Chapter Thirteen

822 18 0
                                    

Mathematics of Investment wala pa akong ideya kung anong magiging lesson namin sa subject na ito. Classmate ko dito sila Hazel at Sherlyn, may mga classmate din kami galing sa ibang department. Sa room 209 kami magruroom.

Wala pa namang oras, so kulitan muna at kwentuhan ng kung anu-ano. Habang nagkukulitan ang nga classmate ko, nagdudrawing lang ako sa likod ng notebook ko. Kung anu-anong doodle art lang, pampalipas oras.

Sa gawing harapan pa rin kami nakaupo, nasa malapit sa bintana ako pumwesto. Habang nagdudrawing ako sa desk, sa may wall ako sumandal since nakadikit naman yung chair sa wall. Mas comfortable ako sa ganoong posisyon while seriously doing the doodles.

Sino na naman kaya ang prof namin sa next subject? Sana si profpogi na lang para mwf akong inspired sa klase. Five minutes late na ah, wala parin yung prof. Binalik ko ulit yung atensyon ko sa dinudrawing ko. Tatapusin ko na lang tutal mukhang wala naman kaming klase, tagal ng prof eh. Hinayaan ko na lang mag-ingay ang mga classmates ko habang may sarili akong mundo at seryoso sa ginagawa ko.

Biglang tumahimik yung klase, parang may dumaang anghel ah. Pero di ko parin pansin, seryoso pa rin ako sa pagdudoodle ko. Ilang segundo lang iingay ulit yan.

"Good afternoon class! Sorry for being late. Well, I am your instructor for the subject of mathematics of investment."

Authoritative but familiar voice of someone ang gumising sa seryoso kong diwa at nagpakabog ng malakas sa dibdib ko.

Pag-angat ko ng tingin, tila isang napaka kisig na prinsipe ang nasa harapan ko. Nakangiti ng napakatamis and oh God!, sa akin nakapako ang mga tingin niya.

He's perfectly handsome sa suot niyang puting long sleeve polo na naka tacked in sa black slacks. Ang bango niyang tignan sa ayos niya, para siyang laging bagong ligo. Nakadagdag pa ng appeal yung ilang hibla ng buhok niyang tumatakip sa laging nakangiting mga mata niya.

He winked! OMG! hindi ko alam kung para sa akin yung kindat na yun. Pero sa akin siya nakatingin, baka nga para yun sa akin.

Pakiramdam ko nagblush na naman ako. Yumuko na lang ako, kunwaring binuklat ang notebook ko. Grabe, sobrang intense! Nakakatense, hindi ko alam kung paano ako magrireact. Kailangan kong pakalmahin yung self ko.

I heard somebody's giggling, sila Hazel at Sherlyn pala kinikilig na nagtatawanan. At ako yung pinagtatawan ng mga walang hiya. Inirapan ko silang dalawa at kunwaring seryosong nakikinig nalang ako sa dinidiscuss ni profpogi. Gayong, hindi ko naman talaga naiintindihan yung mga sinasabi niya.

Pasimple akong sumusulyap sa kaniya kapag sa ibang dako ng classroom siya nakatingin. Nagpakilala lang naman siya at nagbigay ng konting introduction about sa subject na yun.

Yung ibang mga girls sa klase namin, tanong ng tanong na hindi naman related sa subject. Hay naku!, makapag papansin lang kay profpogi, nakakainis.

"Alright, dahil tapos na akong magpakilala, kayo naman ang mag introduce ng sarili niyo. Para naman makilala ko kayo isa-isa." Pahayag ni profpogi.

"Miss beautiful, ikaw na ang mauna. Please introduce yourself". Sabi ni profpogi na sa gawi ko nakatingin.

"Ah-uhm, ako po?! Tanong ko na nabigla at tinuro ko pa yung sarili ko for confirmation. Beautiful daw ako? Nagbablush na naman ako, mygad! Parang gusto ko tuloy lumubog sa kanauupuan ko.

"Yes, you are." sagot ni profpogi.

Oo nga pala nasa unahan ako sa gawing kaliwa. Pero sana doon nalang siya sa kanan nag start. O kaya doon sa kabilang row. Bakit kasi dito pa sa akin nag start? I'm not prepared for this. Kainis!

Wala naman akong choice, so I did! Tumayo ako at ngumiti sa kanila.

"Uhm,.. Ah-I'm Angela De Jesus." pautal kong panimula. "Others fondly called me Angel." "Ah-I'm taking up Bachelor of Science in Accountancy and I'm seventeen years of age. I'm in my second year now and... Uhm, nice meeting you all guys. Thank you."

After ko magsalita, umupo na ko agad. Nakayuko lang ako, kunwari nagbabasa ng notes. Kahit wala pa naman masyadong notes na nakasulat sa notebook ko. Ayaw kong tumingin sa harapan, ayaw kong tumingin kay profpogi. Sobrang naiilang ako, para kasing nakakatunaw yung mga tingin niya.

Ayaw kong mag assume kung may ibig sabihin yung mga tingin na yun. Wish granted nga kasi siya yung naging prof namin this sem sa math subject. Pero hindi ko lang inaasahan na magiging ganito yung pakiramdam ko. Hindi ko maipaliwanag. Halo-halong excitement, kilig, kaba, hiya at kung anu-ano pang mixed emotions.

Hindi ko na namalayan natapos yung klase namin sa pagpapakilala lang. Hiningi ni profpogi yung mga blank class cards namin bago siya nagpaalam. Lumilipad kasi yung isip ko.

Pag-abot ko ng classcard sa kaniya, tumingin siya sa akin at ngumiti. Mygad! Nakaka bato-balani ang mga ngiti niya. Ngumiti rin ako sa kaniya at tumalikod na agad habang kinikilig. Siyempre hindi naman ako nagpahalata. Pero tong Hazel na ito, pagkalabas pa lang ni profpogi nagtititili na.

"Grabeh na ito!... Haayyy!"

Sabi niya na akala mo parang bulate na inasinan sa sobrang kilig. Tumingin ako sa kaniya ng nakasimangot.

"Anong bang problema mo diyan? Para kang sinasaniban ng hindi mo mawaring impakto o laman lupa."

Sabi kong nangaasar sabay tawa ng malakas.

"Kinikilig kasi ako sa inyong dalawa ni sir Marvin. Yung mga palitan niyo ng tingin parang kapana-panabik ang bawat sandali."

"Hahahahaha! "

Tinawanan ko lang siya ng tinawanan, but deep inside sobrang kinikilig ako. Para akong nasa cloud nine papuntang cloud ten...

Kung alam lang nilang hindi mawala sa isip ko yung bawat sandaling kasama ko siya. Oo kasama ko siya, kami lang dalawa sa classroom. Wala akong pakialam sa ibang estudyanteng naroon. Ang nasa isip ko lang kaming dalawa ni profpogi during the period of our class with Mr. Profpogi.

Inlove na yata ako sa kaniya. OMG! Hindi pa ako pwede mainlove. Ipinilig ko ang ulo ko, kailangan ko muna magtapos. Gusto ko pag nagka boyfriend ako siya na yung mapapangasawa ko. Pag nalaman to ng nanay ko, kukurotin ako sa singit nun. Ang sakit pa naman mangurot nun, talagang matatanggal yung balat mo.

Nag proceed na kami sa ibang room for our next and last subject for that day. At natapos ang araw na iyon na ang pakiramdam ko nakalutang pa rin alapaap hanggang sa pag-uwi.

~~~~~


ANG PROFESSOR KONG POGI (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon