Last day na ng pasok namin. Ni hindi ko man lang nakita si profpogi mula noong huli naming encounter sa unang araw ng finals. Nakuha ko na rin yung mga class cards ko. Matataas nga yung mga final grades ko. Di narin ako magtataka kung bakit nakasama ako sa DL. Nakuha ko na rin yung certification na binibigay sa ng DL.
Bago ko umuwi ng bahay, dumaan muna ko sa library. Maliban sa canteen ng school ito rin yung madalas kong tambayan pag vacant period ko. Tahimik kasi, malamang library eh kaya bawal ang maingay.
Naghanap ako sa mga shelf ng pwede kong basahin. Pangdagdag kaalaman lang,medyo mamimiss ko tong place na ito. Ilang weeks din ang sem break namin.
Isang pamilyar na aklat yung nakita ko. Fairy tales story, nabasa ko na to before. Rumpelstiltskin yung title gawa ng Brother's Grimm. A German folkstale. Pero gusto ulit basahin, hindi naman kasi ako nagsasawang basahin ang mga kwentong pambata. Kahit paulit-ulit nakaka excite parin, kahit na alam ko na yung susunod na mangyayari sa kwento.
Kwento ito ng isang dwarf na nag ngangalang Rumpelstiltskin. Nagsimula ito nang meron isang mahirap na miller na may anak na isnag magandang babae. Sa kagustuhang mapalapit sa hari, pinagyabang niya na ang kaniyang anak ay may kakayahang maghabi ng mga gintong dayami. Ginawa ng hari na bilanggo ang babae sa loob ng isang silid. Binigyan siya ng pagsubok na kapag nakapaghabi ito ng gintong dayami ay kaniya itong magiging kabiyak.
Dahil hindi naman kasi talaga totoong may kakayahan siyang humabi ng gintong dayami, kaya lungkot na lungkot ang dalaga.
Hanggang sa isang maliit na nilalang ang pumasok sa silid at nagsabing tutulongan siyang gawing ginto ang mga dayaming mahahabi niya. Sa bawat gintong dayami may kapalit na mahalagang bagay na pag mamay-ari ng dalaga.
Nagsimulang humabi ang dalaga at tunay ngang sa bawat paghabi niya ay nagiging ginto ang bawat hibla ng mga dayami. Gaya nga napag-usapan,kapalit nito ipinagkaloob ng dalaga ang isang mahalang bagay mula sa kaniya. At naglaho ang maliit na nilalang matapos niya itong makuha.
Nakita ng hari ang mga gintong dayami sa loob ng silid at namangha ito sa kakayahan ng dalaga. Nangako siya ditong papakasalan kapag muling naghabi ito ng mas marami pang gintong dayami.
Nag-alala ang dalaga kung paanong siya'y muling makapaghahabi ng ginto gayong hindi naman talaga siya ang tunay na may gawa nito. Sa kabutihang palad, muling dumalaw ang maliit na tao para tumulong gaya ng nauna'y humingi muli ng kapalit.
Bago ito naglaho ay nagbitaw ng salitang sa takdang panahon ay babalik ito at kukuhanin ang isa sa napaka halagang bagay mula sa dalaga. Hindi ito masyadong binigyan ng pansin ng dalaga. Masaya siyang ipakita sa hari ang mga dayaming ginto na kaniyang nahabi.Tulad nga sinabi ng hari, siya ay pinakasalan nito at nagkaroon sila ng isang supling na magandang babae.
Muling lumitaw ang maliit na tao. At siya ay naningil kapalit ang batang prinsesa. Hindi nito kukunin ang prinsesa kung malalaman ng reyna ang tunay na pangalan ng maliit ng nilalang na yun sa loob ng ikatlong araw. Ilang beses nanghula ng pangalan ang reyna subalit bigo ito.Lahat ng mga katiwala sa palasyo ay inutusan ng hari at reyna, upang hanapin kung saan ang kinaroroonan ng maliit na nilalang. Halos lahat na nga mga lugar na nakapalibot sa palasyo na pinuntahan na ng mga utusan.
Sa ikatlong araw, isa sa mga katiwala ng reyna ang nagpunta sa gubat. Natagpuan niya ang sumasayaw at umaawit na maliit na tao sa harap ng apoy.
"Today I bake, tomorrow I brew, the next I'll have the young queen's child. Ha, glad am I that no one knew, that Rumpelstiltskin I am styled!
Bumalik sa palasyo ang tagasunod at sinabi sa reyna ang pangalan ng maliit na nilalang.
Nang gabing iyon, bumalik sa palasyo ang maliit na nilalang at chinallenge ang reyna. "Gigive up kana ba? Makukuha ko na ba ang iyong anak?" Ngumiti ang reyna at kunwaring humula ng ibang pangalan. Sa ikatlong pangalan ay binanggit niyang "Ang iyo bang ngalan ay Rumpelstiltskin?" Pagkarinig ng maliit na tao sa pagbigkas ng kaniyang pangalan ay sumigaw ito at lumisan nang tuluyan at siya'y hindi na muling nagpakita.
BINABASA MO ANG
ANG PROFESSOR KONG POGI (Completed)
RomanceStudent-teacher's affair, it's prohibited in any educational institution. Let's discover how the girl named Angel handled this conflict situation in the name of love. Be inspired on how the love matter between her and prof Pogi- the person who teach...