"Love"

728 38 3
                                    


*knock knock*

Nagising ako nang biglang may kumatok sa pinto. Sa sala nga pala ako nakatulog kagabi pero hindi ko ramdam yon. Ganda ng tulog ko eh. Teka...asan na nga ba yung kasama ko?

"Goodmorning"

Isang maliwanag na ngiti ang sumalubong sakin galing sa kitchen. He was wearing an apron at may hawak na spatula. Napangiti ako.

"I'm preparing breakfast for us. Just wait there." At bumalik ulit sya sa kitchen.

*KNOCK KNOCK*

Halos mapatalon ako sa muling pagkatok sa pinto. Dali dali akong naghilamos at nagtoothbrush bago buksan ito.

"GOODMORNING BABY KISSES!" Sinalubong ako ng yakap ni Jerome na halatang bagong gising dahil naguunat unat pa sya.

"GOODMORNING!!! Mmmmwaaa". Sumunod naman sakanya si Kiko na hinalikan ako sa pisngi at  nakapajamas pa.

Sumunod ding pumasok sila Marcus at Elmo nang nakangiti. Ano bang ginagawa ng mga to dito?!

"What are you doing here??"

"Well...nagugutom kami eh." Kiko.

"We just thought na baka iniwanan ka din ni Tita ng pagkain pangalamusal. Sarap ng menudo nya kagabi eh." Jerome

Sometimes, my mom really cook for me. Minsan, iiwanan nya akong home cooked meals good for a week. Nilalagay ko lang to sa fridge para hindi masira. At kapag meron nyan, expected nang nandito ang mga kumag araw araw, on every meal.

I rolled my eyes on them.

"Baby? Who called you baby?"

Napalingon silang lahat sa nagsalita. Nakalimutan ko nga palang may kasama ako dito. Nakakunot na noo na Donny ang lumabas galing sa kitchen pero unti unti itong nawala nang makita nya kung sino yung mga bwisita.

Nakita kong halos lumuwa na ang mga mata ni Jerome at Kiko sa nakita nila. Napanganga din si Elmo. Ganun din si Marcus. Tumingin sila sakin at binalik yung tingin kay Donny at binalik ulit sakin at kay Donny.

"DONNNNYYYYYYY!!!!" Sabay sabay silang tumakbo kay Donny at niyakap ito.

Binalik nya ang mga yakap dito at para silang mga bata na tumatalon habang magkakayakap. I missed this view. All five of them, together. Napangiti ulit ako.

"Masyado nyo naman akong namiss"

"Syempre. Gago ka ba? Halos isang taon ka nawala! Ano ha?! Pano ka gumaling?!" Tanong ni Kiko.

Napatigil si Donny at unti unting nagseryoso ang mukha. He looked at me with sadness again in his eyes. Napatingin din sakin yung apat.

"You still can't remember?" Marcus

Umiling lang si Donny at napayuko.

"We're sorry bro" Elmo

"Ah! Guys! Donny prepared breakfast pala. Tara kain tayo!" Pagiiba ko ng topic. Tinutulak tulak ko sila papunta sa dining area nang magsalita si Donny, "Actually, I don't think there will be enough for all of us. I only cooked for two, I didn't know you guys will be coming."

"Ah that's okay Donny. Naalala ko, may pagkain pa naman kami sa taas. Sige, mamaya na lang. Tara." Sabi ni Marcus habang tinutulak palabas yung tatlo.

"Ah eh diba nga, di pa tayo naggroce- ARAY" Nakatanggap nanaman ng batok si Jerome mula sa mga kasamahan nya.

"Tara na. Ah sige guys, una na kami." Elmo

Love, KissesWhere stories live. Discover now