Ang lamig ng simoy ng hangin, may bagyo nanaman.
“Jusmiyo marimar tong si mayor di pa nag su-suspend. Water proof nanaman kaming mga college”, narinig kong bulyaw ng katabi ko sa upuan.
“Ah oo nga pero baka naman isuspend narin mamaya ni mayor”, tugon ko naman.
Laking gulat ko ng tinanggal niya yung one piece earbud sa right ear niya.
“Yes, Miss? Are you sayin’ something?”, nakakunot noo niyang tanong.
Takte! Bakit ba sumagot pa ako? Wala pamandin akong earphone at naiwan ko. Dali dali kong binuksan yung phone ko, maigi ay hawak ko lang.
“Wait nga lang bakla at me kumakausap sakin dito”.
“Sorry I beg your pardon?”, maarte kong sambit.
Ano ka ngayon, akala mo ikaw lang pwedeng mag english huh.
“Oh sorry may kausap ka din pala, by the way Irene nga pala”, sabay abot ng kanang kamay niya.
“Zaine nga pala”, inabot ko din ang kaliwa kong kamay.
Uso pa pala ang makipag shake hands? Akala ko hindi na eh.
“You looked familiar”, tanong ko habang inaalala kung sino at saan ko siya nakita.
“Wait, ikaw ba yung nakilala ko sa marvel comic con dito?”
“Ay oo ako nga yon! Lalo ka atang gumanda ngayon ah siguro may boyfriend ka?”, pabulong kong sabi.
“Ah oo galing nga kaming Sates nitong summer”
“Ah naalal-“
“Uy sorry andiyan na kasi yung jeep maiwan na kita. Bye!”, dali dali naman siyang sumakay.
“Ay bastos mag dra-drama pako eh. Naiwan nanaman ako, sabagay sanay nanaman akong iwan at kalimutan”, bulong ko sa sarili ko.
“Hija kanina ka pa ata diyan?”, laking gulat ko ng biglang sumulpot ang isang matandang babae.
“Ah opo malakas pa po kasi yung ulan, upo po kayo”, umison naman ako ng kaunti upang makaupo si lola.
“Umuulan nanaman, di nanaman ako nito makakapag hanap ng pagkain para saamin”, binuksan niya yung bayong na dala niya.
“Hala nilalamig na sila lola!”, turo ko sa mga kuting at tuta na nasa loob ng bayong.
“Oo nga hija eh, kapag nakakakita ako ng mga pusa at asong pagala gala sa kalye ay kinukup-kop ko sila kasi alam ko yung pakiramdam na mapabayaan”
“Ako alam ko po yung pakiramdam na gamitin sa pansariling interes”, napa buntong hiniga naman ako dahil naalala ko nanaman.
“Naalala ko po kasi nung elementary ako. Lagi po kasi akong first honor nun, ngayon eh pasang awa ay okay na sakin”, natatawa kong sambit.
“Sige tuloy mo lang hija makikinig kami”, nakangiting tugon ni lola sabay labas sa mga alaga niya nasa bayong.
“Unang beses kong mag karoon ng lalaking kaibigan sa eskwelahan. Tas di ko namamalayan na nahuhulog na pala ako. Grade 6 ako nun la, lagi kaming mag kalapit. Ako din po yung tumutulong sakanya tuwing may quizzes or sa mga projects and assignments. Magaling sumayaw yun lola eh”
“Ano namang pangalan niya hija?”, mahinang tanong ni lola.
“Lucas po lola, tinatawag ko siyang Luke”, tugon ko naman.
“Tapos ayun na nga may nag transfer samin na galing Maynila. Maputi, matangkad, maganda tapos mukhang matalino. Edi siyempre po pinagkaguluhan siya ng buong klase. Kinahapunan din po ay pumunta sila Luke saka mga kaibigan niya sa bahay nun. Nag karoon napo pala sila ng pustahan na liligawan nila yung babae”, tumugil naman ako sa pag kwe-kwento para tignan sila lola.
Nakikinig naman pala sila. Akala ko kasi nakatulog na si lola at ang tahimik.
“Ganyan naman ang mga kalalakihan eh, kapag maganda ang isang babae gusto na agad”, mahinang bulong ni lola.
“Tama kayo diyan ‘la. Tapos ayun na nga po si Lucas yung nagustuhan nung babae. Nasaktan naman po ako pero wala akong magagawa kundi tanggapin nalang”, napangiti naman akong kaunti.
“Ako iniwan na ako nang mga anak ko. Napagtapos ko na rin sila. Magaganda na buhay nila ngayon sa Amerika. Samantalang ako eto mag isa nalang sa Pinas”, halos maluha na si lola kaya’t binigay ko yung panyo ko.
“Ano po ba mga pangalan nila? Hanapin ko po sa facebook para naman po makausap ninyo?”
“Wag na hija kasi matagal na silang di nag paramdam. Saka sabi na rin ng mga pamangkin ko na di na daw sumasagot sa mga tawag yung dalawa kong anak”, naiiyak na si lola kaya kinuha ko na rin yung tinapay at tubig ko sa bag.
“Kaya ikaw bakit hindi mo pinaglaban?”
“Eh lola wala po akong laban dun, maganda yun tas ako matalino lang po”.
“Hindi naman panlabas na anyo ang minamahal ah?”
“Pero yun po ang unang tinitignan sa panahon ngayon lola, di po kagaya nung panahon ninyo”, ngumiti ako ng konti at inabot ang tinapay sa bag ko.
“Sige una na ako salamat nga pala”, ngumiti naman si lola at saka umalis. Maigi nalang natapos ko na yung kwento ko.
Laking gulat ko ng may babaeng nag lalakad sa gitna ng malakas na ulan. Halos bumaliktad na yung folding umbrella niya.
“Paupo po hehe”, nakangiti siya saakin at inaantay ata ang permiso ko.
Hala siya di ko naman ‘to pag mamay-ari.
“Sige lang upo ka na di naman saakin to at never naging saakin”
Umupo siya saka pinasak ang earbuds niya. Maya-maya ay naririnig ko na siyang kumakanta.
“Teenage dream? Ah yung una niyang kinanta saakin”, mahina kong bulong.
“Favorite mo din po si Katy?”, tanong naman niya.
“Yes parehas kami kasing Katycat”
“Ano po ulit?”, dali-dali niyang pinause yung kanta.
“I mean yung guy na kinantahan ako through voice message is parehas kaming fan ni Katy then teenage dream na cover ng 5sos yung kinanta niya”
“Ah maganda rin po cover ng 5sos nun eh pero kamusta na po kayo?”, tinanggal na niya yung earphones sa tainga niya.
“Ewan ko sakanya. We both said our goodbyes na eh”, ngumiti naman ako ng piit.
“So sino po siya?”, pag tatanong naman niya.
“His name is Ylon, first year college na siya nung nakilala ko. Habang 3rd year ako nun. Araw-araw kaming mag kausap. For the first time in my entire life I felt so special, like I am worthy to be loved by someone”, todo ngiti kong sabi.
“Akala ko po ba wala na kayo eh pero napapangiti ka padin po kapag naaalala mo siya?. Hindi ka bitter ate?”, mahina niyang tanong saakin.
“Walang rason para maging ampalaya ako kasi masaya ako na dumating siya sa buhay ko. Dahil din sakanya kung bakit ako naging fan ng 5sos. Tapos nung pumunta siya sa concert nun tinawagan pa niya ako kasi team bahay ako”
“Ate ako naman po nanligaw yung bestfriend ko sakin. Hindi ko sinagot kasi pakiramdam ko hindi pa kami ready sa ganun. Ayun engaged na sila ni ate”, tumingala siya kasi alam kong tutulo na yung luha niya.
“Mahal mo siguro yung guy”, pag tatanong ko.
“Siyempre naman ate kaso huli na ang lahat. Nalaman ko lang na mahal ko siya nung napunta na sa iba”, nakangiti na siya ngayon, wala na yung luha sa mata niya.
Yung ngiting hindi umaabot ng tainga, yung ngititng mahahalata mong malungkot yung mata niya.
“Okay lang yan, baka hindi talaga siya para saiyo”, niyakap ko siya ng mahigpit.
“Maigi sakin biglaan niya nalang akong iniwan. Walang pasabi o paalam basta alam ko na wala na tapos na”
“Bat hindi niyo pinigilan?”
“Wala naman kaming label eh kaya bakit ako mag dedemand ng time?”
“Bakit ka kasi pumayag sa ganiyan ate?”
“Ikaw bakit ka pumayag na makasal siya sa iba?”
“Correction, ikakasal palang”, napa roll eyes naman tong batang to.
“Kahit na basta wala kasi tayong choice kundi hayaan nalang silang umalis. Marupok ako eh kaya ang bilis kong na attached”, humigpit naman lalo yung pag kakayakap niya sa bag niya.
“Ate ayoko na pong umuwi sa bahay kasi naalala ko lang lahat”, sinubsob niya yung mukha niya sa bag niya.
“Sige umiyak kalang ilabas mo lang lahat pero wag mong kalimutan na may kasalanan kadin”
“Opo yan din naman ang sabi ko kaso bakit po si ate pa? Kakambal ko pa talaga”, tumaas na ang tono ng pananalita niya.
Binuksan ko ang bag ko upang kumuha ng maiinom. Meron pang yakult!
Kinalbit ko siya upang iaabot yung yakult na di na gaanong malamig. Pag angat niya ng mukha ay lalo pa siyang naiyak.
“Ate naman eh favorite niya yan!”, sigaw niya habang yakap ulit sa bag.
“Hala sorry hindi ko naman kasi alam. Wala na kasi akong tubig at naibigay kona”, kinuha niya naman yun at ininom.
“Ok na ako ate thank you nga pala. Uuwi na ako kasi napag tanto ko na bahay namin yun. Walang mag aalaga kay fluffy kapag di ako umuwi”, sumisinghot pa niyang tugon.
Napangiti nalang ako at nag paalam sakanya. Kinuha ko naman yung bag ko sa gilid at saka tumungo doon. Medyo pagod na rin ako kakausap.
Hiyawan naman ng mga estudyante ang aking narinig. Dali dali akong nag angat ng ulo upang tignan, ah mga nursing student. Tatlo silang umupo kaya medyo masikip na sa upuan.
“Bilisan niyo at hinahanap na ako ni Ken”, natatarantang sabi naman nung babaeng maputi at naka bun yung buhok.
“Aba saglit lang to pupunta lang tayong SM kaya sabihin mo diyan sa jowa mong chararat mag tigil”, naiinis namang sambit nung bakla nilang kaibigan.
“Paano hindi pa sumama satin. Nako bat mo pa kasi binalikan iyan!”, dagdag naman nung morenang babae.
“Mahal pa ako eh, palibhasa mga wala kayong jowa”.
“Sana all binalikan!”, napalakas pala yung bulong ko.
Ok pinag titinginan na nila ako.
“Ay bitter siya!”, natatawang sigaw nung bakla.
“Konti lang hehe by the way ang gwapo mo este maganda pala!”, natatawa kong tugon.
“Ay ako nga pala si Janela Mae tas itong maitim na to si Camilla tas tong maputi ay si Raizen”
“Hoy bakla ka morena ako!”, naiinis na bulyaw ni Camilla.
“Nagagalit na si Ken ayan sineen nalang ako!”, nakasimangot at padabog na tinabi yung cellphone niya.
“Wala ba kayong gaanong ginagawa kaya nag cutting kayo?”, natatawa kong tanong dahil naalala ko nanaman yung mga college days namin.
“Marami po kaya po gusto na muna naming manood ng sine”, magalang namang tugon ni Camilla.
“Kaso ang tagal po nung mga barkada naming naiwan doon. Sila po kasi ang mag papakopya saamin ng notes”, halatang bored na tong si Janela.
“Excited na akong mapanood yung far from home, kainis ang tagal naman nila!” nakasimangot na sigaw ni Camilla.
“Ano nga ulit pangalan nung boyfriend mo?”, pagtatanong ko.
“Ken Dela Resma po ate”
Agad akong natigilan. Hala siya pala yung nang rebound sakin.
“Kapangalan siya nung ex kong manloloko”, natatawa kong sabi.
“Sabi sayo bakla lolokohin ka ulit niyan eh bakit kaba kasi bumalik?”, medyo tumaas na yung boses ni Camilla.
“Past is past ok? Alam ko may naging jowa siya nung nag break kami pero ako parin ang pinili, alam ko namang kahit anong mangyhari ako parin ang pipiliin niya”, naiinis na sambit ni Rayzen.
“Sana lahat pinili diba?”, napabulong nalang ako.
“Anyare ba sayo ate girl?”, maarteng tanong naman ni Janela.
“To make the long story short, pinaniwala akong mahal niya ako tapos ayon makalipas ang ilang buwan hindi na nag reply. Tapos nalaman ko na lamang na binalikan yung ex niya. Wala naman siya saking sinabi na may ex siya kaya ako naman tong si tanga naniwala agad sa mga sinabi niya. Pero ok lang ako ngayon, alam ko naman kasing mabait yung girlfriend niya”, nakangiti kong sabi sakanila.
“Ako nga mag bestfriends kami tas sinabi niya na gusto niya na rin ako. Ilang linggo din kaming naging mag M.U. then nalaman ko na yung bestfriend ko pala gusto niya. Matagal niya na palang gusto yun eh akala niya wala sakanyang may gusto kaya nung umamin ako ayun naging panakip butas ako”, natatawa na parang ewan tong si Camilla.
“Mag kaibigan pa din ba kayo?”
“Opo, ayos lang naman po saakin iyun. Handa akong mag paraya sa ika-sasaya nila”, nakangiti niyang sambit.
Halatang halata sa mukha niya na hindi niya pa lubusang tanggap, pero hindi na ako nag salita. Sino ba ako para mangailam eh isa rin naman akong di pa nakaka move on.
May tumigil na itim na sasakyan sa harap naming at bumusina. Bumukas naman ang bintana sa driver’s seat at tumambad saakin ang mukha ng isang lalaki.
Marahil ay kaibigan nila ito. Nag paalam na sila saakin at ganun din ako. Naiwan nanaman ako mag-isa.
Hala naalala na ako ng kapatid ko!
“Ate kailan ka daw uuwi? Uwi ka na raw sabi ni mama”, pilit nanaman ang ngiti niya.
“Maya-maya nag aantay pa ako ng masasakyan”, nakangiti kong tugon.
“Nag babagyuhan na ate please umuwi kana kasi. Me donut dito sa bahay!”, sabay pakita naman siya nung box ng donut.
Hala mga favorite ko!
“Dumaan nga pala dito si Jermiah! Yung nakakachat mo lagi ate”
“Ah kasama ba girlfriend niya?”, mahina kong tanong.
“Oo ang sweet nga nila eh. Akala ko ba kayo nun ni kuya Miah?”
“Nung kasing nakipag break siya sa girlfriend niya sobra siyang na down sa twitter. Kaya ako naman nag dm ako sakanya para may makausap siya. Sobrang masayahin kasi nun kaya para saakin hindi niya deserve masaktan. Dumating siya sa point na ang baba nan g self-esteem niya. Tingin niya siya lahat may kasalanan. Na dahil sakanya nasasaktan yung babae. Ako yunhg bumuo sakanya. Tinulungan ko siya kasi talagang hindi ko kayang makitang ganun siya. I did everything that I could just to fix him. Tas ayon naging sila nung girlfriend niya which is natigil na kaming mag chat. Ok lang naman sakin kasi for me I did my part na kahit hindi man lang siya nag thank you and ang pinasalamatan niya ay yung babae”
“Ate bakit lagi ka nalang pumapayag na buuin sila tapos iiwan ka nang kulang pag katapos?”|
“I don’t have a choice but to do my part. For some reason I am happy seeing them smile even tho Im not the reason. Bata ka pa kasi kaya hindi mo maunawaan. Oh diyan ka na lowbat na ako”
“Pero a-”, hindi ko na siya pinatapos mag salita.
“Ang lamig!”, sigaw naman nung bagong baba sa van.
“Mas malamig convo ninyo”, bulong ko.
“Bastos to!”, natatawa naman niyang tugon.
“Ah wala akong sinasabi”, natatawa kong sambit.
“Eh talagang malamig convo naming wala naman kasing kami”
“MU pa!”, natatawa ko nanamang tugon.
“Kesa naman sayo pinag palit”
“Paano mo nalaman?”
“Ay totoo ba ate?”, nawala na yung ngiti sa labi niya.
“I met him on a club. Wala kwentuhan lang tas di na naming namalayan nan aka holding hands na pala kami habang sumasayaw. After nun we became friends, to the point na parang may something na. but after a year he left me. Ghosting daw sabi nila yung tawag dun. Yun pala may girlfriend siya nun. Nung nag hiwalay sila eh dun niya na ako nakilala. Kaso bumalik yung babae that’s why he left me. Sayang kasi gusto ko na siya nun that time. I tried to fix our friendship. Kahit yung pag kakaibigan nalang naming yung pahalagahan niya. Kaso wala eh hindi talaga nag work. Kinausap ko siya sa personal, wala tinalikuran lang ako. Nag chat din ako kao naka ignored message ako. So that’s my sign na titigil na ako. I don’t deserve a guy like him”
“Hala ate nakakaiyak naman iyan”
Pag lingon ko sakanya ay umiiyak na siya.
“Bakit ka naman naiyak?”, halatang halata sa aking boses na nag tataka talaga ako.
“Ganyan na ganyan po kasi nababasa and napapanood ko”, humuhikbi na siya ngayon.
“Hala wag kang umiyak kasi ako nga hindi naman ako umiyak!”
“Ang sakit lang kasi ate eh”, patuloy parin siyang humihikbi.
“Huy! Wag ka ngang umiyak kasi wala namang nakakaiyak!”, natatawa kong bulyaw.
“Hindi pa po kasi ako nakakaranas ng ganyan pero ramdam kopo yung pain niyo”, hindi parin siya tumitigil sa pag-iyak.
“Wala ka sigurong social life?”
“Grabe ka naman ate! Kamamay lang po kasi ng favorite character ko sa anime”, mas lalo pang lumakas ang hikbi niya.
“Hala sige iyak ka lang naiintindihan kita”
“Mahilig po kasi ako sa anime. Kaya ayun hanggang ngayon wala parin akong boyfriend. Hindi ko naman kailangan ng boyfriend eh, kailangan ko wifi!”
Natatawa na ako ngayon. Jusko po ilang taon na ba itong kausap ko?
“Ilang taon kanaba?”
“16 po”
“Ang bata mo pa pala talaga. Pag dating mo sa edad na 25 pataas mapapaisip ka na naring may bolyfriend. Pero sa ngayon ok lang yan mag-aral ka na muna”, nakangiti kong sambit.
“Oh sige ate mauna na ako taga diyan lang kasi ako. Umupo lang ako para mag pahinga ng konti. Dami ko pa po kasing gagawin”
Nag lakad na siya papasok dun sa eskinita.
Sana naman mag karoon ng social life yung batang yun. Masyadong adik sa panonood ng anime eh.“Huy nandito ka parin?”, laking gulat ko ng tumambad saakin ang mukha ni Irene.
“Ay oo may inaantay pa kasi ako. Andami ko na ngang naka kwentuhan eh”, ngumiti naman ako ng kaunti.
“Hala kanina ka pa rito. Nakabili na ako ng mga damit oh tas ikaw andito pa. Gabi na sino ba yang inaantay mo?”, halatang halata sa tono ng pananalita niya ang pag-aalala.
“Ah boyfriend ko”
“May boyfriend ka pala? Akala ko wala? Panay ka shared post sa facebook eh”,
“Hindi ba pwedeng mag share kapag may boyfriend?”
“Hindi sa sobra kasing dami ng shared posts mo halatang wala kang kachat!”
“Grabe to! Pwede bang tamad lang yun mag type?”, natatawa kong tugon.
“Maiba lang ha? Bakit naman ang tagal niya. Nako bakuran mo yan baka may iba nayan”, pabiro niya namang tugon.
“Sana nga napunta nalang siya sa iba. Mas gusto ko yung masaya siya sa ibang babae, kahit hindi na saakin. Cause it’s better for the both of us”
“Ano? Di ko gets. Loading pa utak ko”, natatawa nanaman niyang tugon.
“You know why Im still here? Im waiting for him to pick me up. Still waiting for him to fulfill the promise he made a year ago. He texted me not to leave. And I did”
“What happened to him?”
“He died in a car crash”
BINABASA MO ANG
Mixtape of Lullabies
Short StoryThis is a mixtape full of pain from different stories that could make your body weak and will you down in the ground full of shattered heart of glasses. Tales that will tell you about different kind of tears from the different love stories with diff...