Ika-apat at huling taon ko na sa kolehiyo. Kaunti na lang ang mga subjects ko at lahat yun ay major subjects. I was really thankful then, cause I am one of the chosen student running for magna cum laude. Hindi ko pa man kiniclaim sa sarili ko ang degree na yun, pero nagpapasalamat na ako. Kahit nga cum laude lang sapat na.
Tuwang-tuwa ang parents ko sa bagay na yun. Siyempre proud sila at hindi nasayang yung mga efforts nila.
Eversince naman alam ng mga parents ko kung gaano ako ka-competitive sa school. Although, wala namang pressure from them. Ang importante lang naman sa kanila, makapasa ako. But because God is so really great, He gave me wisdom, intelligence and a beautiful heart.
Those characteristics, I used as an instrument para magtagumpay sa pag-aaral sa kolehiyo.
Isa rin sa mga proud sa akin yung future dyowa ko, si profpogi. Excited na rin akong sagutin siya. Okay na rin naman sa nanay at tatay ko pero ang gusto ko sa isang espesyal na araw ko ibibigay yung matamis na OO ko sa kaniya. Sa araw ng graduation ko.
Two weeks before nang finals namin, nakareceive ako ng tawag mula sa hindi kilalang numero na nagregister sa phone ko.
Sinagot ko naman ito agad.
"Hello? "
"Yes, hello can I please talk to Ms. Angela De Jesus?
Tinig ng isang babae ang nasa kabilang linya. Mukhang maarte at may accent ang english niya.
"Yes, speaking. How can I help you, Miss?" Sagot ko sa kaniya.
"Uhm, great! Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. First, I want you to know lang naman na ako ang girlfriend ng nilalandi mong teacher!"
Tila isang napakalakas na cymbals ang pinatunog sa tapat ng dalawang tenga ko, pagkarinig ko sinabi niya. Hinayaan ko muna siyang magpatuloy sa mga sinasabi niya.
"Oops! Sorry for the word. Pero ano bang tamang description doon? Hindi ba paglalandi? Flirting!"
Pagpapatuloy niya pa.
Habang unti-unting tumutulo ang luha ko. Mabuti na lang nasa loob ako ng kwarto ko ng mga sandaling iyon."I am Michelle, childhood sweetheart kami ni Marvin."
"Take note, childhood sweetheart. Meaning, mga bata pa lang kami pinagkasundo na kami ng mga magulang namin sa isa't-isa."
"Ewan ko ba dito kay Marvin, kung bakit ilang taon lang akong nawala pinagpalit na ako sa isang paslit. At para sabihin ko sa iyo, marami nang nangyari sa amin while I'm in the Philippines."
Lalong umagos ang mga luha ko pagkarinig ko sa huling sinabi. Hindi ko man sigurado kung totoo ang mga pinagsasabi ng babaeng ito o hindi. Pero ang sakit, ang sakit-sakit sa kalooban ko.
"Are you still there, Angela?
Tanong niya. Na sinagot ko naman.
"Yes, I'm still here and I'm listening to you. Just proceed whatever you want to say."
Sabi ko sa malumanay na tinig ngunit pigil sa pag-garalgal ng tinig. Gusto ko pang marinig ang mga sasabihin niya. Totoo man o hindi. Kahit masakit, papakinggan ko.
"Wala ka bang gustong sabihin sa akin? Hindi ka man lang ba hihingi ng sorry sa pang-aagaw mo sa fiance ko?"
Hindi ko alam kung kailangan ko bang sagutin yung tanong niyang iyon. Besides, hindi ko naman inagaw sa kaniya si Marvin. Hindi pa naman kami magboyfriend. Mabuti na lang talaga.
Sa huli napilitan din akong sumagot sa tanong niya. This time, pinayapa ko muna yung sarili ko. Ayaw kong mahalata niyang umiiyak ako sa kabilang linya. Professionally, gusto ko siyang kausapin ng maayos. Mas okay nga sana kung personal kaming nag-uusap. But since, nandito na ito I guess, I have to explain my side. Kahit pa hindi naman talaga kailangan na mag explain ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
ANG PROFESSOR KONG POGI (Completed)
RomanceStudent-teacher's affair, it's prohibited in any educational institution. Let's discover how the girl named Angel handled this conflict situation in the name of love. Be inspired on how the love matter between her and prof Pogi- the person who teach...