Chapter Seven

987 21 0
                                    

Monday yun, first day ng Final examination namin. Maaga kong pumasok, as usual kung may award na most punctual akin na yung award na yun. Never akong nalate sa klase. Nakakahiya kasing pagtinginan ka kapag late kang pumasok sa classroom. Malapit lang din naman yung bahay namin sa school. One ride lang sa jeep tapos pagbaba yun school na namin.

Pagpasok ko ng gate after inspection, dahan-dahan lang yung lakad ko. Tutal maaga pa naman, pwede pa magpa bebe ng lakad. Actually, di naman talaga ko pabebe lumakad. Siga nga ko lumakad, yung tipong akala mo laging may susugurin na kaaway. Pero hindi ako palaaway. Ni minsan hindi ako napaaway sa school. Hindi ko keri makipag away yung pisikalan tulad ng sabunutan at sapakan. Sabi kasi ni nanay masamang nakikipag away. Dahil masunurin ako, hindi ako nakikipagaway.

May sumabay sa paglakad ko, sa tantiya ko mga dalawang dangkal yung pagitan ng layo ng mga balikat namin.

"Good morning! "

A familiar voice greeted me. Pagtingin ko sa gawing kaliwa si profpogi pala. Feeling ko nag blush na naman ako pagkakita ko sa kaniya. Parang sinisilihan yung mga tainga ko. OMG!

"Good morning sir! "

My greetings with a smile kahit nahihiya ako.

"Good luck sa exam. " He said.

"Thanks po. " I said

"Mauna na ko. "

Paalam niya. Since ilang hakbang na lang admin office na.

"Sige po sir. " Sabay taas ng kanang kamay ko to say bye.

Ang gwapo niya pa rin kahit nakatalikod siya. Lalaking lalaki yung dating niya. Parang ang sarap ng feeling kapag yayakapin ka ng mga bisig niya. Yung tipong kapag kasama mo siya safe ka. Yung parang lahat ng kaya mong ipagkaloob na naisin niya hindi ka magdadalawang isip na ipagkaloob yun sa kaniya.
Yung kapag hawak niya na yung mga kamay mo ayaw mo nang bumitiw pa. Hayst! I crush you talaga profpogi.

"Hoy! "

Sigaw ng close friend ko na si Hazel na may kasamang malakas na tapik sa balikat ko.

"Badtrip ka talaga! Maka hampas ka wagas!" Sabay irap ko sa kaniya.

"Kung makatitig ka kasi kay Sir Marvin kulang na lang matunaw siya." Nagdiday dreaming kana naman jan."  Pang aasar niya.

"Shhh! Wag ka nga maingay diyan. Bruha ka talaga. Marinig ka ng ibang tao diyan." Sabi ko na naiinis.

"Alam mong bawal ang student at teacher affair baka mapa talsik kami dito sa school. " Paliwanag ko pa.

"Wow! Student-teacher affair?! Bakit, may relasyon kayo? Huwag ka ngang assuming diyan. Feelingerang frog ka gurl!" Pang-aasar niya.

Uo nga pala nag jump na ko agad sa puntong affair-affair na yan. Bigla tuloy akong nahiya, hindi sa friend ko kundi sa sarili ko mismo. Seventeen years old pa lang ako, lumalandi na ko. Yari ako nito pag nalaman ng magulang ko.

"Masama bang mangarap na kami? " Sabi ko sa kaniya.

"Hindi naman masamang mangarap, huwag ka lang magpahalata diyan at huwag din assuming pag may time. " Salita ni Hazel na pinangangaralan na ako.

Tumawa na lang ako na kinikilig pa rin. At nag high five kaming dalawa na tila nagkasundo yung mga laman na kalokohan sa mga utak namin. Sabay nagtawanan na lang kami hanggang makarating sa classroom.

~~~~~

ANG PROFESSOR KONG POGI (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon