TO SAVE A SELENOPHILE By: Uno Archer

81 6 2
                                    

Noong 19 years old ako, I have this girlfriend who loves to stare and even talk to the moon. One time, sabi sa akin ang komportable at nakaka-satisfy raw 'yong pag-tingin doon.

Simula raw kasi noong bata pa siya, wala siyang ibang kasama maglakad papasok ng subdivision nila, kung kaya't para hindi siya matakot maglakad ng mag isa sa daan, tumitingin siya sa buwan. And surprisingly, she honestly feel comfortable when she imagines that, that moon is guiding her while she was walking on her way home.

Selenophile. She was a selenophile.

Iyan ay noong nabasa ko at doon ko nalaman kung ano ba itong uri trait niya. And there it is. Selenophile is a type of person who loves the moon. Hmm, siguro nga ganu'n siya.

When we finally have our Anniversary, I designed her room a moon theme and even sang a song for her when she finally entered.

Napaiyak ko pa nga siya noon, e. Kita ko ang saya sa mga mukha niya. From which she couldn't even contain it, so she kissed me.

That was our first kiss.

Kahit na isang taon na kami, hindi niya ako nakukuhang halikan o kahit ako, hindi ko siya hinahalilkan. Aminado kami na naghahawak kamay kami kapag naglalakad sa daan, hinahalikan ko siya sa noo, at pisngi, pero hinding hindi ko pa siya nahahalikan. Because during that time, we are serving that thing for our wedding. Pero wala e, may mga bagay talagang nangyayari na hindi naaayon sa plano.

Sobrang saya ko no'n.

Namin.

Pero...

Hanggang saan kaya?

Hanggang dulo na kaya?

Siya na kaya?

---

"Nazz, ingat ka sa pag uwi ha?" Malambing na sambit ko habang katawagan ko siya sa cellphone.

Pauwi na kasi siya, at galing siya sa school nila. Habang ako, nasa bahay ng kaibigan kong si Ismael dahil nagaaya na mag inom. Hindi naman ako maka-hindi noong oras na 'yon dahil pakiramdam niya raw ay kay Nazzy nalang nakatuon ang pansin ko. Which was kinda true. Girlfriend ko e.

Nagpaalam ako kay Nazzy at pumayag siya no'n. I know she will allow me to go, because she's been an understanding girlfriend all the time. Ang kaso lang, hindi rin ako mapalagay na mag isa lang siyang uuwi.

"Opo." Mahinahong sagot niya.

"Saan kana?"

"Papasok na ako ng subdivision, Noah. 'Wag kang mag alala," she chuckled, "Mag-enjoy kayo diyan ni Ismael, okay?"

Huwag mag alala? P'wede ba 'yon?

I sighed, "Sige, pero update mo ako kung nakauwi kana ha? Maglalakad ka pa papasok, mamaya may loko loko diyan habang naglalalakad ka."

"O.A. naman neto! Hindi 'yan. Sa tagal na namin dito." She laughed.

"Kahit na!" Naiiritang sambit ko.

"Oo na, mag-iingat na."

Napangiti ako, "Good, good."

"Noah. P'wede baba ko na muna 'to? Text nalang kita kapag nakauwi na ako." She suggested.

"Bakit? P'wede ka naman maglakad habang ka-tawagan ako." I pouted, literally.

Ang childish ko talaga.

Pero wala e. May pakiramdam lang akong hindi tama noong oras na iyon dahil hindi ko siya naihatid pauwi. Because I really think that as her boyfriend, it's one of my responsibilities.

Mixtape of Lullabies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon