Chapter Ten

927 18 0
                                    

Dahil semestral break naman namin, tanghali na akong gumising. Hindi muna ako bumangon ang sarap pang magbabad ng likod sa kama. Lalo pa at malamig na ang panahon, bermonths na kasi. Nakatingin lang ako sa kisame ng bahay. Pinagiisipan ko kung anong gagawin ko sa araw na yon. Siguro tutulong na lang muna ako sa mga gawaing bahay.

Iniisip ko rin kung anong pwedeng pagkakitaan habang nasa bahay, para kahit paano may pangdagdag sa tuition at miscellaneous fees ko sa school. Nextweek magienroll na ako ulit, second year na ako.

Wala pa kasi akong eigtheen, kaya hindi naman ako pwede mag apply ng work. Besides, three weeks lang naman ang break namin. Sabagay, hindi naman ako inuobliga ng mga parents ko na magwork. They preferred na magtapos muna ako ng pag-aaral at dahil ako ang panganay, kailangan kong magtapos upang makatulong din ako para sa pag-aaral ng mga kapatid ko.

Kahit hindi karangyaan ang buhay namin, maayos naman kaming napalaking magkakapatid. Hindi kami nasanay sa luho. Kung anong meron pinagkakasya namin. Bihira lang din kaming magkaroon ng mga bagong damit at sapatos. Mga once a year lang minsan nga wala pa. Pero okay lang naman, masaya kaming mabuhay ng simple at sama-sama.

Maayos naman ang kita ni tatay sa pagtatrabaho sa construction bilang foreman, kaya kahit paano natutustusan ang mga pangangailangan namin. Hindi na siya muli pang umakyat ng barko ayaw niyang malayo kay nanay at sa amin na mga anak niya.

Si nanay naman maliban sa pagaasikaso sa mga gawaing bahay at sa aming limang magkakapatid, nagtitinda siya ng mga frozen foods para makatulong din kay tatay.

Tumingin ako sa orasan sa dingding namin, mag aalas-diyes na ng umaga. Sige babangon na nga ako. Maingay narin sa labas. Yung mga kapatid kong nagsisigawan habang nagkakantahan. Mahilig talaga kumanta at sumayaw yung dalawa kong kapatid na babae. Kaya nagkakasundo silang dalawa.

Napasulyap ako sa salamin namin sa kwarto, tinitigan ko muna yung sarili ko dito. Dahil may kalakihan ang mirror mirror hanging on my wall, ang buong reflection ng katawan ko ay napagmamasdan ko. May kasabihan ang iba, ang tunay daw na ganda ng isang babae physically makikita mo kapag bagong gising.

Medyo nangingintab yung skin ng face ko, dahil sa moisturizer na nilalagay ko every night before ako matulog. Smooth and fair naman yung complexion ng face ko. Walang pores kaya yung friend ko na Hazel gigil na gigil na gasgasan yung face ko kasi poreless daw. Mabuti na lang talaga hindi ako tighiyawatin.
Tinitigan ko pa mabuti yung mukha ko, hindi ko kasi nakikitang maganda ako. Sa tingin ko average lang ang itsura ko. Feeling ko nga ako yung pinaka pangit sa mga magkakapatid. Hindi naman kasi ako kaputian, kung kaputian nga ang basehan ng kagandahan.

Mula pa noong bata ako, ang napapansin lang talaga sa akin yung mga mata ko. Natural daw kasi na naka curl ang mga pilik ko. Kapag tumingin parang laging iiyak at laging namumungay. Yung kilay ko naman daw parang perpektong iginuhit. Katamtaman lang naman yung tangos ng maliit kong ilong. Bahagyang manipis na mga labi. The rest on my face, are not interesting part for me.

Yung mga buhok kong natural curl na namana ko sa tatay ko. Na kapag bagong gising ay nakasabog. Ahh! Ang pangit, pero sabi ng lola ko maganda daw yung buhok ko kumpara sa buhok ng mga kapatid ko. Lahat kasi sila naturally straight hair namana nila yung buhok ng nanay ko. Pero para sa akin ang pangit pa rin.

Pagdating naman sa body ko, masasabi kong I have a skinny-curvy physique. Medyo may kataasan ang height naming magkakapatid na nakuha namin sa father side. Yung boobs ko, hindi naman kalakihan pero okay lang naman sa akin. Para hindi bastusin. Yung ibang lalaki kasi imbes na sa mukha tumingin, ay sa boobs nakadako ang tingin. Dahil nga sa slim feature ng body ko, maliit din ang waist ko na bumagay sa mabilog na hips ko na nakuha ko naman sa nanay ko.

Masasabi kong perfect yung combination ng genes ng mga magulang namin. Kasi ang gaganda ng mga supling nila maliban sa akin. Ugly duckling yun tingin ko sa sarili ko, kaya hindi kataasan ang confidence ko pagdating sa pagandahan.

Dahil na rin sa mahilig ako sa mga loose clothings, hindi nakikita yung shape ng katawan ko. Well, okay na rin ang ganito para safe sa mga makasalanang mata.

"Ate! Gumising ka na daw diyan sabi ni nanay. Magsaing kana."

Sigaw ng kapatid kong si Joy, na gumising sa diwa ko habang kumakatok sa pinto.

"Oo palabas na nga." Sagot ko na kumakamot sa sabog-sabog at magulo kong buhok.

Tumungo muna ko sa cr at naghilamos. Nagsipilyo na rin ako para fresh ang breath. Oo nga pala speaking of fresh breath, naalala ko si profpogi. Ang bango ng breath niya noong muntik na kami magkiss. Ano kaya kung natuloy yun? Bigla ko tuloy siyang namiss. Napailing na lang ako sa kapilyahang naisip ko.

Pagkasalang ko ng sinaing ay kumain na ako ng almusal. Pritong itlog na sunny side up, tuyo at sinangag. Buti may natira pa sa akin, matatakaw kasi mga kapatid ko kaya minsan nauubusan ko. Okay lang naman sa akin, ang turo kasi ni nanay dahil ako ang panganay dapat lagi akong nagpaparaya sa mga kapatid ko. Masaya ako kapag masaya sila.

Natapos ang maghapon sa paggawa ko ng mga gawaing bahay. Naglinis ako sa buong kabahayan. Maliit lang naman ang aming tahanan kaya hindi mahirap linisan.

Naglaba na rin ako ng ibang maruruming damit. Yung mga alaga kong halaman nadiligan ko narin kahit late nga lang. Mahilig akong magtanim lalo na ng mga flowering plants. Sabi ng lola ko maganda daw yung mga kamay ko, parang may powers kasi madaling mabuhay ang mga halamang tinatanim ko. Kinakausap ko kasi yung mga halaman para mamulaklak sila agad. Ayun effective naman, mabilis mamukadkad ang mga bulaklak.

Yung mga bulaklak na yun, hinaharvest namin para ilagay sa altar. Lumaki kami na sagrado katoliko ang pinaniniwalaan ng mga magulang. Ang mga lola namin may altar na malaki sa kanilang mga bahay. Iba't-ibang santo nag nasa altar. Maging sa bahay namin ay ganun din. Nilalagay namin ung mga bulaklak sa vase sa ibabaw ng altar.

Sabi kasi paraan daw yun ng pag respeto at paggalang sa mga santo. Hindi ko naman yun masyado binigyan ng pansin. Ang importante sa akin kilala ko ang Diyos. Siya yung lumikha ng langit at lupa. Siya yung nagbigay ng buhay sa lahat ng nilalang sa sanlibutan. Siya yung Nilalang na pinagdadasalan ko para mag pasalamat, kahit hindi ko pa Siya nakikita, naniniwala ako sa existence Niya.

Gabi naman, pagkatapos namin mag dinner ako na ang nagligpit ng lahat ng mga dapat ligpitin. Nang matapos ko ang mga gawain dumiretso narin ako sa kwarto para matulog.

~~~~~

ANG PROFESSOR KONG POGI (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon