Chapter Fifteen

826 20 4
                                    

Sadyang mabilis ang panahon, araw na ng prelimenary namin. Alas siyete pa lang ng umaga nasa school na ako. Gaya nang nakagawian, sa school ako nagrireview ng mga notes para fresh pa sa memory.

Sa canteen ako tumambay, maaga naman sila nagbubukas. Pagpasok ko sa loob, nginitian na ako ng mga ate.

"Ang aga ni Angel ah." Sabi ng isang ate.

"Sadyang inagaahan ko po para makapag review ng notes." Sabi ko sa kaniya.

Nag breakfast naman na ako sa bahay bago umalis. Pero para hindi nakakahiya, umorder na lang ako ng isang club house sandwich at bottled water.

Babayaran ko na sana yung inorder ko nang biglang...

"Ako na magbabayad ng inorder niya. Pa order na rin ng one cup of coffee and isang order na tapsilog."
Wika ng isang pamilyar at ang sarap sa pandinig na boses. Si profpogi!

Infairness ang aga nitong mokong na to, ano kayang meron.

"Good morning sir! Sure ka, charge sa'yo sir?" "Hindi ba nakakahiya?" Tanong ko na naninigurado.

"Good morning! Sure na sure."

Sagot niyang sure na sure nga. Ngumiti na lang ako at nag pasalamat.
Nauna na akong umupo sa table. Hindi ko alam kung doon din siya sa table na pinili ko uupo. Pero sana doon din siya umupo. Kaso paano ako makakapag review nito. Mawawala ako sa concentration kung may gwapong nasa harapan ko.

Pang dalawahan yung pinili kong table, sa dati kong pinupwestohan malapit sa counter.

"Pwedeng maki share ng table?" Tanong ng profpogi na kasunod ko na pala.

"Sige po, makakatanggi ba ako sa nanlibre ng snacks ko?" Pabiro kong sabi.

Tumawa lang siya ng bahagya. Kahit yung munting pagtawa na yun, parang musika sa pandinig ko. Mabuti na lang medyo nasanay na ako sa presensiya niya. At kahit paano nabibiro ko na rin siya.

"Bakit ang aga mo pumasok?" Sabay naming tanong sa isa't-isa.

Nagkatawanan kami at sandaling huminto. Siya na ang pinauna kong magsalita muli.

"Ladies first. " sabi niya.

"Okay, maaga po ako pumasok para mag review." Sabi ko.

"Bakit hindi ka nagrireview sa bahay?" Tanong niya

"Hindi po." Mabilis kong sagot.

"Bakit? " tanong niya muli.

"Uhm, gusto ko lang po dito sa school. Para fresh pa yung memory ko sa mga binasa ko." Paliwanag ko sa kaniya.

"Okay, I see." Sabi niyang nakatitig sa mga mata ko.

Nakakatunaw na naman yung mga titig niyang yun. Everytime na tumitingin siya ng ganoon, nawawala ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, mygad. Ang lapit pa naman namin namin sa isa't-isa.

"Ikaw sir bakit ang aga mo pumasok?" "May klase ka ba ng ganito kaaga? "

Magkasunod kong tanong sa kaniya habang kunwaring binubuklat ko ang notes ko.

"Inaagahan ko talagang pumasok, para makita ka." Sabi niyang nakatitig lang sa akin.

Nagtaas ako ng tingin na nabigla sa sagot niya. Magkasalubong na nakaangat ang mga kilay ko na tila nagtatanong about sa sagot niya.

"What do you mean po sir?" Tanong ko sa kaniya.

" I like you Angel!" Biglang sabi niya.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagsasalita siya.

ANG PROFESSOR KONG POGI (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon