"Nandito na tayo."
Agad na napadilat ng mata si Tyson ng marinig ang boses ng kaniyang ina.
"Ma, ilang araw ba tayo dito?"
Bakas sa boses ng binata ang pagkabagot. Pinandilatan naman siya ng kaniyang ina.
"Tyson ah, kararating palang natin tapus gusto mo nang umuwi. Nak, mag eenjoy ka rito promise."
Huminga na lamang siya ng malalim saka tinulungan ang kaniyang ina sa pagbubuhat ng mga gamit.
Nasa isang beach house sila at pansamantalang mamamalagi sa loob ng isang linggo.
"Mas mabuti na ring nandito ka Tyson. Para naman ma relax ang utak mo. Subsob ka parati sa pag aaral." Turan ng kaniyang ama.
Walang duda, si Tyson ay isang klase ng binata na priority ang pag-aaral kaysa sa anumang bagay. He's a fourth year college student.
"Mas okay sa'kin kung iniwan niyo nalang ako sa bahay."
Nagkatinginan ang mag-asawa sa binitawang salita ni Tyson at di nalang nagsalita dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan.
*FIRST DAY*
Lumabas ang binata upang alisin ang inis na nadarama. Unang araw pa lang pero gusto na niyang bumalik sa bahay nila.
"Ano namang gagawin ko sa lugar na puro tubig at buhangin?"
Kumuha siya ng maliliit na bato at saka ito inihagis sa dagat.
"Okay ka lang?"
Isang dalaga ang sumulpot sa tabi ni Tyson, dahilan upang mapalingon siya.
"Do i look like I'm okay?"
Tumaas lamang ang kilay ng dalaga.
Sa isip nito'y masyadong masungit ang binata."Tinatanong lang naman kita. Masyado kang masungit."
Tiningnan naman ito ni Tyson mula ulo hanggang paa.
"Stay away."
Mariin at malamig na tugon nito saka humakbang papalayo.
"Sandali!"
Pagpipigil ng dalaga sa binata ngunit di manlang ito sumulyap kahit konti.
"Hoy! Sandali lang"
Mabilis na tumakbo ang dalaga papunta sa papalayong si Tyson. Nang maabutan niya ito'y agad niyang hinigit ang damit nito sanhi upang mapalingon ang binata.
"Damn! What do you want young lady?"
May pagkairita na sa boses ni Tyson, napayuko ang dalaga sa tinuran nito.
"A-Ang sungit mo!"
At saka nagtatakbo palayo ang dalaga.
*SECOND DAY*
"Tyson, aalis muna kami ng daddy mo. Gonna buy some foods. Do you want to come with us?"
"No."
Malamig na tugon ni Tyson sa kaniyang ina.
"Well then, mag iingat ka nalang dito."
At saka siya nito binigyan ng matamis na halik sa pisngi.
Nang maka-alis ang kaniyang mga magulang ay agad naman itong napasigaw.
"Arrgghhhhhhh! Ano bang klaseng lugar 'to? Wala na ngang kwenta. Wala pang signal!"
Inis na tinapon niya ang kaniyang phone sa kama at saka lumabas.
"H-Hi"
Ang boses na yun? Lumingon ang binata upang kompirmahin ang kaniyang hinala at tama nga siya.
BINABASA MO ANG
Mixtape of Lullabies
Short StoryThis is a mixtape full of pain from different stories that could make your body weak and will you down in the ground full of shattered heart of glasses. Tales that will tell you about different kind of tears from the different love stories with diff...