Chapter One

4.2K 69 0
                                    

Ako nga pala si Angela De Jesus, freshmen student sa isang community College. I'm taking up Bachelor of Science in Accountancy major in Accounting. Pangarap ko talagang makapag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas noong highschool pa lang ako. Kaya minabuti kong hindi mawala sa honor rolls. Gusto ko lagi akong nasa top 10. Ayokong nahuhuli sa klase. Gusto ko proud sila nanay at tatay.
Sa biyaya ng Diyos, nakapagtapos ako nang may karangalan sa aking alma mater noong highschool. Isa ako sa nabigyan ng pagkakataon para makapag exam sa UPCAT.
BS Journalism talaga yung gusto kong kurso. At dahil yun ang course na gusto ko, ayun ang itinala ko sa application form ng UPCAT.
Elementary pa lang ako love ko na talagang sumulat ng kung anu-ano. Mahilig din ako mag drawing. Pero mas mahilig talaga akong magsulat. Hehe...
Mula elementary hanggang kolehiyo member ako ng school publication. At siyempre ang award na "Writer's of the Year" hindi nawawala sa mga karangalang inuuwi ko sa bahay.

Balik tayo sa pagiging kolehiyo ko. Sabi ng marami ang high school ang pinaka masaya sa lahat ng stages ng pag-aaral. Pero para sa akin mas masaya ang kolehiyo...

Taong 2003 buwan ng Oktubre nang mag enroll ako sa kolehiyo. Irregular student ako Octoberian din. So dahil irregular student ako, wala akong specific na room. Sa isang block iba't-ibang studyante na may iba't-ibang kurso ang magkakasama. Hindi naman naging hadlang para hindi kami magkasundo. Kahit iba't-ibang kurso ang napili namin, may mga subjects naman na pare-parehas na pre-requisite unit at kailangang maipasa.
Mga kursong BS Accountancy, BS Management, BEED, BSED, AB social Science, ComSec, ComTech at hindi ko na natanong yung iba kong classmate kung anong mga kurso nila. Basta halo-halo kami.

Masaya! Para sa akin, yan yung salitang maglalarawan sa college days ko. Sabi nila pag nasa college kana you'll learn how to become an independent student. Your performance in class will reflect on your grades. And ofcourse, individually ikaw mismo ang gagawa ng future mu sa college. Hindi tulad ng highschool na pwede ka pang maglaro-laro lang. Most of the activities are groupings. Ang marka ng grupo ay marka ng bawa't-isa.
Well, in college most of the activities are individual. So you must learn how to do it on your own. Self studies, self review, self performance at lahat na lang ng self. It seems like you'll become selfless. Mabuti na lang di pa uso nun ung mga android phone, kaya walang selfie...

~~~~~

ANG PROFESSOR KONG POGI (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon