Finals done! Thank God at nasagutan ko naman lahat ng exams. Medyo confident ako na makakapasa ako. Maliban sa Physical Education subject na yan. Last take ko na ng P. E. subject this sem. Kaso dancing kasi ang finals. Medyo hate ko ang dancing since parehong kaliwa yung mga paa ko, ayaw ko talaga yun.
Wala akong choice kasi final exam namin yung actual na sasayaw kayo. Interpretative dance naman at grupo kami so keribels na kahit hindi ako nakakasunod sa mga steps.
But yung grading system kasi it will be base on your performance in dancing. Well, goodluck na lang talaga sa akin.
Early of the following week after ng finals, dinistribute ng mga prof ng bawat subject yung mga test papers namin. So far, so good pasado naman. May ilang almost perfect ang exams ko. Salamat sa mga ideyang pumasok sa utak ko during the examinations. Unang-una na sa list yung Mathematics siyempre favorite subject ko yun. English and Science mataas din. Medyo average sa major subject ko pero pasado naman. Yung computer science na subject namin ako lang yata yung nakapasa with the ratings of eighty five percent.
Aminado akong mahirap yun. Hindi ko nga alam kung paano ko nakapasa dun. Nahirapan ako sa algorithm. Sa mga binary system keri lang kasi math din yun mga problems dun. But this algorithm sucks talaga. Lahat kami nahihirapan dun. Pero salamat narin at naipasa ko.
Yung Physical Education as I expected, pasang awa eighty percent lang grades ko. Ayun yung pinaka mababang grades ko sa lahat.
Importante lang naman talaga sa akin sa ngayon, eh makapasa. Hindi ko na hinahangad yung nasa top ako. Kailangan ko imaintain yung general average na eighty five percent upang patuloy parin yung academic scholar ko. Sayang din kasi yung natitipid na almost fifty percent sa tuition fee ko. Although mura naman yung tuition fee sa school namin. Malaking bagay narin yung fifty percent off. May mga miscellaneous fees pa kasi na binabayaran.
Next week semestral break na at enrollment na rin para sa susunod na sem. Second year na ko. Konti na lang malapit na ako sa kalahati ng pag-aaral sa kolehiyo. Alam ko marami pa kong kakaharaping pagsubok sa journey ko sa college. Inienjoy ko lang lalo pa at may inspirasyon ako sa pagpasok ko sa school araw-araw.
Signing of clearance na namin. Required yun para maka pag enroll ka sa next semestral. Natapos ko naman na papirmahan lahat yung prof namin.
After ko magpa signed ng clearance, dumaan muna ko sa bulletin board. Para magbasa ng mga announcement. Sa malayo pa lang, nakita ko na yung ibang students medyo ang dami nila ah. May tila kung anong nakaposts sa board na interesante. Yung iba ang saya ng awra napapalundag pa sa tuwa.
Dahil dun naman talaga ang tungo ko, binilisan ko yung paglakad ko para makiusyoso sa kung anuman ang meron dun.
Mga ilang hakbang pa lang ang layo ko, itong dalawa kong closest friends na si Hazel at Sherlyn ang ngiti abot tenga. Tumitili pa habang tumatalon sa tuwa.
"Bilisan mo Angel, biliiiisss!" Duet pa nga sila.
"Ano bang meron? " Excited at nakangiting tanong ko.
Halos isubsob nila yung mukha ko dun sa nakapost na listahan ng mga Deans Lister sa board.
"Ayan oh!" Sabi ni Hazel sabay turo ng daliri niya sa name ko na nasa pangatlo sa list ng Commerce Department with an average of ninety five point five. Yung dalawang nauna mga accountancy students din. Konti lang naman yung puntos na lamang nila sa grades ko at mga regular students sila. Nagtataka lang ako bakit ako nakasama dito, irregular student ako. Buti na lang may konsiderasyon ang school.
"Ang galing mu friend!" "Grabeh! Congratulations!" Magkasabay na sabi ng dalawang supportive friends ko.
Nakatingin lang ako sa lists. Hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ako dito. Masaya ako sa outcome ng pag-aaral ko sa unang taon ko sa college. Nag pray ako saglit to give thanks sa nasa Itaas. Siya yung may kalooban nitong biyaya na ito. At dapat lahat ng credit sa Kaniya lang.
"Hoy!, natulala ka na diyan." sabi ni Hazel.
"Masaya lang ako." Sabi ko na may ngiti.
"Masaya ba yang mukha na yan? Parang pilit ang ngiti, walang excitement. " Sabi ni Sherlyn.
Tumawa lang ako, sabay sabing pasigaw
"ANG SAYA-SAYA KOOOHHHHH! YAHOOOO!"
At nagtawanan na lang kaming tatlo.
"Tara sa canteen, treat ko. "
Niyaya ko silang kumain. Pasasalamat ko na rin sa pagiging suportive nila sa akin. Sila yung maituturing ko na best of friends ko sa school.
"Ayun yung masaya dun! Yeheeey!"
Sabay nilang sabi.~~~
Paguwi ko ng bahay, masaya kong ibinalita sa mga magulang ko pangyayari. Masaya din sila para sa akin at proud sila.
Si nanay na masyadong emotional sa lahat ng bagay, naluha pa. Tears of joy ba. Hindi kasi sila nakapagtapos ng kolehiyo ni tatay. Hanggang high school ang natapos nila. Dati daw kasi okay lang kahit hindi ka makapag tapos ng kolehiyo. Makakakuha ka agad ng maayos na trabaho. Hindi pa mahigpit ang mga kwalipikasyon sa mga kumpanya.
Ngayon, habang nagiging moderno ang teknolohiya. Habang nagkakaroon ng mga makabagong istruktura sabay ding tumataas ang mga qualifications at standard. Kailangan mong makisabay sa agos para hindi ka mahuli.
Yung mga panahon nila nanay at tatay kahit high school ang natapos mo, madali kang makakahanap ng trabaho.
Si tatay dati siyang seaman. Hindi pa sila ni nanay noong panahon na yun. Second family lang kami. May dati siyang wife. Kasal siya dun kaya lang wala silang anak.
Noong nagbakasyon si tatay sa probinsya namin, nakilala niya si nanay. Nagkaibigan silang dalawa at ako ang naging bunga. Huli na nang malaman ni nanay na may asawa pala si tatay.
Nang mapag-alaman ng tunay na asawa ni tatay na may babae si tatay, mula sa probinsiya nila sa Leyte, lumuwas ito papunta sa probinsiya namin. Nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan nilang tatlo.
Pinapili ni nanay si tatay kung kanino siya sasama. Sa tunay niyang asawa o sa amin ni nanay. Nasa loob pa lang ako ng sinapupunan noon ni nanay.
Pinili kami ni tatay. Nagsama sila ni nanay. Nagsimula sa wala. Lahat kasi ng ipon ni tatay habang nagtatrabaho siya bilang seaman, kasama ang passbook niya bitbit ng tunay niyang asawa.
Wala naman siyang nagawa. Kaya pinabayaan niya na lang. Mahal niya si nanay at siyempre magkaka baby na sila. Bunga pala ako ng kasalanan, gayunpaman sa kabila ng kasalanan na yun bunga din ako ng pagmamahalan ng nanay at tatay ko. At may mga sumunod pang apat na magagandang bunga, ang mga kapatid ko.
Bakit ko alam tong love story ni nanay at tatay? Siyempre, bata pa lang ako mahilig na ako makinig sa usapan ng matatanda. May mga pagkakataon kasing napaguusapan ang mga ganoong kwento sa bahay. Nakikinig lang ako, hindi naman ako sumasabat. Ugali ko lang talagang mag observe sa mga tao sa paligid ko. Most of the topics, inaabsorb ko lang. Dagdag knowledge din yun at pwedeng gawing inspirasyon for the future.
"Learn how to observe and be silent most of the times. Mas mauunawaan mo ang isang bagay pag marunong kang makinig at tumanggap ng mga impormasyon base sa mga naririnig mo."
Words of wisdom by yours truly...
~~~~~
BINABASA MO ANG
ANG PROFESSOR KONG POGI (Completed)
RomanceStudent-teacher's affair, it's prohibited in any educational institution. Let's discover how the girl named Angel handled this conflict situation in the name of love. Be inspired on how the love matter between her and prof Pogi- the person who teach...