Chapter Fourteen

782 15 0
                                    

Eye contact, then that little smile between me and profpogi really means a lot to me. Everytime na magkikita kami sa campus, lalo na sa class. Hindi ko pa alam kung ano ba talaga yung tunay na meaning ng love. Hindi pa naman ako naiinlove sa buong buhay ko.

Masyado pa rin akong bata para sa love love na yan. Pero hindi ko kasi maexplain yung feelings ko. Basta ang alam ko crush ko lang siya.

Humahanga ako physically, ewan ko kung anong attitude mayroon siya. Hindi ko rin naman siya lubos na kilala. Isa pa mas ahead siya sa akin ng ilang taon, sa tantiya ko mga nasa early thirties pa lang siya. Ako naman seventeen years old pa lang, halos doble ng age niya. At menor de edad pa ako, mygad!

"Angel, lumabas kana diyan sa kwarto kakain na" Tawag ni nanay, na gumising sa malalim kong pag-iisip.

"Opo, palabas na." Sagot ko habang palabas ng kwarto.

~~~

Twelve midnight na hindi pa rin ako makatulog. Pabiling baliktad ako sa higaan. Si profpogi pa rin nasa isip ko.
"Beep! Beep!" tunog ng phone ko. Hindi pa uso noon ang mga ios at android mobile phones. Nokia 3215 yung unang unit ng phone na nagkaroon ako.

"1 message received"

Pagtingin mo ng phone, may thrill pa at excitement, kasi hindi mo agad nakikita kung sino yung nagmessage sa iyo.

Sino kaya tong dis oras ng gabi magtitext.

Si Ryan, forwarded quotes. Mahilig talaga tong mag send to many ng mga kung anu-anong quotes at jokes. Binasa ko lang saglit, then ibinalik ko na sa table.

Dati, pag nagsisend siya ng mga quotes na may meaning, nagrireply ako agad. But this past few weeks, parang wala na akong ganang patulan yung mga messages na yun.

Kasi alam ko naman na walang pwedeng mangyari between us na maging kami. Kahit pa sabihin na crush namin yung isa't-isa. Hanggang doon lang yun. Hanggang friendship lang kami.

Si profpogi, bukas magkikita na naman kami sa klase. Medyo okay naman ng situations between us. Maliwanag na estudyante niya ako at prof ko naman siya.

Mahilig din kasi siyang mag jokes sa klase kaya lahat ng mga estudyante niya, gustong-gusto siya. Hindi siya boring magturo. Hindi ka tatamarin na pumasok sa klase niya.

Hindi rin naging hadlang yung nararamdaman ko para sa kaniya upang mag excell ako sa klase niya. Grades over love yan yung formula ko para hindi magpa apekto sa feelings ko sa kaniya.

Mostly ako yung nakakasagot ng mga problems na binibigay niya. Kahit mga imposibleng percentage at probabilities na pinapahanap niya sa amin. Nakukuha ko pa rin yung mga sagot. Siguro dahil magaling lang ako sa analysis. Sabi ko nga hindi ako matalino, average lang ang IQ ko.

Minsan nga medyo nagtalo kami sa isang problem. Magkaiba kasi kami ng formula kung paano nag arrived doon sa sagot.

Meron siyang sariling formula na itinuro niya sa amin. Meron din akong sariling formula na naresearch ko. Old formula na yun, medyo crucial at komplikado. Nakakalito pag hindi mo nasundan yung bawat details at figure. Aksayado sa space, pero kapag yun ang ginamit mo mas lubos na maiintindihan ng mga estudyante kung paano ka nag arrived sa sagot.

Yung sa kaniya kasi short cut na, dahil short cut siyempre magtatanong ka pa paano nangyari na ganoon? Saan nakuha yung figure na yun?

In the end, wala namang talo sa aming dalawa dahil parehas naman kaming may punto. Dahil sa estudyante niya naman ako, nagpaka humble na lang ako.

"So sad naman on his part na mas magaling pa ang estudyante kaysa sa prof." sabi ko nang pabulong

"Ms. De Jesus, may sinasabi ka? Tanong ni profpogi sa akin.

"Wala sir, sabi ko ang gwapo niyo po?" Sagot ko sa kaniya sabay ngiti.

Naghiyawan ang mga classmates namin na nangaasar. Kasi naman parang laging may paligsahan sa klase sa pagitan namin ni profpogi.

Alam ko naman na nakikisakay lang din siya at sports naman siya. Okay nga yung ganoon para buhay ang klase at hindi boring.

Bago kasi niya idiscuss yung next lesson na ituturo niya sa amin, pinag-aaralan ko na ito in advance. Inspired kasi ako mag-aral lalo na sa subject niya.

Gusto kong maka perfect UNO na grades sa subject niya. Not just to impress him, but to maintain all my grades high para na rin sa scholarship ko and to become a consistent DL until gumradweyt ako. At kung suswertehin, na maging cumlaude o mas mataas pa.

For now, sapat na ang lahat kailangan ko muna mag-aral ng mabuti.

Pero kung bibigyan ng chance ng tadhana na maging kami ni profpogi, why not? Wish ko lang, kahit bawal susubukan kong sumugal...

~~~~

ANG PROFESSOR KONG POGI (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon