When The Time Comes by Penny Valentina

51 1 0
                                    

Pain is inevitable. Talagang lahat ng tao ay nakakaranas nito. Hindi natin alam kung kailan, saan, at kung sino ang magiging dahilan ng sakit na nararanasan natin. In the end, we just need to move on and continue living.

Kung tatanungin ako kung ano ang pinakamasakit na nangyari sa akin? Iyon ay nang mamatay ang asawa ko. Tatlong taon palang kaming kasal noon. We got married when I was 21, and he was 22. Ngayon ay 29 na ako.

Malapit nang mawala ang edad sa kalendaryo.

Naudlot ang pagmumuni-muni ko nang makita na naman siya. Umiwas ako ng tingin at nagpanggap na may binabasa.

"Good evening, officer." Nakangiting bati sa akin ng binatilyong nasa aking harapan.

I gritted my teeth. Ilang beses ko na siyang sinabihan na huwag akong kulitin!

"Shouldn't you be studying instead of coming here?" I fired at him. He was a college student for Pete's sake and instead of studying, he comes here often with his motorbike bringing some flowers.

"Well, yeah. But I needed the inspiration. I'll be leaving." Ngumiti ito at nilapag sa aking harapan ang bulaklak.

Ako nama'y iniisip kung saang vase ko nanaman ilalagay itong bulaklak na bigay niya. Balak pa ata gawing flower shop ang bahay ko. Bumuntong-hininga ako.

Ngunit bago pa man makaalis, bumalik siya at sinalubong ako ng kulay abong mga mata. "Are you on patrol tonight?"

Walang emosyon ang aking mukhang tiningnan siya. "As always. Now, go." Taboy ko rito.

I saw his jaw hardened with my statement. "It's dangerous."

I rolled my eyes. "I'm a police, what do you expect? Now go, kid."

"Don't call me that." Nakakunot na ang noo nito at halata ang frustration sa mukha. Kalaunan ay tumango at ngumiti. "Be careful..."

Nang makaalis siya ay hinilot ko ang sentido.

"Lakas talaga ng tama sayo no'n, Geuvarra." Tukso sa akin ni Jackson.

"Shut up. Papasa na nga akong auntie niya. 8 years ang agwat namin sa isa't-isa!" I said a matter of fact.

"Age is just a number, friend. Saka graduating na siya. Mabubuhay ka na niya." Humalakhak ito at inabot sa akin ang tasa na may kape.

"Tarantado. Anong kayang buhayin?" Ininom ko ang kape at kinuha ang handheld transceiver at lumabas na para mag-patrol. It's almost 10 p.m.

Kasama ko si Jackson na ngayon ay tinatawanan pa rin ako. Magkakaroon agad ako ng wrinkles sa sobrang stress dito eh.

Kasalukuyan kaming nagpa-patrol nang may makitang tatlong lalaki at pinapalibutan ang isang babae na sa tingin ko ay high school pa lamang dahil sa suot na uniporme. But seriously, mag-a-alas diyes na, bakit ngayon pa umuuwi ang mga estudyante?

Tinigil ni Jackson ang sasakyan at pumito ako at agad lumabas. This jerks harassing girls have no right to live! Nang makita akong papalapit ay nag-unahan ang mga itong tumakbo. Aba, dapat lang. Kung hindi'y babaliin ko ang buto nila isa-isa at gagawin kong bulalo!

Mangiyak-ngiyak akong tiningnan noong babae at tumakbo papalapit sa akin. "S-Salamat po!"

Tumango ako at luminga-luminga upang tingnan kung nasa paligid pa ba iyong mga lalaki ngunit wala na.

"Anong oras na, bata bakit ngayon ka lang umuwi?"

"Natagalan po kasi kami ng practice para sa school play namin tapos wala na akong makitang tricycle.. iyong kuya ko po hindi ko matawagan kaya naglakad ako. Malapit-lapit lang na naman po 'yung bahay namin mula rito..."

Mixtape of Lullabies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon