Chapter Two

2.4K 41 0
                                    

Yung unang semester sa kursong Accountancy, nasa 32 units yung subjects ko. Uo nga pala originally, Journalism yung gusto kong kurso. Hindi ako natuloy sa UP para sa kursong yun. Since sa province ako lumaki, ayaw pumayag ng mga parents ko na sa Manila ako mag kolehiyo. Kesyo madami daw masasamang tao sa Maynila. Babae ako mas delikado sa akin ang lugar na yun. Base sa mga napapanuod nila sa news sa telebisyon naging judgemental tuloy sila sa lugar ng Maynila. Lalo pa at pag nag-aral pa ako dun, kailangan na tumira ako malapit sa Unibersidad. Sobrang nalungkot ako sa bagay na yun. Pero mas nanaig yung pagiging masunurin kong anak. Alam kong mas batid ng mga magulang ang makabubuti para sa kanilang mga anak.

So here it is, ang feelingerang magaling na estudyante ng Accountancy. Nag enroll nga ako sa isang community college sa probinsya namin. At sa awa ng Diyos, kabilang ako sa nabigyan ng academic scholarship sa kolehiyo. Pressured, kasi may maintaining grades na kailangan mong ma-achieve. And since I am confidently beautiful with a heart and brain, yakang-yaka kong ipasa lahat ng subjects. (Feeling ko lang yun)

Nagkaroon ako ng mga bagong kakilala, mga naging tropa most of them are guys. Dun ko narealise mas okay palang tropa yung mga lalaki. Feeling mu safe ka lagi pag kasama mu sila. Feeling ko nga tomboy ako nung mga panahon na yun eh.

Hindi ako marunong mag-ayos. Since wala pa kaming school uniform laging civilian ang suot namin. I preferred to wear loose shirts and pants. I feel comfortable sa ganung outfit. Bago pumasok sa school enough na yung nakasuklay ako ng hair at konting powder sa face. Hindi pa uso noon yung liptint so lip balm pa gamit ko. After a bath naglulotion naman ako then moisturizer sa face. Thank you sa genes ng parents ko dahil takot ang mga pimples sa face ko. No need to wear concealer para itago ang mga blemishes sa skin ng face.

Hindi rin naman ako kagandahan, kaya wala din akong boyfriend. Siguro sa tantiya ko mga tatlo lang yata nagka crush sa akin. Yung una sa elementary, grade three ako nun may nagbigay ng love letter. Siyempre inosente pa ko takot ako mag entertain at siyempre takot ako kay tatay at nanay. So snobbed ang peg ni boylet. But infairness naman after many years nagkita kami sa church nung guy. OMG! Ang cute niya na. Kaso di niya na ko pinapansin. I don't care though.

Noong high school may nagka crush sa akin, kaso mukha siyang adik eh. (sorry for the word and being judgemental)  yun kasi talaga itsura niya. Eew! Kala mu kagandahan ako makapag inarte wagas. Ayaw ko lang kasi talaga mag boyfriend pa ganun yun. Sadyang meron akong standard duh!

Balik tayo sa college, sa circle of friends ko na mga guys meron may crush sa akin, kaso kumplikado siya. Mabait naman siya, gwapo, hawig niya yung character na lalaki sa mga korean nobela. Madami ring may gusto sa kaniya na girls. Yung iba nga nagpapa pansin pa, kaso ako lang yung pinapansin niya.. Ayieehh! Mejo kinikilig ako pero ayaw ko sa kaniya. Di ko alam kung ano nagustuhan nun sa akin. Pero sabi niya attracted siya sa character ko. Matalino, mabait, maganda, at tingin niya napaka perfect ko na. Tingin niya lang yun, siguro malabo na mga mata niya.
Tinapat ko naman siya na we're just friends. Hanggang dun lang yun. Ang haba ng hair ko noh, kahit shoulder length lang naman ang measurement nito.
Sa mga tropa, meron kasi talaga akong crush. Kaso may girlfriend na siya. Tropa din namin mas maganda yun sa akin. Kaya yung beauty ko taob. Muse yun ng Education Department. Actually, kinukuha din akong muse ng Accounting Department kaso wala akong guts. May confidence man ako, kaso ayaw ko talaga. Wala akong talent. Parehong kaliwa yung mga paa ko. Mahilig man akong kumanta kaso walang hilig yung kanta sa akin. Mas preferred ko pa ring mag join na lang sa mga academics activities.
Pag may mga quiz bee, spelling bee, writing contest, school press conference asahan mo lagi akong kabilang diyan. Hindi ko man nakukuha yung mga unang pwesto pero hindi naman ako umuuwi ng luhaan.

Beauty contest? Well, gusto ko talagang maging contender ng Binibining Pilipinas kaso dahil nga wala akong guts, kaya hindi ako sumasali. One time, may invitation sa akin para sumali sa Bikini Bodies. OMG! You must have to wear bikinis during and all through out the pageant. I said no! Strict and conservative ang parents ko. Sorry. Pero deep inside sayang yung chance na yun para sa pangarap kong maging beauty queen. But it's okay anyway. I know may mas magandang plan si God for me.
Balik tayo sa studies ko, inspired akong pumasok everyday. Kasi hilig ko talagang mag-aral. School-bahay, bahay-school. Yan lang yung routine ko. At dahil na rin siguro sa crush ko na classmate ko. Pag may class reporting at nasa harapan ako na nagsasalita, yung mga mata ko sa kaniya lang nakatutok ang tingin. Masyado akong halata, pero okay lang. Medyo close kami ni Ryan. Crush ko siya kasi ang galing niyang tumugtog ng gitara. Ang ganda ng boses niya. Physically, siya yung tipo ng lalaki na tall, dark and handsome. Meron siyang singkit na mga mata. Matangos na ilong at pag ngumingiti siya lumalabas yung mga pantay niyang mga ngipin at yung maliliit niyang mga dimples sa gilid ng maganda niyang labi. Gosh! He's perfect for me.
Pero hindi siya para sa akin, kasi nga may girlfriend na siya. Okay lang friends lang kami. Enough na yung magforward siya ng quotes sa akin. At yung mga jokes na messages na sinisend niya sa akin, sapat na yun para maging masaya ako. Kahit hindi siya sa akin. Huhuhuhu!

~~~~

ANG PROFESSOR KONG POGI (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon