Unexpected Guests

620 36 1
                                    


6 am. Naghahanda kami ng makakain namin ni Hannah at ng babaunin namin sa Lake Tahoe. We'll be staying there overnight dahil nagbook sila ng cottage don.

*doorbell rings*

"That must be Kuya" Hannah hurriedly opened the door. Sinalubong naman sya ng yakap ng kuya nya. Ang ganda ng ngiti nya.

"Goodmorning Noots!!!" He kissed her forehead at dumiretso dito sa kusina. "Goodmorning Kisses!" He side hugged me. Ang taas ng boses nya. Ang ganda ng mood nya hindi kagaya kagabi na wala syang expression at walang ka energy energy.

We were eating breakfast nang biglang tumunog nanaman yung doorbell. Nagtinginan kaming tatlo at nagtaka.

"Are you expecting others?" Donny asked me. Yup, he's looking straight to me nang nakakunot ang noo. Bakit ako?

Umiling ako at napayuko. Hindi ako nakapagsalita. Wala naman akong ineexpect talaga, hindi ko lang sya kayang makitang ganon.

"I'll get it" Tumayo si Hannah at binuksan ang pinto. "Kiss! It's Tony" she shouted.

Nagkatinginan kami ni Donny. Nabulunan ako sa kinakain ko. Inabot nya yung tubig nang hindi ako tinitingnan.

"Oh good! You're having breakfast. I brought some food too" sabi ni Tony habang papalapit samin.

"Great! Join us!" Hannah

"What are you doing here this early?" I asked him while he kiss my forehead again.

"I told you. I brought food" he answered. Umupo sya sa tabi ko at nagsimulang ilabas yung mga pagkaing dala nya. "What are your plans today?" He asked

Si Hannah ang sumagot. "We're actually going to Lake Tahoe".

"Why didn't you text me last night Kiss?!" Tony asked.

"Kasi nga maaga kami aalis ngayon, nagpack up lang ako kagabi at nakatulog na" sagot ko.
Napatingin ako kay Donny na nanahimik, nakakunot pa rin ang noo at nakahawak nanaman sa sentido ng ulo nya. If only I can take that pain away...

The doorbell rings again.

"Who is it this time?" Iritadong tanong ni Donny at sabay tayo papuntang pintuan.

Nagulat ako nang makita ko kung sino yung mga dumating. Isang kamao ang sumalubong kay Donny, dahilan ng pagkakaupo nya sa sahig. Napatakbo naman kami nila Hannah sakanila.

"Marcus! What are you doing here?!" Sigaw ko habang inaalalayan namin ni Hannah si Donny makatayo.

"What have you done this time ha Donny?!" Sigaw ni Marcus.

"Ma-marcus?" Sabi ni Donny nang makatayo sya. Imbis na magalit si Donny, niyakap nya si Marcus ng sobrang higpit.

"Marcus! You've grown old!!! Look at your face man!" Naiwang nakatayo si Marcus nang nakanganga. "Look. I don't know why you punched me but what a great way to greet me and start my morning, bestfriend" natatawang sabi ni Donny. Hindi pa rin nasagot si Marcus at nanatiling nakatayo, nagtataka at nakatingin kay Donny.

"Huy! Napano ka?" Biglang sumulpot si Sue sa likod ni Marcus dala dala ang isang maleta. Lumingon sya sakin, kay Donny, at kila Hannah.

Love, KissesWhere stories live. Discover now