Ilang hakbang na lang ang layo namin sa bahay, medyo kinabahan ako. Pero alam ko naman na kahit istrikto sila nanay at tatay, hindi naman sila magagalit sa akin. Tiwala naman sila na hindi ako lalampas sa limitasyon.
Pagpasok namin ng gate na gawa sa kawayan. Si tatay ko ang may gawa nun pati yung bakod namin. Sinalubong kami ni tatay. Nagmano ako sa kaniya.
"May kasama ka pala anak?" Sabi ni tatay.
"Opo tay, si si-sir Marvin po prof ko sa math." Pagpapakilala ko sa kaniya kay tatay.
Lumapit si profpogi kay tatay at nagmano. Nakipag kamay din siya at nagpakilala.
"Marvin po sir, hinatid ko lang si Angel."
Sabi niyang medyo may panginginig ang tinig.
"Ikinagagalak kitang makilala Marvin. Tuloy ka sa aming tahanan. Dito kana maghapunan." Sabi ni tatay.
"Mahal may bisita tayo, patuloyin mo yung guro ni Angela." Sabi ni tatay kay nanay.
Ang sweet ng endearment nila, "mahal".
Nauna na akong pumasok sa pinto kasunod si profpogi. Sinalubong kami ni nanay. Nagmano ako ganoon din si profpogi.
"Ma'am, Marvin po. Hinatid ko lang si Angel kasi medyo ginabi na kami sa library. Delikado sa daan." Paliwanag pa no profpogi.
Makahulugang tumingin sa akin si nanay. Alam ko na ang ibig sabihin ng mga tingin na yun. Nagbabanta at nagpapaalala. Nginitian ko lang si nanay. May tiwala naman siya sa akin.
"Sige hijo, maupo ka muna at maghahanda na rin ako ng hapunan. Dito ka na kumain bago ka umuwi." Sabi ni nanay.Nagpaalam muna ako na magbibihis at tumuloy ako sa kwarto.
Pagpasok ko ng kwarto kasunod ko yung dalawa kong kapatid.
"Ate manliligaw mo yun?" Duet pa nilang tanong.
"Hindi hinatid lang ako." Sagot ko sa kanila.
"Weh, di nga?" Sabay na naman nilang tanong at nagtawanan pa.
"Hindi nga." Sagot kong tatawa-tawa.
"Si ate may manliligaw! Si ate may manliligaw!" Kakanta-kanta nilang pang-aasar sa akin habang lumabas ng kwarto.
Nagbihis narin ako. Nagsuot lang ako ng simpleng tshirt at pajama. Nag-messy bun na lang ako ng buhok, para presko. Mamaya na lang ako maliligo bago matulog. Lagi naman ako walang pakialam sa itsura ko, kung maturn off man si profpogi sa akin meaning hindi siya seryoso gusto niya lang yung ganda ko.
Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa sala kung saan nakaupo si profpogi. Naabutan kong nagkakape sila ni tatay. Mukhang masaya naman silang naguusap. Tumingin sa gawi ko si profpogi.
Yung tingin na halos matunaw ako sa pagkakatitig niya. So, ibig sabihin sa simpleng ayos ko nagagandahan pa rin siya sa akin. Grabeh kinikilig talaga ako. Nginitian ko lang siya at pumunta ako sa kusina para tumulong kay nanay na maghanda ng hapunan.
"Manliligaw mo ba yun Angela?"
Diretsong tanong ni nanay sa akin.
"Mukhang disente naman kaso diba kamo isa siya sa mga professor mo? Diba bawal yan sa school? Isa pa menor de edad ka pa para sa mga ganyang relasyon."
Nagumpisa na si inang mangaral. Tahimik lang akong nakikinig. Kahit kailan hindi naman nagalit si nanay sa akin. Tuwing pinapangaralan niya ako, tahimik lang akong nakikinig sa kaniya. Alam ko naman na para din yun sa ikabubuti ko. Kung hindi man siya agree sa panliligaw ni profpogi, okay lang sa akin. Sasabihin ko na busted na siya agad kahit love ko pa siya.
BINABASA MO ANG
ANG PROFESSOR KONG POGI (Completed)
RomanceStudent-teacher's affair, it's prohibited in any educational institution. Let's discover how the girl named Angel handled this conflict situation in the name of love. Be inspired on how the love matter between her and prof Pogi- the person who teach...