Let me tell you a story, isang storya na hindi ko inaasahang mangyayari sa buhay ko. My childhood story.Nagsimula 'yan sa isang simpleng paglabas ko sa bahay. Marami nang nangyari sa araw na 'yun. Basta, ike-kwento ko na lang.
"Ate Jari! Tara, maglalaro sa labas?" pag-aakit sa akin ni San, ang kapatid kong babae.
Hapon na at hindi na ganoon kainit sa labas, kaya ang kabataan na tulad ko ay gustong-gusto na maglaro sa labas.
Dumungaw ako sa bintana namin at nakitang maraming bata ang naglalaro sa tapat ng bahay namin. May mga nagpi-piko, may nagjo-jolens, may nagpa-patintero, may nagsi-sipa, may naghahabulan, may nagtu-tumbang preso.
Nakita ko ang mga mukha nilang, masaya. Masaya, na akala mo walang iintindihing mga pagsusulit bukas. Masaya, na isang simpleng kabataan na walang ginawa kindi maglaro at sulitin ang araw ng kanyang pagkabata, bago pa kami lumaki at maging abala sa lahat ng bagay.
"Ate Jari? Tara na! Iniintay na ako ng mga kalaro ko!" tawag muli ni San.
"Mauna ka na, bunso. Susunod ako," ani ko.
Bilisang bumaba ang kapatid ko dala ang kanyang jackstone. Mukhang laro na laro na siya. Pero, ayos lang. Sa edad niyang walo ay karapatan niyang makapag-saya at makapaglaro sa labas—hindi tulad ko.
Labindalawang taong gulang na ako at isang taon na lang, teenager na ako. Hindi ko man lang na-enjoy ang kabataan ko. Ang tanging ginagawa ko lang ay maglro ng manika, magluto-lutuan sa loob ng bahay at maglaro sa tablet, kumbaga wala akong childhood.
Isang taon. Isang taon na lang ang pagkakataon kong magsaya sa pagkabata. High school na ako sa susunod na taon, pero parang ayoko pa. Gusto ko maranasang maglaro sa labas, at magtampisaw sa araw na parang ordinaryong bata na masaya lang.
Napagisip-isipan ko na bumaba at lumabas. Minsan lang ako lumabas, kaya susulitin ko na ito. Hindi ko rin masyadong kilala ang mga kalaro ni San sa labas, kaya makikihalubilo ako.
"Ma! Labas lang ako. Kasama ko si San, maglalaro!" ani ko kay Mama.
"Sige anak, mag-ingat ka," paalala sa akin ni Mama.
Tuluyan na akong lumabas sa gate ng bahay namin. Bumungad sa akin si San na nakangiting-nakangiti habang nakikipaglaro ng tumbang preso. May tatlo siyang kasama, dalawang babae at isang lalaki. Si San ay tawang-tawa habang ibabato na nung lalaki ang tsinelas niya papunta sa bote.
Lumingon si San sa direksyon ko, kumaway siya sa'kin at sumenyas ng, "Halika, ate!" at dahil doon, lumapit ako sa kanila. Napatigil sila dahil sa paglapit ko at kumaway sa akin ang mga kalaro ni San.
"Kilala n'yo pa siya? Si Ate Jari nga pala," pagpapakilala ni San sa akin.
"Hi, Ate Jari! Namiss kita. Bakit ngayon ka lang po ulit lumabas?" ani ng isang babaeng namu-mukhaan ko.
BINABASA MO ANG
Mixtape of Lullabies
Short StoryThis is a mixtape full of pain from different stories that could make your body weak and will you down in the ground full of shattered heart of glasses. Tales that will tell you about different kind of tears from the different love stories with diff...