Nagising ako sa mahimbing na pagkakatulog nang marinig ko ang ingay na nagmuula sa aking ulunan. Hirap kong hinanap ang alarm clock mula sa istante saka ito isinara.Nanatiling nakasara ang mata ko habang diramdam ang malamig na simoy ng hangin. Nalalapit na pala ang kapaskuhan.
Pero hindi ko dapat makalimutan kung ano ang dapat kong gawin sa araw na ito. Kailangan ko ng magdesisyon dahil hindi lang ako ang mahihirapan dito. Kailangan kong isipin ang kapakanan ng iba. s
Pero alam kong ‘di na magbabago ang desisyon ko. Alam kong mahirap tanggapin na kailangan ko siyang mapunta sa iba pero ganun talaga ang nais ni tadhana. Pinagtagpo ngunit hindi tinadhana.
Alam kong mababalewala ang limang taon at tatlong buwan na pinagsamahan namin pero alam kong sasaya ako kapag nakita ko siyang masaya sa taong iyon. Sapat na para sa akin na makita ko silang masaya at sama-sama. Alam kong tama ang desisyon ko.
Tumayo na ako sa kama at tumingin sa salamin. Tinignan ko ang sarili ko. Ngumiti ako at nagsabi, “Kaya ko ‘to!”
Nag-ayos na ako ng sarili ko. Nasabihan ko naman na siya kagabi pa na kailangan naming mag-usap. Hindi ko na ito papabutin pa ng isang araw.
Napatingin ako sa kalendaryo bago lumabas ng kuwarto.
August 4, 2019
Ilang araw na lang pala ay dapat maglilimang taon at apat na buwan na kami. Lahat ng what if’s ay wala na. Lahat ay magsisilbi na lamang alaala. Dahil ngayong araw na ‘to, masasabi ko na lang na naging kami pero dati.
Iiwan ko na siya. Mas sasaya ako kung magagampanan niya ang kaniyang pagiging ama sa kaniyang magiging pamilya. Hindi sa akin, ngunit sa aking kambal. Hindi kasi halata na kambal kami dahil hindi naman kami identical twins. Marahil nakikita niya ako sa kakambal ko. Hindi ko alam ang takbo ng isip niya pero kailangan kong maging masaya para sa kanila. Gagawin ko ito para sa magiging pamangkin ko.
Isang oras ang nakalipas ay nakarating ako sa lugar na napag-usapan namin. Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat at ngayon, ang lugar kung saan magtatapos ang lahat.
Malayo pa lang ay tanaw na mula sa aking inuupuan ang isang lalaki. Napangiti ako. Dito rin sa lugar na ito una ko siyang nakita. Agaw pansin ang kaniyang itsura. Masasabi kong siya ang tumupad sa isang ideal man na gusto ko. Mula sa kaniyang buhok na akala mo’y hindi inaayos dahil sa pagiging kulot nito, mahabang pilik mata, matangos na ilong, mapupulang labi, maging panga niya na talaga namang mapapatitig sa pagigting nito. Idagdag mo pa ang matipuno niyang katawan na sakto sa kaniyang katangkaran. Ito ang taong minahal ako, at mamahalin ko hanggang dulo.
"Marga, pasensiya na at natagalan ako. Alam mo naman traffic pa rin sa EDSA."
Traffic. As usual. Alam kong yan ang sasabihin niya. Hindi niya alam ay alam kong nanggaling siya sa condo ng kakambal ko. Alam kong doon siya natulog para bantayan ang kakambal ko dahil sa balak niyang ipapalaglag ito. Bakit?
Iyak siya ng iyak mula ng mlaman niyang buntis siya. Bukod sa hindi pa niya nasasabi sa magulang namin dahil hindi niya alam kung paano sasabihin na ayaw siyang pananagutan ni Kiel na siyang nobyo ko ngayon.
"Wala iyon. Kakarating ko lang rin naman dahil nasiraan yung taxi na sinakyan ko.” palusot ko.
Kanina pa talaga ako rito. Halos gusto ko na ngang umalis dahil sa bawat sulok ng lugar na ito ay puno ng masasayang alaala namin ni Kiel.
"Kiel?" wika ko. Mabuti na lang ay nakuha ko kaagad ang atensiyon niya.
"Bakit? Gutom ka na ba? Halika doon sa tindahan ni Manang Sky kumain na muna tayo." ani nito. Halata sa kaniyang mukha ang pagod at pag-aalala. Mamimiss ko ang mukhang ito. Alam ko na sa mga sandaling ito ay nakakahalata na siya na may bumabagabag sa akin.
BINABASA MO ANG
Mixtape of Lullabies
Short StoryThis is a mixtape full of pain from different stories that could make your body weak and will you down in the ground full of shattered heart of glasses. Tales that will tell you about different kind of tears from the different love stories with diff...