The News

603 32 3
                                    

It's the first Saturday night after our sem break. We all gathered sa isang restaurant again.

"So how is everyone?" Panimula ni Sue

Nagkwentuhan lang kami kung ano nangyari saamin the past week. I went home to Masbate with my mom and dad. I needed that week off.

Hannah isn't with us. She went on a vacation by herself. I asked her to come with me sa Masabate but then kailangan nya raw ng time para sa sarili nya so hinayaan ko na lang. She updates me everyday naman.

Sila Iñigo and Maris naman, nasa US pa din. I opted not to hear anything from them til they get back kasi nga I wanted my sem break to be peaceful, free from Donny muna and more of my parents. Yun din yung sinabi ko sakanilang lahat. I feel like ever since nung grad namin, si Donny at si Donny na lang inisip ko. Nakalimutan ko ng magspend time with my parents.

*flashback*

"We missed you anak. How's your college life?"

"It's okay mommy. Kinda hard not living with you but I can manage naman po."

"I heard you've been looking for Donny"

Nagulat ako sa sinabi ng mommy ko. Hindi ko sakanila sinasabi yung tungkol kay Donny kasi alam kong magaalala lang sila.

"I feel like it's my fault anak. Sinabihan ko si Donny na layuan ka na lang para wag ka na umasa pa pero one thing I forgot, magkaibigan pa rin kayo. Mahirap yun alisin." Sabi ng daddy

Natatandaan ko na sinabi sakin ni Donny na kinausap nga sya ng daddy na layuan ako pero hindi alam ng daddy na iba yung nangyari.

"Ui Kisses!" Kiko was snapping his fingers in front of me

"Sorry sorry"

"Sila Iñigo, napaaga ang uwi. Nagtext samin. Nagpapasundo ngayon sa airport" Moe

What? Sobran biglaan naman to. Nagsitayuan kami at pumunta agad sa airport. Kasama ko yung apat na kumag while sila Sue, andon sa sasakyan ni Edward.

Pagdating namin ng airport, nakita namin agad sila Maris at Iñigo.

"Bro! Bat sobrang biglaan naman yata to?" Marcus

"Sorry, naabala namin kayo. Magpapasundo sana kami sa driver namin kaso walang sumasagot." Maris

"That's okay. Buti na lang magkakasama kami." Edward

Hinatid namin sila Maris sa condo nila malapit sa UP. Doon na din namin tinuloy yung kwentuhan namin.

"So bat kayo napaaga ng uwi?" Maymay asked

Nagtinginan muna si Maris at Iñigo. Nagtataka kaming lahat.

"Kisses..."

Kinabahan ako kay Iñigo.

"What?" I asked coldly.

Lumapit sakin si Maris at hinawakan yung kamay ko.

"Donny is getting married" Iñigo

Mukhang binuhasan ako ng napakalamig na tubig sa narinig ko. How? When? Why???

"P-p-paano?" Napaupo ako sa sobrang pagkabigla. Tinakpan ko ang mukha dahil sa pagiyak ko.

"Are you sure of this?" AC

"Pinuntahan namin ang bahay nila sa LA kaso wala na sila doon so we searched and searched for them. Kahit sila Daddy tinulungan kami" Iñigo

"Nalaman namin na nagmove sila from LA to San Francisco so agad agad din namin pinuntahan sila dun. Nang makarating kami sa bahay nila, we saw Donny...kneeling in front of this girl...asking for her yes" Maris

"We immediately flew here cause we thought the news might break out and we wanted to be here for Kisses." Iñigo

"Did tito and tita saw you? How bout Donny?"Moe

"No. Maraming tao nung araw na yun so walang nakapansin samin na pumasok" Maris

"Fuck! Fuck man!" Narinig kong sinuntok ni Marcus yung pader. Galit na galit sya. I just kept on crying while AC and Maymay try to comfort me.

"Marcus. Stop." Sue was trying to stop him from punching the wall again.

"How can Donny do this? How can he do this to my sister?! Sinabihan ko sya na ayusin nya tapos ano? Malalaman natin na ikakasal sya while Kisses is here, while we are here...waiting for him." Marcus

"Akala ko ba nahospital sya? Totoo pa ba mga sinabi ni Hannah?! Asan ba si Hannah?" Galit ding sabi ni Jerome

"Guys. Stop." I told them. Lahat sila nanahimik. Pinunasan ko ang luha ko at aalis na sana nang biglang hinawakan ni Marcus and Sue kamay ko. Agad ko ding binawi ang mga to.

"Please don't follow me, I'll be fine" I smiled. A fake one.

I went to this place sa Antipolo. Donny used to bring me here for stargazing.

Inipon ko lahat ng lakas ko para sumigaw. Sabi ni Donny dati, kapag galit sya sa mundo, sinisigaw nya lang ito and after that, somehow, gagaan ang pakiramdam nya. Pero bat ganto, after kong sumigaw, ang sakit sakit pa din?

I grabbed my pen and sat here sa bench under the street light. I found myself writing to him again.

November 5,  2018

I heard the news. I heard you're already getting married. How can you do this to me Donny? I hope I can say na I'm glad for you. I hope I can say na "I'm trying to understand" again just like what I told you before nung nakita kitang may kasamang ibang babae pero hindi eh. Ilang buwan na akong nagtatanong kung ano na ba ang nangyayari sayo. Ilang buwan na akong naghihintay sa pagbabalik mo.  Ilang buwan na akong nagsusulat ng walang kasiguraduhang maiibigay ko pa ba tong mga to sayo. Donny...akala ko ba aayusin mo yung satin? Akala ko ba mahal mo ako? Ano to??? Bat bigla na lang ganto ang malalaman ko? Ang sakit Donny. Ang sakit sakit. Hindi ko na alam gagawin ko Dons. Hindi ko na alam...Please balik ka na lang ulit. Balik ka na lang ulit sakin...

Love,
Kisses

Nang matapos ko yung sulat, nakaramdam nanaman ako ng kirot sa puso ko. Hindi rin ako makahinga ng maayos. I tried to calm myself down dahil ako lang ang nandito ngayon. Malayo din sila Marcus sakin. Breathe in breathe out Kiss...kaya mo yan.

Love, KissesWhere stories live. Discover now