong listahan ng maid of honor. Wow. I’m happy that she choice me for becoming maid of honor in her wedding day.
Sino naman ang maswerteng lalaki na papakasalan niya?
Ang swerte ng kaibigan ko. Magpapakasal na siya habang ako single pa. Kailan ko kaya makikilala ang totoong tao para sa’kin?
Ang lalaki kasi na akala ko ay para sa akin ay iniwan ako. Lahat ng pinangako niya sa akin ay parang katulad na nawala na parang bula. Binaon ko na rin sa limot ’yon.
“Bakit hindi ko ’to alam?” tanong ko.
“Wala tayong komunikasyon in 10 years, Regina. But I choice you as my maid of honor kahit na may mga kakilala na akong mga kaibigan dito sa Pilipinas.” may himig na pagtatampo sa kanyang boses. “Nasa London ka in 10 years, Regina. At ngayon ka lang nakabalik sa Pilipinas.” kibit balikatvna dagdag niya.
Binaba ko ang invitation card sa mesa at sabay hawak ng kanyang kamay. Nahihiyang ngumiti ako sa kanya.
“I’m sorry, Dianne.” paghingi ko ng paumanhin. Nakaramda ako ng guilty dahil sa sinabi niya.
Ngumiti siya ng matamis, “It’s okay. I understand.” sinseridad na sinabi niya na ikinangiti ko.
Hindi ako nakipag-komunikasyon sa kanila ng 10 years. Tiniis ko ’yon habang nagta-trabaho ako bilang model sa isang kilalang company name. Kinalimutan ko ang masasakit na alaalang binigay niya sa akin. Gusto ko mag-move on sa London for good.
Kasama ko rin ang family ko doon. Dahil hindi naman sila papayag na hindi sila kasama kapag pumunta ako do’n kaya nagdesisyon na lang ang magulang ko na mag-migrate kami sa London para magkasama kami at doon kami magsimulang muli.
Sa totoo lang, maganda naman ang buhay ko sa London pero mas pipiliin ko pa rin ang Pilipinas dahil dito ako sinilang at dito ko rin nakilala ang mga taong nakasalamuha ko ng ilang taon.
Dianne Vicente. Mula pagkabata ay magkaibigan na kami. Pareho kaming lumaki at nag-aral sa parehong paaralan. Hanggang sa nagtapos ng kolehiyo pero naghiwalay lang kami noong nagmigrate ako sa London para doon magtrabaho at mag-move on.
Naintindihan naman niya ’yon pero na-guilty din ako kasi wala akong komunikasyon sa kanya. Nakakalungkot kasi wala akong update sa mga taong naging kaibigan ko rito noong nasa London ako. Abala ako sa pagiging modelo ko sa isang kilalang company.
Mabuti na lang maunawain si Dianne kaya sobrang tuwa ko na hindi kami umaabot sa puntong magkakatampuhan kami ng ilang araw na itatagal pa ng ilang linggo. Masyadong mabait si Dianne.
“Sino ang maswerteng lalaki na ’yan? Kailan mo ipapakita sa akin ang lalaki at para makilatis ko?” tanong ko.
“Regina, you don’t have to worry about. Lennon is a good man. I swear to god. He loved me and I loved him, too.” Nakikita ko sa mga mata niya ang pagmamahal sa lalaking ’yon. Ang swerte naman nila sa isa’t isa. Kung sana nandito pa rin siya sa tabi ko ay baka ganito rin kami hanggang ngayon. “Alam mo bang ang swerte ko sa kanya? Madami siyang pinangako sa akin.”
Sana magawa ng lalaking ’yon ang pinangako niya kay Dianne. Kung hindi ay baka masapak ko siya. Ayoko pa naman masaktan ang kaibigan ko. Kapatid na kaya ang turing ko kay Dianne.
Deserve ni Dianne ang pagmamahal. Deserve niya ang lalaking papakasalan niya at ang mamahalin siya habang buhay.
Hindi ko pa nakikita ang lalaking papakasalan ni Dianne. Kahit na picture ay wala.
“Kailan ko ba ’yan makikilala?” tanong ko habang inaayos ang shades ko. Kailangan mag-disguise para hindi ako makita ng mga tao rito. Madami pa namang nakikilala sa akin.
“Sa mismong wedding para surprise.” napairap na lang ako sa sinabi niya. “Halos lahat ng inimbitahan ko sa kasal ay hindi pa nila nakikilala si Lennon except sa family at relatives ko.” napainom na lang ako ng kape sa inis. Grabe talaga itong babaeng ’to. Mahilig talaga sa surprise. “Saka bawal kami magkita ni Lennon. May mga pamahiin kasi ang parents namin na huwag kaming magkita kapag malapit na ang kasal. Malas daw ’yon.”
“Tsk.” ismid ko.
“By the way, kamusta kana pala sa London? Balita ko kilalang-kilala kana sa buong mundo ha?” nakangising tanong niya. “Yiiieee. Famous na bestfriend ko.” pang-aasar niya.
“Shhhh!” awat ko sa kanya sabay tingin sa paligid, baka may makakilala sa akin. Mahirap na.
“Asus. Model kana sa kilalang company branch gan’yan kana. Nasaan ang pasalubong ko ha?” parang batang tanong niya.
“Ibibigay ko na lang sa kasal mo.”
“Hindi ba panty ’yan para pang-akit sa future husband ko?” nakangising tanong niya.
“What the!” muntik ko ng ibato sa kanya ang cellphone ko dahil sa sinabi niya. Lakas talaga makipag-lokohan nito.
Tawa siya ng tawa dahil sa reaksyon ko. “Biro lang, Regina.” sinamaan ko siya ng tingin ng hindi siya tumigil kakatawa.
“Ano pa ba ang pag-uusapan natin?” pag-iiba ko ng usapan.
“Punta tayo sa pagawaan ng gowns para masukatan ka.”
“Mayroon akong gown.” angal ko.
“No. Sagot na talaga namin ang gowns ng mga imbitado sa kasal kaya wala kayong gagastusin do’n. Except lang sa regalo.” kibit balikat na tugon niya.
“Ang yaman yaman mo na nanghihingi ka pa ng regalo?” singhal ko sa kanya.
“Matik na kaya ’yon lalo na sa bagong kasal no!” nakangusong reklamo niya. Napatawa na lang ako sa kakulitan niya.
Ikakasal na ’to, isip bata na pa rin. Sana matiis ng asawa niya ang ugali ng kaibigan ko. Tsk.
“So, ano na?” tumayo siya dala dala ang kanyang bag. “Let’s go?” aya niya.
Tumango ako at tumayo para umalis na kaming dala at para mapuntahan na rin ang sinasabi niya.
Sumakay kaming dalawa sa sasakyan ko. Tuwang-tuwa ang gaga dahil nakasakay siya sa isang kilalang sasakyan. Paborito niya raw ang sasakyang BMW at pangarap niyang makabili nito kapag nagkapera siya.
Sabi ko naman, asawa niya atupagin niya hindi ’yong sasakyan. Pero imbes na magsalita, tumawa lang siya tapos sabi niya ang pangit ko raw magreklamo. Aba’t! Kung hindi ko lang kaibigan ’to, kanina ko pa ’to nabatukan.
Habang nagku-kwento siya ay nabanggit niya sa akin na imbitado pala ang mga kaklase namin noong college at close friends naman sa high school. Sa elementary ay kakaunti lang dahil wala naman daw siya komunikasyon sa mga ’yon. Hahagilapin na lang daw niya kapag nakita niya ang mga ’yon.
Natuwa naman ako dahil bukod sa kasama ang pamilya ko sa kasal niya nando’n din pala ang kakilala namin. Mabuti na lang may mga pasalubong akong dala para sa kanila. Sino bang hindi makakalimutan ang pasalubong kung inaraw-araw ba naman akong binabagabag ng isipan ko na bigyan sila ng pasalubong.
Hindi namin namalayan nakarating na pala kami sa kilala niyang taga-design ng gown. Lumabas kaming dalawa sa sasakyan at naglakad papasok ng tinutukoy niya. Sa pagpasok namin ay binati kami ng sinasabi niya na susukat para sa akin.
“Hello, soon to be Mrs. Quezon! Mabuti po nakapunta ulit kayo rito! May problema po ba about sa gowns?” agad agad na tanong ng designer.
Umupo si Dianne sa sofa nila at kumuha ng magazine. Ngumiti siya sa designer at umiling.
“Wala naman, ate Bebs. Ipapasukat ko sana ng gown itong bridesmaid ko.” sagot ni Dianne. “Gano’n pa rin ’yong design ha? Dapat maganda suot niya.” suhestyon ng kaibigan ko.
“Sige po, ma’am.” nakangiting tugon ng designer na si Ate Bebs. “Ayos ka po ng tayo, ma’am para po masukatan ka.”
“Okay.” nakangiting sabi ko at umayos pero hindi ko masyadong kita ang ginagawa niya dahil madilim ang tingin ko dahil sa shades na suot ko. “P’wede ko bang tanggalin ang shades?”
“Oo naman po, ma’am!” pakamot-kamot na sabi niya. Mukhang nagtataka siya dahil humingi pa ako ng permiso.
Pagkatanggal ko ng shades ay nakita ko ang mukha ng designer. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o tatawa dahil sa reaksyon niya.
“M-miss Regina Alejandro?” gulat na sabi niya. Nung nahimasmasan siya ay bigla na lang siya nagtitili at nagsisigaw. Nataranta naman ako na baka may makarinig at makausyuso sa nangyari kay mabilis ko siyang nilapitan at tinakpan ang bibig niya.
“Shhh. Tahimik lang. Huwag kang sisigaw o titili, maliwanag?” mahinang pakiusao ko sa kanya.
Tumango-tango naman siya bilang sagot kaya napangiti naman ako at tinanggal ang pagkakatakip sa bibig niya.
“P-p’wede po pa-picture?” nauutal na tanong niya.
“Sure.” tugon ko at lumapit sa kanya. Nakita ko ang kamay niya na nanginginig kaya kinuha ko ang cellphone sa kanya at ako na lang ang nagtake ng pic sa amin. Natuwa naman ang designer sa amin at nagpasalamat ng matapos ang ilang shots.
Mabilis akong sinukatan ng designer hanggang sa sinabi niya na tapos na kami. Ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat. Pero bago kami makaalis ay humirit pa ang designer na magpa-autograph sa isang magazine na ako mismo ang cover. Labis akog natuwa dahil mayroon siyang gano’ng magazine.
Nagpaalam na kaming dalawa ng kaibigan ko at nagdesisyon na uuwi a dahil kailangan ko raw ng pahinga. Magrereklamo sana ako pero mukhang hindi nagpatinag si Dianne, saka na raw kami magba-bonding after ng kasal at honeymoon nila mag-asawa.
Hinatid ko siya sa kanilang bahay bago ako tuluyang umuwi ng bahay. Magpahinga ako ng ilang araw para naman may beauty rest ako. Panghanda para sa kasal ng kaibigan ko. Syempre, kailangan ko maging maganda do’n. Kaibigan ko ang ikakasal ’e.
LUMIPAS ang araw at ito na ang araw ng kasal ng kaibigan ko. Excited na ako para sa kaibigan ko. Ikakasal na siya!
“Beshy, kinakabahan ako!” niyugyog ni Dianne ang balikat ko.
“Dianne, ano ba!” natatawang awat ko sa kanya. “Huwag ka nga kabahan! Ito na ang araw mo no!”
“Baka mag-back out si Lennon, e! Kinakabahan ako, beshy!” hysterical na sabi niya at niyugyog naman niya ang upuan ng driver sa harap namin. Gaga talaga ’to. Pati ba naman ang driver ng sasakyan ay idadamay niya.
“Huminahon ka nga, Dianne! Nasa harap na tayo ng simbahan! At gusto mo ba ang masira ang make-up mo?”
“E, kasi beshy baka mag-back out si Lennon. Ayoko pa naman iwan niya ko!”
“Gaga! Sinabi na nga ng organizer na nand’yan na nga si Lennon sa loob ’di ’ba?” tanong ko sa kanya.
“Ayy, oo nga pala.” sabay kumalma na siya at napatingin sa pinto. Nakita namin ang organizer na kumakatok kaya binuksan namin ang bintana.
“Okay na po ang lahat. Maaari na po kayong lumabas para magsimula na ang kasal.” magalang na anunsyo ng organizer.
Lumabas ako ng sasakyan at lumapit kay Dianne para alalayan na lumabas. In-assist kami ng organizer kung saan kani pupwesto para maging okay na ang lahat.
Pinagmasdan ko ang mga disensyo ng kasal nila. Halos lahat ng disenyo ay ang gusto ko para sa aking kasal. Pero kailan magaganap sa aking buhay ang ganitong importanteng araw kung wala na siya sa akin?
Hay, Lance. Kung alam mo lang kung paano ako nagsakripisyo sa London para lang maging maayos ang buhay ko at para makaipon ng nakaparaming pera para sa magiging kasal natin pero sumuko ka.
Hindi mo ako sinuportahan sa pangarap ko. Iniwan mo ko dahil lang sa ayaw mo na umalis ako ng bansa. Dahil sa pangarap ko.
“’Te, nand’yan na po ba ’yong groom?” narinig kong kinakabahang tanong ni Dianne habang pinupwesto siya sa huli kasama ang pamilya niya.
“Kanina pa po, ma’am. Maaga pa po sa father.” magalang na sagot ng organizer na ikinatawa namin.
“Hay nako, Dianne anak. Masyadong seryoso si Lennon sayo para mag-back out siya.” ani Ina ni Dianne.
“Maswerte si Lennon sayo para iwan ka.” dagdag ng ama ni Dianne habang kinindatan siya.
“Seriously, mom and dad. Ako ang maswerte sa kanya.” nakangiting tugon ni Dianne habang nakatingin sa harap ng pinto na mukhang bubuksan na.
“Mga kids, humanda na kayo. Magsisimula na ang kasal.” alalay ng organizer sa mga bata na nasa unahan.
Sa pagbukas ng pinto ay narinig ko ang pamilyar na kanta at pamilyar na boses. Beautiful in white.
Pamilyar na boses? Nandito si Vince? Isa ba siyang singer para sa kasal ni Dianne?
Kung sinuswerte ka nga naman, Regina.
Nagsimula ng pumasok ang nasa unahan. Since malapit ako sa huli ay hinintay ko ang anunsyo sa akin ng organizer kung kailan ako dapat pumasok.
“Ikaw na po, miss.”
Bumuntong hininga ako at sabay lumakad sa red carpet na nakalatag sa sahig. Pagkapasok ko ay nakita ko ang loob ng simbahan. Ang simbahan na gustong gusto ko puntahan at gusto kong maging witness sa kasal namin ni Lance.
Nakita ko sa loob ang mga pamilyar na tao. Mga kabatchmates namin ni Dianne noong college at highschool. Mga kakilala namin na parehong nakangiti sa amin. Seryoso, ngayon ko lang sila nakita simula ng bumalik ako rito sa Pilipinas.
Pumunta ang mga tingin ko sa harap. Napaawang ang bibig ko sa gulat ng makita ko ang napaka-pamilyar na tao na malapit sa altar. Lance…
Hawak hawak niya ang mic at kumakanta gamit ng malamig niyang boses. Aaminin ko, napakaganda ng boses niya gaya ng dati. Ang swerte niya dahil kinanta niya ang paborito naming kanta na dapat na kakantahin niya sa magiging kasal namin pero mukhang hindi na mangyayari ’yon.
Sa tabi niya ay ang lalaking hindi nangangalay kakangiti. Siya ba ang groom? Infairness ang gwapo ha. Galing pumili ni Dianne.
Umiwas ako ng tingin at tinuon ang atensyon sa paglalakad hanggang sa makapunta ako sa aking pwesto.
Pumunta ang tingin ko sa pinto ng simbahan kung saan nakita ko si Dianne na nakatayo habang kasama niya ang kanyang pamilya. Nakangiti siya at nakikita kong masaya siya sa araw na ito. Sobrang saya ko rin dahil ikakasal na ang kaibigan ko.
Lumakas ang kanta ng dahan dahang naglakad sila patungong altar. Nakikita ko si Dianne na umiiyak sa kasiyahan. Inaalo siya ng kanyang magulang dahil baka masira ang kanyang make-up. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis kay Dianne, e. Baka wala pa siya sa altar ay sira sira na ang make-up niya na ako mismo ang gumawa.
Huminto silang tatlo sa pwesto ng groom. Nakita ko ang salitan nila ng mga salita at ang pagkamayan nila sa isa’t isa.
Biglang gumuho ang mundo ko ng nakita ko ang kamay ni Vince na nakalahad sa harap ni Dianne. Hawak hawak niya pa rin ang mic at hindi pa rin siya tumitigil sa pagkanta habang naglalakad sila patungong altar.
Ibig sabihin…
Siya ang groom…
“You look so beautiful in white.”
Hindi ko namalayan na sunod-sunod ang pagpatak ng luha ko. Hindi sa saya kun’di sa sakit. Hindi ko man masabi sa salita ang nararamdaman ko pero sa loob loob ko ay nasasaktan ako. Nasanay ako na hindi siya alalahanin pero akala ko nakamove on na ako pero may kakaunting sakit pa galing sa puso ko.
Ang lalaking akala ko mamahalin ako ng totoo. Ang lalaking akala ko gagawin niya ang ipinangako niya sa akin. Ang lalaking akala ko hindi ako ang iiwan. Ang lalaking akala ko susuportahan ako sa pangarap ko.
Ngunit hindi pala…
Ang lalaking nakikita ko sa harap ng altar kasama niya ang kaibigan ko na pareho silang nangangako sa diyos na mamahalin nila ang isa’t isa.
Ang lalaking minahal ko at akala ko ay tinakda sa akin ngunit nagkamali ako. Siya rin pala ang lalaki na iiwan ako dahil sa misunderstanding namin.
’Yong dating pangarap namin sa isa’t isa ay naging pangarap ko na lang mag-isa. ’Yong dating pangako namin sa diyos, ipinangako niya sa kaibigan ko.
Kaya pala pamilyar sa akin ang lahat dito. Dahil ang mga nandito ngayon ay mga ideya namin at plano namin para sa pangarap naming kasal. Pero dahil sa hindi niya sa pagsuporta sa pangarap namin ay hindi na iyon matutuloy.
Sinabi rin niya sa akin na siya ang kakanta ng theme song namin sa kasal. Siya ang bahala sa lahat para sa kasal namin na plano namin noon pa.
Pero di ko akalain na siya pala ang lalaking papakasalan ang kaibigan ko na kapatid na ang turing ko.
Hindi alam ni Dianne na ex ko ang lalaking kasama niya dahil hindi ko pa pinapakilala sa kanila si Vince bilang boyfriend ko pero nasa plano ko na ’yon, e. Kaso sumuko siya.
At naalala ko pala. Tunay niyang pangalan ay,
Lennon Lance Quezon.
Ang lalaking minahal ko ng buo.
Sa kabila ng sakit, mas pinili kong ngumiti dahil ito ang kasal ng kaibigan ko at ang taong mahal na mahal ko.
Inaamin ko, kahit sampung taon na ang nakalipas ay may nararamdaman pa rin ako sa kanya. Kahit sampung taon na ’yon ay siya pa rin ang taong nasa puso’t isip ko.
Hindi ko alam kung ano dapat kong gawin. Mas iisipin ko na lang na maging masaya siya sa iba kesa ipagsisikan ang sarili ko. Masaya na siya sa iba. Masaya na siya sa kaibigan ko…
’Yong taong mamahalin niya habang buhay.
Ilang minuto ang tinagal ang kasal hanggang sa nag-anunsyo ang pari na halikan na ang babae. Humiyaw ang lahat ng halikan ni Lennon si Dianne sa harap namin. Kahit masakit ay pinili ko pa rin silang tingnan. Masaya sila ngayon. Masayang-masaya. Kaya ayaw ko na masira ang kasal dahil sa akin.
Abala ang lahat sa pag-congratulate sa bagong kasal kaya nagdesisyon ako na mauna na lang sa venue. Feeling ko mahihimatay ako sa sakit.
Tinungo ko ang parking lot at sumakay sa kotse. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan papunta sa lugar ng venue na sinabi sa akin ni Dianne. Kung magtatagal pa ko do’n baka ’di na kayanin ng sarili ko na mag-stay sa gano’ng lugar.
Nung dumating na ako ay pumasok ako agad. Nakita ko ang kabuuan. Nakaayos na ang lahat. Ang bagong kasal at imbitado na lang ang kulang.
Tinanong ko sa staff kung saan ang banyo na agad naman nilang tinuro. Nagpasalamat ako at dali-daling tinungo ang banyo par ayusin ang sarili ko.
Sa pagpasok ko ng banyo ay nakita ko ang sarili ko sa salamin. Hindi na maganda ang make-up. Binasa ko ang tissue na dala ko at pinunasan ang sarili ko. Nag-light make-up ako para hindi halatang bagong iyak ako.
Bumuntonghininga ako at nagstay sa banyo ng ilang minuto. Mayamaya ay narinig ko ang ingay mula sa venue. Senyales na nandito na silang lahat. Muli ay inayos ko ang sarili ko bago ko naisipan na lumabas ng banyo.
Pagkabalik ko sa venue ay tama nga ako. Nandito na sila. Napigilan ko ang aking paghinga ng nakita ko si Dianne na nakatingin pala sa akin. Tinuro niya ako na ikinalingon ng kasama niya. Sa unang pagkakataon ay nakita ko siyang nagulat ng makita ako. Sinong hindi magugulat?
“Beshy! Ito pala si Lennon Lance Quezon. Asawa ko.” pagpapakilala niya habang tinuturo ang katabi niya na todo kapit sa bewang niya. “Hon, si Regina Alejandro. ’Yong best friend ko na tinutukoy ko sayo noon? Siya ’yon, bumalik siya galing London para makasaksi sa kasal nating dalawa.”
Ngumiti ako ng pilit sa kanila at nilahad ang kamay ko. “Nice to meet you.”
Ilang segundo siya natitig sa akin hanggang sa makipag-kamay siya sa akin. Naramdaman ko ang kuryente na dumaloy sa kamay ko ng makipag-kamay siya sa akin.
“N-nice to meet you too.” nauutal na sabi niya.
“Maiwan ko muna kayo ha? Kakausapin ko lang saglit ang mga bisita bago magsimula ang party.” paalam ni Dianne at iniwan kaming dalawa sa isang sulok. Katahimik ang bumalot sa aming dalawa.
Napakuyom ang kamao ko. Huminga ako ng malalim at nakapag-desisyon sa isipan ko. Mahirap pero kailangan.
“I’m happy for you.” buong lakas na sabi ko matapos ang katahimik ang bumalot sa aming dalawa. “Congrats.”
“R-regina…” mahinang tawag niya sa pangalan ko pero sapat na ’yon para marinig ko. “Ipapali—”
“Hindi mo na kailangan ipaliwanag ito.” ngumiti ako sa kanya para itago ang totoong nararamdaman ko. “Mapatag naman ang loob ko na nasa mabuting kamay ka ngayon at sa kaibigan ko pa.”
“I’m so—”
“You don’t have to.” mas humigpit ang pagkuyom ng palad ko. “Makita lang kitang masaya sa kanya, masaya na rin ako. Makita ko lang ang ngiti mo, okay na ko do’n.”
