Chapter Four

1.4K 29 0
                                    

Nakaugalian ko nang bago pumasok sa klase eh dadaan muna ko sa bulletin board ng campus. Para maging updated sa mga announcement ng school. I saw something catchy! "Our school publication is open for all the aspiring writers, cartoonist and journalist! Please come and join us!" Wow! This is great. Ito yung gusto ko. Ito yung first love ko since elementary pa ko. Hindi naman ako nag aksaya ng oras. After I have read and understood the qualifications and policies of the said announcement, nagpa register na ako. I submitted some of my own composition of featured stories and poems. Mas bet ko kasi ang literary so I choose to be a part of literary page. Thank God! I am not just a contributor, but the school publication appointed me as a Literary Editor. Sobrang saya nang araw na yun. Para akong naglalakad sa mga ulap. Feeling ko natupad na agad yung dream ko na maging journalist. Kahit sa school lang.

Naalala ko pa noong elementary ako, contributor lang ako sa school paper namin. Nasa news writing page ako naka assigned. Although kasama ako sa mga contest sa labas ng paaralan huli parin yung name ko. When in high school naman, contributor lang din ako sa Echo and Tinig na school paper namin. Sa kompetisyon ng mga School Press Conference kasama naman ako. Kahit may naiuwi akong karangalan para sa school. Feeling ko wala pa rin akong papel sa publication namin. Marami kasing magagaling. Magagaling hindi sa part na matatawag mong magaling talaga. Hirap kasi sa highschool at elementary madaming teacher's pet. Which is hindi ko bet ang ganoong peg. Gusto kong mag excell sa paraang alam ko at kaya ko. Hindi dahil sa close ang nanay sa teacher kaya pumapasa ang estudyante sa klase. Yung iba nga nasa honor rolls pa kahit hindi nila deserve.
Bata pa lang ako nakita ko na yang mga ganyang tactics sa paaralan. Kaya hindi niyo ako masisisi kung mas bet ko ang college life. Walang sipsipan sa prof. Although may mangilan-ngilan na gumagawa, pero madalang at sana wala na lang. Unfair kasi eh.

Sa grupo ng school publication, weekly, meron kaming schedule ng meeting kasama ang bawat patnugot ng bawat pahina at mga miyembro nito. Mas nadagdagan ang mga kakilala ko. At siyempre yung mga kaalaman ko. Mas marami akong natutunan sa pakikipag interact sa ibang tao. Hindi naman ako yung tipo ng mahiyain. Actually, madaldal nga ako eh. Most of the times ako yung bumabangka sa mga usapan ng mga circle of friends ko. May mga closests friends din ako na nasasabihan ko ng secrets ko. Specially in terms of crushes. Lol.
Pagdating sa klase, active ako lalo na sa mga recitations, reporting, debate at lahat ng klase ng daldalan. Madaldal ako in the sense na may mga sense ang usapan. Yung tipong may matututunan ka sa pakikipag conversation mu sa ibang tao. At dahil narin sa abilidad ko sa speaking, tingin tuloy ng ibang students sa akin eh matalino. It's a compliment naman for me. At dahil nga diyan sa tingin nila na intelihente akong tao, kaya yun madami nag take advantage paturo sila ng paturo ng lessons nila. Wala man lang pakunsuelo de bobo. (di naman sa humihingi ako ng kapalit, hindi masyado mejo lang) Since nahalata ko na sumusobra na sila, kaya yung ibang tinuro ko ay sinadya kong maliin na. Akala niyo ha, wais toh!

Lumipas pa ang mga araw, linggo at buwan malapit na ang finals. Second year na ako next semester. Pero hindi na muling naulit yung encounter namin sa canteen ni profpogi. Lagi kong pinagpi-pray na maging prof ko siya next semester. Makikita ko man siya minsan nakatalikod na siya paalis ng school. Minsan naman pauwi na ko dun ko palang siya masisilayan. Kung pwede lang hindi na ako pumasok sa klase para lagi ko na lang babantayan yung crush ko na prof. Mistulang stalker na ko nito pag nagkataon.

Saturday noon, dalawa lang ang subject ko pag Saturday NSTP at Physical Education. Medyo napaaga ako ng pasok. Tumambay muna ko sa bench sa ilalim ng punong mangga. Isa yun sa mga lugar na presko at malilim. Nagbabasa ko ng libro, mahilig pa ako magbasa noon ng mga medyo thriller at horror na fiction stories. Goosebumps yung title ng book. Seryoso ko sa binabasa ko kasi nandun na sa part ng climax ng story yung hinahabol na sila ng mga ghosts. Then, may mga yabag na papalapit. Dahil hindi naman sementado yung part na yun ng campus dahil puro bermuda grass yun, at malakas ang pandinig ko kaya dinig ko ang pagtapak sa mga damo. Hindi ko naman masyado binigyan ng pansin. Medyo mga nasa trenta segundo na yatang nakatayo sa harapan ko yung taong yun bago ako nagpasyang tumigil muna sa pagbabasa. I saw a familiar pair of shoes. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Tila mga kabayong nagkakarera yung heartbeat ko. Omg! Titingin ba ako sa kaniya o iignore ko nalang at babalik ulit ako sa pagbabasa. But it seems like there is small voice inside my head telling me to look at that person.
Dahan-dahan akong tumingin sa taong nakatayo sa harapan ko na may suot ng pamilyar ng pares ng sapatos. Si profpogi!

ANG PROFESSOR KONG POGI (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon