Back in My Arms

772 50 8
                                    



Nanaginip ba ako?

Nakaramdam nanaman ako ng kirot sa dibdib ko kaya napahawak ako dito at sa doorknob ng aking pintuan.

I almost blacked out pero sinalo nya ako at niyakap. Niyakap nya ako ng sobrang higpit.

Hindi ako nananaginip. Nandito sya. Niyayakap ako.

Niyakap ko sya pabalik kahit sobrang nanghihina ako. Tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

"What took you so long?" I smiled out of happiness.

Binaon nya ang mukha nya sa leeg ko. Ramdam ko yung init ng mga luha nya na pumapatak sa kanyang mga mata.

"I missed you"

Hindi pa rin sya nagsasalita.

"Donny." Kumalas ako sa yakap at tumingin sa mga mata nya. Nalungkot ako. I know he's back in my arms and God knows how happy I am but there's something missing in his eyes. Napahinga ako ng malalim. "You still can't remember, do you?"

Niyakap nya ako ulit. "I'm so sorry, Kisses". Napahagulgol na sya sa pagiyak. "Help me remember please, help me remember us."

Ramdam ko ang paghihirap at sakit ni Donny. I closed my eyes. Biglang nagflash lahat ng mga nangyari samin the past few months. I sighed. I'll do everything that I can, Dons.

Hinila ko sya papasok ng unit. Pinunasan ko ang mga luha ko at ang kanya at pinaupo sya sa dining area. Ramdam ko ang pagtataka nya. Inihain ko yung tira namin kanina.

"Kisses, there's no need. I'm full." sabi nya.

"You want to remember right? Let's start here. Menudo. Luto yan ni Mommy. Yan ang paborito mong luto nya.", I smiled.

He smiled back at dali dali nyang kinuha yung mga utensils at sinumulang kumain. Para syang batang hindi pinakain ng ilang araw.

"I thought you're full."

Napaangat yung ulo nya. Gusto kong tumawa dahil punong puno yung bibig nya ng pagkain nang tumingin sya sakin. Napatigil sya ng konti at nagsmile ulit.

"I lied. This one is so good", he said while munching on his food. I knew it. He'll like it.

"How's Hannah?", tanong ko habang naghuhugas ng pinagkainan nya. Noong una, nagaagawan pa kami ng gawain pero sa huli, ako nanalo. He said he'll just stay there and wait for me.

"She's fine. Sabay kaming umuwi pero dumiretso sya doon sa apartment nya malapit sa UP. Madami pa daw syang aasikasuhin. Sabi nya, she'll visit us next weekend."

Napatigil ako sa paghugas ng plato at lumingon sakanya.

"Visit...us?"

Napakamot sya ng ulo. "Sorry. I forgot to mention...I wanted to stay here sana with you...if that's okay." Tumalikod ako sakanya. "I just thought that it will help me gain my memories back."

Hindi ako nakasagot. Ang bilis nanaman tumibok ng puso ko.

"Don't worry, if it's not okay, I'll just go to Hannah's place. I'll book a grab now. It's really late na din, you should rest."

Love, KissesWhere stories live. Discover now