Hindi na napigilan ng mga mata ko, tuluyan na akong lumuha sa kanyang harapan.
“A-alam mo bang sobrang saya ko noon na sabihin sayo ’yong pangarap natin kaso ano ang ginawa mo? Imbes na abutin natin ng sabay ang pangarap na gustong-gusto natin, ikaw pa mismo ang sumuko. Akalain mo ’yon? Kahit na gusto nating abutin ang pangarap na ginusto nating dalawa ako lang pala ang mismong umabot. Lumaban ako, ikaw ang sumuko.”
Ngumiti ako sa kanya kahit na may kuhang tumutulo sa pisnge ko.
“Hindi mo ba pinagsisisihan ang desisyon mo noon?” biglang tanong niya.
“Wala akong pinagsisisihan sa desisyon na ginawa ko noon.” pinunasan ko ang luha ko. “Malaking blessings na dumating ’yon sa buhay ko kaya bakit ko pagsisisihan ang pangarap ko? Pinili ko ang tama. Kung hindi ko pinili ’yon hindi mo ko makikita na nakatayo sa harapan mo.” sagot ko sa kanya. “Ikaw? Hindi mo ba pinagsisisihan ang desisyon mo na iwan ako?”
“Pinagsisisihan ko.” ngumiti siya ng mapait. “Nasasaktan ako na nawala ka sa akin. Nasaktan ako ng makita ko kung paano ka masaktan noong nakipaghiwalay ako sayo. Pero hindi naman magbabago ang nakatadhana sa atin na hindi tayo para sa isa’t isa ’di ba?”
Tumango ako at naintindihan ang sinabi niya. Tama. Hindi kami nakatadhana sa isa’t isa.
“Masaya ako sayo. Alagaan mo kaibigan ko ha? Kapatid ko na ang turing ko d’yan. Kapag nalaman ko na nasaktan mo siya, hindi talaga ako magdadalawang isip na suntikin ka.” I gave him a genuine smile.
“Makakaasa ka. Aalagaan ko ang kaibigan mo. Pangako.” tipid siyang ngumiti sa akin.
Tumalikod na ako. Parang sasabog na ako sa emosyon na tinatago ko ngayon.
“Salamat pala sa lahat, Lance. Lahat ng memorable na nagawa natin noon ay malaking treasure para sa akin. Masaya ako dahil napakasalan mo na ang babaeng mamahalin mo habang buhay.” muntik na akong mapiyok sa mga sinabi ko ngayon. “Sa ngayon ay mamamaalam na muna ako. Pakisabi kay Dianne na umalis na ako para hindi siya mag-alala sa akin.”
“U-uwi ka ng London?” naramdaman ko ang gulat sa boses niya.
“Y-yes. It’s for my own sake. It’s for being part of moving on.” yumuko ako.
“Please, Regina. Focus on your future. Let go your past. Ayaw ko na kinukulong mo ang sarili mo sa nakaraan.”
“Gagawin ko naman ’yon.” pinunasan ko ang mukha ko para magmukhang maayos pa rin ang sarili ko kapag lumabas ako ng venue na ito. “Goodbye for now, Lance. It’s nice to see you again.”
“Goodbye, Regina. It’s nice to see you too.”
Nagsimula na akong maglakad palabas ng venue at umuwi sa bahay para mag-ayos.
Kinukasan ay sumakay ako ng eroplano patungong London para makauwi na doon. Iniwan ko ang sakit at past ko sa Pilipinas para makapsgsimulang muli.
Babalik ako sa Pilipinas na hindi na masasaktan habang nakatingin sa kanya. Uuwi ako ng Pilipinas na ipakita sa kanila na masaya ako.
~~~**~~~
BINABASA MO ANG
Mixtape of Lullabies
Short StoryThis is a mixtape full of pain from different stories that could make your body weak and will you down in the ground full of shattered heart of glasses. Tales that will tell you about different kind of tears from the different love stories with diff...