Chapter Nineteen

873 17 0
                                    

Nang makauwi na si profpogi, nagmessage siya sa akin na nasa bahay na nga siya. Thank God at nakauwi siya ng safe.

Masaya kami parehas na tanggap siya ng mga magulang ko. But we have to wait the right time. For now, okay na muna yung MU kami, "may unawaan" parang ganon.

Around ten o'clock na and I'm about to sleep na nang nag ring yung phone ko. Tumatawag si profpogi. Sinagot ko naman agad. Marupok ako eh, matitiis ko ba naman na hindi sagutin kung gwapo yung caller ko. Charot lang! Kahit naman hindi gwapo kung importante yung call, sasagutin ko kahit pa dis oras ng gabi.

"Yes sir? Napatawag ka? Grabeh ka talaga namiss mo 'ko agad." Sabi ko sa kaniya.

Napahalakhak siya, lagi ko naman siya napapatawa kahit may pagka sarcastic ako minsan sa pagsasalita ko, tinatawanan niya ako.

"Hindi kasi ako makatulog, my Angel." Sagot niya.

Heto na naman, kapag sinasabihan niya ako ng "my Angel", magkahalong kilig at galak yung nararamdaman ng puso ko. Gusto ko mang sabihan siya ng "my Marvin", kaso nahihiya ako. Hindi pa naman officially na kami.

"Bakit hindi ka makatulog? Huwag mo na kasi akong isipin, magkikita naman ulit tayo bukas sa school diba?"

Confident kong sabi, as if ako nga yung reason nang hindi niya pagkatulog.

"Paano mo nalaman na iniisip kita?" Tanong niya.

"Siyempre iniisip din kita."

Mabilis kong sagot, habang para akong siraulo na kinikilig sa higaan ko. Mabuti na lang hindi niya ko nakikita. Kakahiya!

Tumawa siya at dinig ko ang pagbuntong hininga niya bago siya nagsalitang muli...

"Alam mo my Angel, habang palabas ka ng sala niyo kanina, akala ko may naligaw na anghel sa bahay niyo. Kahit simpleng pambahay lang yun suot mo, napakaganda mo pa rin."

"Ibig sabihin ba niyan, kaya mo lang ako niligawan kasi maganda ako?" Tanong ko sa kaniya.

"Ofcourse not!" I loved the whole you. Your attitude, intelligence, sense of humor, a talented person, a loving daughter and all of the above almost perfect and adorable." Paliwanag niya.

Nangingiti lang ako habang sinasabi niya yung mga characteristics na yun. Hindi ko tuloy maisip kung anong sasabihin ko.

"Tulog na tayo, may pasok pa bukas. Magkakabolahan na naman dito eh."

Sabi kong natatawa na lang. Gustong-gusto ko pa sana siyang kausapin kaya lang hinihila na ko ng antok. Magkikita naman kami bukas sa campus kaya okay na kahit matapos na yung usapan namin.

"Sige, ayaw mo na yata akong kausap eh."

Sagot niyang tila nagtatampo ang tinig.

"Ano ka ba? Nagtatampo ka agad diyan. Ang dami ko na kasing antok, sige ka baka makatulogan ko pa yung pakikipag-usap ko sa'yo. Igoodnight kiss na lang kita. Muaah!"

Sabi kong tila nanunuyo at may lambing. At-

(I love you, profpogi), mga salitang gustong-gusto kong sabihin, subalit kailangan kong pigilan ang sarili ko.

Tahimik lang sa kabilang linya, hindi pa rin siya nagsasalita, kaya nagsalita na lang ulit ako...

"Sige kung ayaw mo sumagot, iuoff ko na to."

Ang mokong, hindi pa rin talaga sumasagot. Pero alam kong nakikinig lang siya sa mga sinasabi ko.

"Ayaw mo talaga magsalita? Pagbilang kong tatlo at hindi ka parin nagsalita, iuoff ko na talaga 'tong call na ito."
"Isa..."
"Dalawa... "

ANG PROFESSOR KONG POGI (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon