Chapter Sixteen

891 17 0
                                    

" 1 message received"

Ten minutes before twelve noon may nareceived akong message. Marvin yung nagregister na name. So, i guess si profpogi yun siya lang naman ang Marvin na kilala ko. At sinave niya nga pala yung number niya sa cp ko kaninang morning.

And it says...

"Hi my Angel, please eat your meal well. Gusto ko sanang sabay tayo mag lunch kaya lang may tatapusin kasi akong pinapa rush sa akin ni Dean. See you later sa class. Please take care of yourself for me."

"Oh my! My Angel talaga?" nasabi ko sa sarili ko.
Tila naghahabulang mga daga yung kaba ng dibdib ko. Seryoso ba talaga siya sa feelings niya? Mygad! I can't believe this. Parang ang bilis kasi ng mga pangyayari. Baka paglaruan niya lang ako pag sineryoso ko siya.
Masyado pa akong bata para makipag relasyon. Although may mga classmates naman ako before sa highschool na may mga boyfriend and girlfriend. Mas bata pa nga yun kung tutuusin. Pero kasi, paano ko ihahandle yung situation. I have no any idea about being in a relationships.

May mga nababasa naman akong mga romance novels. Fiction stories, meaning hindi totoo. Kung hindi totoo yung mga pangyayari doon at kathang isip lang ng mga writers, paano ko iaapply sa totoong buhay?

Naguguluhan pa rin ako, pero sa kabila ng pagkalito ko so much happiness yung nararamdaman ko. Ang saya-saya ko Lord! I love you talaga kasi gusto rin ako ng taong mahal ko.

Pinagiisipan ko kung anong irireply ko sa text niya. Baka kasi hindi ko na naman mapigilan yung sarili ko at kung ano pa ang masabi ko.

"Yes sir, kumain ka rin ng marami. See you later. Ingat po."

Wala na akong maisip na pwedeng ireply sa kaniya. Okay na rin yung simple. Para huwag magkamali sa sasabihin.

Nagreply pa nga ulit...

"Sure my Angel. Can't wait to see you. I miss you."

He's so sweet, sobra niya kong pinapakilig kahit sa text niya lang. Parang ang tagal na naming magkakilala. Kahit noong unang paguusap namin sa bench sa ilalim ng punong mangga, palagay ang loob ko na kausapin siya. Although, nahihiya ako kapag nandiyan siya. But this won't made me having trouble to talk to him.

Hindi na lang ako nag reply sa last text niya. Baka isipin niya pang patay na patay ako sa kaniya. "Kahit yun ang totoo" bulong ng puso ko.

Magpapakipot muna ako. Akala niya ha, ligawan niya muna ko. Kailangan niya kong haranahin pag aakyat siya ng ligaw sa bahay namin. Kailangan niya munang magpaalam sa mga magulang ko kung manliligaw siya. Pero sa tingin ko hindi papayag sila nanay ko na magpaligaw ako. Papagalitan pa ako nun. Bawal pa akong mag boyfriend at kailangan ko muna magtapos ng pag-aaral.

Naglunch na kami nila Hazel then after kumain, nagpunta kami ng cr para mag retouch. Nagtoothbrush muna ko bago naglagay ng powder at manipis na lipstick. Kahit naman hindi ako maglagay ng make up, sabi ng nanay ko maganda ako. Sa nanay ko lang ako naniniwala.
Kahit sinasabi din ng iba na maganda ako, dahil sa hindi naman ako nagagandahan sa sarili ko, kaya hindi ako naniniwala sa kanila.

Excited na ako sa klase ni profpogi, isang klase muna bago pa ang subject niya. Pero mabilis lang ang oras, kasing bilis ng pagtatapat ni profpogi ng damdamin niya sa akin kaninang umaga. Nangingiti ako habang iniisip ko yung pangyayari na yun.

"Hoy!" Sabi ni Hazel sabay tapik sa balikat ko.

"Aray! Pasaway ka grabe ka makapalo diyan. Bakit ba?" Sabi ko.

"Nananaginip ka na naman ng gising diyan. Pangiti-ngiti ka pa diyan. Ano bang iniisip mo? Baka gusto mong ishare?" Sunod-sunod na sabi ni Hazel.

"Uhm... Sikretong malupit walang clue." Sabi kong nakangiti at tila kinikilig.

ANG PROFESSOR KONG POGI (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon