"Uwi ka na"

797 33 1
                                    


Three weeks. Three weeks ng hindi nagpaparamdam si Donny. Walang araw na hindi ko sya tinext or tinawagan. Walang araw na hindi ako umiyak sa pagtulog ko. Wala ding araw na hindi ko kinulit si Marcus na puntahan nya ang bahay nila. Malaking palaisipan ang bigla nyang hindi pagpaparamdam. Naiintindihan ko kung bat bigla syang nanlamig noon pero ngayon, hindi ko talaga maintindihan.

"Marcus. May balita na ba?" I asked

Nandito kami ngayon sa isang coffee shop. Niyaya ako ni Marcus lumabas dahil ilang araw na raw akong nakakulong sa bahay.

"Sabi nila may sakit, hindi pa daw pwede lumabas. Araw araw nilang sinasabi yon"

Three weeks na din syang may sakit. Lagi ako nagpapadala ng pagkain or gamot kay Marcus pero hindi din sya pinapapasok sa bahay nila.

"What if ikaw na ang pumunta sakanila Kiss?" Marcus

Matagal ko na ring naisip yan pero wala akong lakas ng loob but this time, tingin ko yun na ang dapat gawin.

"Can you come with me?"

I need Marcus. Kailangan ko ng taong magpapalakas ng loob saakin.

"Of course! Anything for you. Let's go?" He said

Umalis na nga kami sa cafe at dumiretso sa bahay nila Donny. Nagdoor bell ng ilang beses si Marcus hanggang sa lumabas ang katulong nila Donny.

"Ate, andyan po ba sila tita? Si Donny?" Marcus

"Ah ehhh nako iho, lumipad sila papuntang US kaninang umaga."

"Ha? Mukhang biglaan naman ata po." Marcus answered

"Magbabakasyon daw sila ng ilang buwan eh"

Buwan? Buwan talaga? Bakit?

Something's wrong. Something is really wrong. Bakit bigla sila magbabakasyon sa US eh halos magpapasukan na.

Nagkatinginan kami ni Marcus at nagpasyang umalis na don.

"Marcus, something's really wrong"

"I know"

Naiiyak nanaman ako pero pinipigilan ko dahil ayoko na umiyak sa harapan ng kinakapatid ko. Alam kong namomroblema na din sya ng dahil saakin.

"Wag kang magalala, malalaman din natin soon. Sa ngayon, focus ka muna sa college. Malapit na ang pasukan. 1 month na lang" He said

"About that, I decided na sa CEU na lang ako magaaral so baka mas madalas tayong magkakasama"

"Si Donny ba ang rason kung bat ka lilipat?"

Napayuko ako. Oo, rason si Donny kung bat ako lilipat from UST to CEU. Doon sila nagapply ng barkada nya including Marcus. Baka sakaling doon ko na din sya makita ulit.

"Don't worry Kiss, I understand" He said

Nang maihatid ako ni Marcus sa bahay, pumasok ako agad sa kwarto. Wala na din ako ganang kumain kaya napahiga na lang ako.

I opened my phone. I stared at our pictures. Hindi ko pa kasi to dinedelete kahit nagkahiwalay kami dati.

Bigla kong naisip na magsulat ng letter sakanya. I used to do this every monthsary namin, everytime na magaaway kami dati, everytime na gusto ko lang sabihin na mahal na mahal ko sya. He knows na minsan mas naeexpress ko sarili ko kapag nagsusulat ako kaya. He enjoys reading every letter that I give him.

April 25, 2018

This is my first time writing you a letter again since the last day I saw you. Asan ka na ba? Bakit hindi mo man lang sinabi na aalis ka? Akala ko ba ieexplain mo pa mga nangyari satin? Araw araw akong umiiyak ulit, naghihintay sayo or kahit man lang reply mo sa mga messages ko pero malalaman ko na lang na nasa US ka na. Uwi ka na. I miss you Donny. Araw araw pa rin akong maghihintay sayo.

Love, Kisses

Love, KissesWhere stories live. Discover now