Chapter Six

1.2K 26 0
                                    

Finals is approaching, kaya busy ang mga studyante sa pagrireview. For me, I preferred to review my notes kapag nasa school ako compare sa bahay. Para mas fresh pa yung memory ko sa mga binasa ko.

Actually, priority ko lang talaga yung major subject ko which is Accounting. Bukod sa major ko nga eh, six units din yun. So far, okay naman sa akin ang subject na yun. Nakaka challenge at dahil mahilig ako sa mga challenges na yan, go lang.

Hindi naman pala talaga kailangan na magaling ka sa asignaturang matematika pag kumuha ka ng kursong Accountancy. Ang kailangan lang magaling ka sa analysis. Tricky kasi yung mga transactions sa mga problems na ibibigay ng prof niyo.

Yung iba nasa aklat lang. Mostly stated and given only the name of the owner and amounted capital. Ikaw na bahalang gumawa ng financial statement base sa mga iilang transactions given. Siyempre you must have a knowledge sa mga accounting terminologies.

In short, kailangan mo silang imemorize lalo na yung cash, accounts receivables, accounts payables, capital, withdrawals, utility fixtures, assets, liabilities, owners equity at marami pang iba too many to mention. Hindi lang mga terminologies ang kailangang memorize mo siyempre kasama na yung kahulugan nito at kung paano at kailan ito dapat gamitin sa mga accounting entries.

Sa balance sheet lang talaga ako medyo nahihirapan. Kasi nga sa accounting ultimo single cent na labis o kulang, kailangan mong hanapin at mabalanse. Para mabuo mo yung buong financial statement ng company.

Accountancy course din yung pinaka cheap na kurso. Cheap in a way na wala kang masyadong ginagastos na kung anu-ano. Maliban na lang sa mga journals, ledger at worksheet isama mo na rin yung yellow pad na mas madalas pang gamitin kumpara sa mga ledgers.

Yung mga panahon na yun, base sa analization ko ang kursong Accountancy pangatlo sa rating sa mga the best courses to take. Unahin na natin ang Medisina, pangalawa ang Abogasya (actually gusto ko rin maging lawyer) at pangatlo ang Accountancy.

Isipin mo na lang kahit saang kumpanya hindi mawawala ang accounting. Kahit maliit man o malaking negosyo may accounting. Ganyan katindi ang kurso ko at ipinagmamalaki ko ito.

Ito pang isang kagandahan pag accounting student ka. Yung mga tao pag tinanong ka kung anong kurso mo, pag sinabi mong Accountancy po. Ang sagot nila...

"Wow! Ang hirap nun ah. Matalinong bata to. "

Siyempre nakakaproud kasi tingin nila sayo matalino ka. Kahit average level lang naman yung pag-iisip mo.
Sabi nga ng prof namin sa accounting,
"Hindi ko kailangan ng matalinong estudyante sa klase ko. Ang kailangan ko eh yung masipag pumasok."

"Kapag lagi kang present sa klase hindi ka mahuhuli sa mga aralin. Mas maiintindihan mo yung subject na pinagaaralan mo. " Paliwanag niya.

Si ma'am Catipon, may edad na siya mga nasa late fifties na. Pero bright pa rin ang memory niya. Isa siya sa mga fave prof ko. She's always encouraging us even though sometimes, nagagalit siya sa amin kasi maingay at magulo. Subalit, hindi siya nawawalan ng mga words of wisdom na shinishare niya sa amin. Approachable siyang tao at palagay ang loob ko sa kaniya. Pag may problems akong hindi maintindihan wala akong hesitation na magtanong sa kaniya. Isa rin ako sa mga paborito niyang student. Active kasi ako sa class niya at never akong lumiban ng klase niya. Except sa mathematics naging fave subject ko na rin ang accounting. Ganun naman talaga pag paborito mo ang teacher, magiging paborito mo na rin yung subject.

Seryoso akong nagbabasa sa canteen ng mga notes ko. Browsing lang naman yung paraan ko ng pagrireview. Hindi ako mahilig mag memorize. I preferred to understand the topics than memorization.

For me kasi, pag imemorize mo lang pwede mo siyang makalimutan. Mas mabuting unawain mo ng lubusan ang aralin. Nang sa ganun kapag may mga pagsusulit at may mga tanong na tungkol sa araling binasa at inunawa mo. Kaya mo itong sagutin at kung kinakailangan ng explaination, you can elaborate and explained it well.

"Hi! "

Pagbating bumasag sa pagrireview ko. Galing kay Ryan. Umupo din siya kung nasaan ang table ko.

"Hello! " I greeted him too with a smile. Likas na kasi sa akin ang palangiti.

"Hindi mo kasama si Daniella? " I asked him. Si Daniella yung girlfriend niya.

"Hindi eh, may LQ kami."

He said with a sad face. But after a while, he smiled. Yung sweet smile niya na yun ang crush ko eh. Tapos lalabas yung mga dimples niya at yung mga mata niyang nawawala kapag nakangiti siya. Ang tangos pa ng nose niya.
Kaya ang daming nagkaka crush sa kaniya na girls sa campus. Isa na ko dun. Oops! Dalawa lang naman silang crush ko ni profpogi.
Bukod sa good looking niyang face, kasama pa siya sa banda ng campus. Ang husay niyang tumugtog ng gitara at ang ganda ng tinig niya.

Turn off lang talaga kasi nagyuyosi siya.  Ayoko pa naman sa lalaki yung nagyuyosi. Kadiri! Although mabango naman siya. Ang sarap sa ilong ng perfume niya. Bench scent hindi ko lang matukoy kung bench8, bench21 or atlantis. Parang magkakaparehas lang kasi ang mga scent nun. Anyways, mabango naman talaga siya. Yung amoy ng yosi humahalo sa perfume niya. Mas nakakadagdag ng appeal ang masculine scent niya.
Favorite color niya yung black and white. Mostly ang mga shirts na sinusuot niya kung hindi black, eh color white. Loose pants mahilig siya dun. Nasa trends kasi yung mga hiphop outfits.

Hindi siya nagdadala ng bag lagi niya lang dala yung notebook niyang nagiisa. Halo-halo na dun yung mga subjects niya. Pero infairness naman sa kaniya, nakakasagot naman siya sa klase. Sadyang makulit lang siya at mahilig mamilosopo sa mga prof namin. Mahilig din siya mag jokes. Kahit corny nga yung mga jokes niya minsan napapatawa niya parin ako.

"Bakit, ano ba kasing ginawa mo bakit kayo nag away? " I asked.

"Bakit ako? Pag nag away ako agad may kasalanan?!" Sagot niya.

"Hindi naman sa ganun, pero parang ganun na nga." Sabi ko.

He laughed. Ang cute niya talaga tumawa. Tinitigan ko siya. Tumitig din siya sa akin. At sabay kaming nagtawanan.

"Konting tampuhan lang. Kayo kasing mga babae ang daming arte". Sabi niya.

"Siyempre maarte talaga kami, kasi maganda kami. " Sabi ko.

"Alam mo mag review ka kaya, exam na sa monday. " Sabi ko ulit.

"Di ko na kailangan magreview, kung papasa eh di papasa. Kung hindi eh di hindi." He explained.

Magkaiba kami ng kurso. He is taking up BS in Business Management. May sarili siyang konsepto ng pag-iisip. May sariling katwiran. Actually transferee lang siya sa school. Na kicked out kasi siya sa previous University na pinasukan niya.
Nahuli siyang nagyuyosi sa loob ng campus. Di naman siya matatawag na rebelde. Based sa kwento ng kinikilala niyang mama noong pumunta kami sa bahay nila. Only child lang siya, ulila na siya sa magulang. Ang tanging nagsusupport lang kaniya financially yung ninang niya na nasa states.

Sa parteng yun ng buhay niya medyo nalungkot ako for him. Dahilan din yun para lalo ko siyang maunawaan kung bakit ganun na lang ang mga pananaw niya sa buhay.

Masayahin siyang tao. Mahilig din siyang mag-alaga ng mga pets. Yung mga pusa niya nasa lima then meron siyang tatlong aso. Kaya pala laging may balahibo ng hayop yung black shirt niya kapag pumapasok sa school, kasi lagi niyang hinahug yung mga alaga niya.

May mga pagkakataong nagkakatext kami, pero yung topics namin puro kalokohan lang. Kaya tawanan lang kami ng tawanan. Masaya akong kausap siya. At dahil pranka nga akong tao, at halata niya rin naman na may gusto ako sa kaniya. Sinabi ko sa kaniya na crush ko siya. Alam kong hanggang doon lang yun. Sapat nang maging friends lang kami. Okay na ako dun. Ayoko rin naman maging rebound, na kapag hindi sila okay ng jowa niya eh sa akin siya.

Crush niya rin ako sabi niya. Pero dahil gentleman siya, hindi niya ugaling mag take advantage sa babae. Marunong siyang gumalang sa mga kababaihan kahit ganun yung personality niya. Maayos kasi yung pagpapalaki sa kaniya ng kinilala niyang mama. Maituturing siyang spoiled brat pero overall, he is a nice guy.

Tumunog na yung bell, start na ng klase. Kaya umakyat na kami sa room para sa unang subject namin.

~~~~~

ANG PROFESSOR KONG POGI (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon