Chapter Five

1.2K 32 1
                                    

Sa ikalawang pagkakataon, nagtama muli ang aming paningin. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko. Parang tumigil ang oras habang tinititigan ko siya. Yung mga ngiting tila hindi nabubura sa mga labi niya. Yung mga labi niyang papangarapin ng isang babae na mahalikan. Hayst! Inosente pa ako sa mga ganoong scenario. Bakit ba pumapasok sa isip ang mga bagay na yun. Nagkakasala na ako sa isip ko palang. Forgive me Lord.
"Hi! "
Yung pagbati niyang yun ang bumasag sa pangangarap ko ng gising.
"Good morning sir! " sabi ko, sabay ngiti at yuko.

Hindi ko inaasahan yung sumunod na pangyayari. Shocks! Umupo siya sa tabi ko. Naconscious tuloy ako. Mygad! Ano kayang itsura ko. Nag toothbrush naman ako, so okay naman yung breath ko. Yung face ko nag powder lang ako at nag lip balm. Yung hair ko, hayaan mu na kung magulo. For me naman ang messy hair nakaka dagdag ng appeal. But it depends pa rin sa pagka messy ng hair. Medyo nagkadikit yung mga braso namin. Para akong nakukuryente.
Although sanay naman ako sa presence ng isang lalaki. Kasi nga tropa ko most of them are guys. Pero iba to eh, feeling ko ang lakas ng tama ko sa prof na to. Grabeh!

"Nagbabasa ka rin pala niyan?" pambasag ni profpogi sa awkward moment na yun.

"Ah, ito po?"
Itinaas ko yung hawak ko na book.

"Yes po sir,  as you can see."
Sabay pacute na ngiti ko sa kaniya. Natawa siya. OMG! That laughed brings my black and white world to a colorful sorroundings. Mas gwapo pala siya pag close up. Ang sarap titigan ng mukha niya. So perfectly creation!

"Bakit sir, anong nakakatawa? " I asked him.

"Wala naman, natatawa lang ako sa'yo." Sagot niya.
Kumunot ang noo ko.

"Well, it's not actually you. It's the way you talked." sabi niya ulit.

"Is there something wrong po ba with the way I talked?" I said.

"No, there's nothing wrong. It's just that you talked like being pilosopo, but it's funny somehow. "
"It's cute! "He explained.

Ako cute? Omg! Nakucutan siya sa akin...

"Why? " He asked

"Anong why sir? " Tanong ko.

"Why are you smiling? " He asked again.

"Uhm, nothing sir".

"Oh, by the way, mahilig din akong magbasa ng books". He said.

"I see. I guess mas marami ka nang nabasang books compare sa akin sir? " Sabi ko.

"Uhm, medyo. Most of them are detective stories." He said.

"I see. " sabi ko.

"Bakit ka nga pala nandito, wala ka bang klase? " Tanong niya.

"Medyo napaaga po yung pasok ko kaya tumambay muna ako dito. Palipas oras something like that. " I said.

He laughed. Tinignan ko siya and looks wondering what's funny. He looked at me, as in sa mga mata ko. Natutunaw ako sa titig niya.

"You know, I like you!"

What?! He likes me?! Ohmigad!

"I mean I like you, masaya kang kausap. May sense kang kausap. Hindi tulad ng ibang estudyante diyan, lalo na yung mga babae masyadong pacute. Puro paganda tapos pag manamit daring and seductive. " Paliwanag niya.

Mukhang may pinaghuhugutan tong prof na to ah. Woman hater ba to?

"Sir, ako naman magtatanong, bakit ka nandidito, wala ka bang klase na tuturuan? " sabay ngiti ng matamis.

"Actually meron, nagpalipas lang din ng oras." Sagot niya sabay ngiti sa akin.

"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong niya.

"Angela De Jesus po. But you can call me Angel sir. " I said

"Ang ganda, bagay sa iyo yung name mo. " Sabi niya sabay ngiti.

"Sige mauna na ko, nice meeting you Angel".

"Bye Sir, nice meeting you too. "

After he left, pumunta narin ako sa klase ko nang may ngiti sa labi at kilig sa puso ko.

Natapos na ang klase ko, hanggang sa paguwi ay lutang pa rin ako. Napagkakamalan na nga akong baliw kasi lagi akong nakangiti na parang may sariling mundo. Sorry na lang kayo, inlove ako eh. Ikaw ba naman makausap mo yung super crush mo hindi ka kiligin at mag feeling na nakalutang sa alapaap.

~~~~~

ANG PROFESSOR KONG POGI (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon