Chapter Eleven

878 20 0
                                    

Sadyang napakabilis ng paglipas ng mga araw. Isang linggo na ang nakalipas. Enrollment na, bago ako pumunta sa school para mag enroll, dumaan muna ko sa municipality hall ng city namin upang magpapirma muli nang scholarship ko at mag sasubmit narin ng copy ng mga class cards ko, as one of the requirements. Every semestral kasi kailangan magpapirma kay Mayor ang mga academic scholar ng kolehiyo for approval.

Approved naman ulit yung scholarship ko kalahati lang ang babayaran kong tuition fee. Pwede rin naman installment ang payment. Magdown ng partial sa enrollment, then next payment sa preliminary exam, hanggang mag midterm at matapos ng finals. Maraming option ang school namin na binibigay para makapag patuloy na mag-aral ang mga estudyante. Minsan nga pwede ka pa mag promissory note kung wala talagang pambayad.

Nagkita-kita muna kami sa canteen ng mga friends ko para sabay-sabay na pumunta sa admin for registration ng enrollment. Nagfill out na kami ng forms kung saan nakasulat yung mga subjects na kailangan naming kunin for that semestral period. Siyempre dala namin yung copy ng mga course syllabus to check kung anu-ano pa yung mga pre-requisites and other subjects to take.

Mga twenty six units yung subject ko for this sem. Hindi pa rin mawawala yung major ko na accounting. May mga ilang nabago. Mathematics of Investment, Management One, Natural Science, Humanities, Political Science, English, Sining ng Pakikipagtalastasan nakalimutan ko na yung iba. Basta wala na akong Physical education at NSTP.

Sana magpasukan na ulit para makita ko na ulit si profpogi. And sana isa siya sa maging prof namin. Hindi siya nawawala sa isip ko. Namimiss ko siya lagi. Ako kaya naiisip at namimiss niya rin? Tanong ko sa sarili ko. Bakit naman ako mamimiss nun, jowa lang? Ako rin ang bumara sa sarili ko.

"Miss De Jesus! "

Dinig kong tawag sa akin. Yung editor in chief pala namin sa school publication. Si ate Lora na mukhang weird and nerd. Laging may dalang tumbler na may lamang coffee. She's always wearing her thick eye glasses, dala na rin ng mataas niyang grado sa mata. AB Social Science ang kurso niya. Mas ahead siya sa akin ng two years. Mabait siya at intelihenteng estudyante. Sa pananamit niya wirdo din. Mostly naka long sleeves polo shirt siya at umbell pants na tiniterno niya sa rubber shoes niyang black. Slim lang siya at morena ang kulay ng balat. Part time writer and researcher din siya sa isang local publication company sa lugar namin.

"Yes po te?! " Sagot ko sa kaniya.

I fondly called her ate kasi dahil na rin mas matanda siya sa akin.

"This coming sem ipapublish na natin yung unang issue ng school publication. So kailangan na natin magsubmit ng mga write ups and piece for editing para ilagay sa diyaryo natin." Paliwanag niya.

"Ah, okay po te. Sige, magpiprepare ako." Sagot ko sa kaniya.

"Sige, magset na lang tayo ng meeting sa pasukan para kumpleto lahat ng miyembro. " Sabi pa ni ate Lora.

"Okay po te!" sabi ko sabay thumbs up.

"Sige mauna na ko." Paalam niya.

"Sige po ingats, see you." Paalam ko naman.

After namin mag enroll, nagtungo kaming tatlo nila Hazel at Sherlyn sa mini mall na malapit sa campus. Nag stroll at window shopping. Yun lang naman ang ginagawa namin kasi wala kaming pang shopping. Nang makaramdam ng gutom, kumain lang kami sa isang fastfood.

Patapos na kaming kumain nang pumasok din sa fast food sila Ryan kasama ng girlfriend niya. Sweet na sweet silang naguusap. Nakaakbay pa si Ryan kay Daniella habang si Daniella naman ay nakaakap ang braso sa beywang ni Ryan.

Medyo may konting kurot sa kalooban ko. Selos? Perhaps, but why should I felt like this? Wala akong karapatan magselos. Besides, were friends naman so I must be happy for them.

Wala naman akong bitterness sa relationship nilang dalawa. I'm happy for both of them lalo na kay Ryan. I know how he really loves Daniella.

Kahit tutol ang ama nito kay Ryan, dahil nga sa style niya at bad influence daw siya kay Daniella pinagpatuloy parin nila yung relasyon nila. Love conquers all parang ganoon ang peg nila.

Napatingin sa gawi namin si Ryan at nakita niyang nakatingin ako sa kanila ni Daniella. Kumaway siya para bumati. Ganoon din si Daniella, ngumiti at kumaway sa amin.

Mabait naman si Daniella, friendly din siya. Most of her close friends nga lang ay mga nasa education department. Humahanga ako sa ganda niya. Maputi yung skin niya, singkit ang mga mata na binagayan ng makapal niyang mga kilay. Natural na mapula yung mga lips niya. Palangiti din siyang tulad ko. Simple lang din siya manamit at hindi revealing. Medyo may kalakihan ang boobs niya na nakadagdag ng appeal sa slender niyang katawan.

Hindi naman ako insecure kay Daniella. Kahit sa ibang girls, mas humahanga pa nga ko ako kapag may nakita akong magandang chicks. Pero hindi ako tibo. I never get insecured sa kapwa ko babae. Katwiran ko kasi, lahat ng mga girls may kani-kaniyang taglay na katangian at ganda.

May isa nga lang na nakaka turn off sa kaniya. Narinig ko lang sa mga classmates namin na closest friends ni Daniella. They are teasing her na mabaho ang paa niya hindi kasi siya mahilig magsuot ng socks kapag nagsushoes siya, kaya ganoon. But despite of her flaws, love pa rin siya ni Ryan.

Nagpasya na kaming lumabas para umuwi na rin. Nagpaalam kami sa dalawa at lumabas na ng fast food.

"Selos ka noh?" tanong ni Hazel pagkalabas namin ng fast food.

"Uhm, medyo lang naman." Sagot ko na sabay ngiti ng pilit.

Kahit naman itanggi ko sa kanila, halata naman sa itsura ko na upset ako.

Alam din kasi nila ni Sherlyn na crush ko si Ryan.

"Tara na nga uwi na tayo." Sabi ko sa kanilang dalawa.

~~~~~

ANG PROFESSOR KONG POGI (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon