(Kausap ni Mia ang kanyang reflection sa salamin.)
Akala niya siguro kagaya lang ako ng ibang mga babaeng nagdaan sa buhay niya. Hinding-hindi niya ako mabobola. Pero paano nga kaya kung nagsasabi ng totoo anglalaking iyon? Hello, Mia, wake up. wag mo sabihing paniniwalaan mo ang sinasabi ng lalaking yun. hinuhuli ka lang nun kung kakagat ka. Boys will always be boys. Wag ka ngang tanga. Baka mamaya pinagtitripan ka lang non e di asar talo ka na naman kung nagkataon.Tigilan mo na yang pangangarap mo.
"Oo nga, Mia, tigilan mo na yang pangangarap mo ng gising." natatawang sagot ng mommy niya. Kanina pa pala siya nito nakikita habang kinakausap ang sarili sa salamin.
"Mom. Kanina ka pa jan?" gulat na tanong ni Mommy Len.
"I think so. Long enough to hear you talking foolishly to yourself." natatawa pa ring pag-amin ng ina.
"Nakakahiya naman Mom. Mukha akong tanga." napapahiyang pag-amin ni Mia.
"Mia, baby, you might look silly because of that, pero lahat naman nagdadaan sa ganyan. It's natural. Sometime talking to yourself willgivesome sense in your mind. You tend to realize things that you always took for granted." sensible na sagot ng kanyang ina.
"Thanks mom.. for always understanding me.. and for accepting me for who I am." masayang pasasalamat ni Mia sa ina.
"Of course baby, You aremy daughter and we will always love you no matter what." sagot ni Mommy Len.
"I love you too, mom." sagot ni Mia sabay halik sa pisngi ng ina.
Lumabas na si Mia matapos ang pag-uusap nila ng kanyang mommy. Nakita niya si Rui sa tapat ng tindahan at tinawag siya nito.
"Mia, kilala mo ba yung babaeng bagong dating jan sa tabing bahay ninyo?" tanong ni Rui.
"Oo, si Shiela. Bkakit?" tanong ni Mia.
"Wala naman. Ang cute niya kasi. Gusto ko snang makipagkilala pero nahihiya ako eh." natotorpeng sagot ni Rui.
"Nahihiya ka naman pala, eh di wag ka na magpakilala. Ang labo mo rin no?!" naiinis na sagot ni Mia.
"Eh kaya nga kita nilapitan kasi magpapatulong sana ako sa iyo. Ipakilala mo naman ako sa kanya. Ikaw lang ang alam kong makakatulong sa akin." pagsusumamo ni Rui.
Mia's P.O.V.
Bwisit talaga itong lalaking ito. Sa dami ba naman ng pwedeng kuning tulay sa kalandian niya ako pa ang napiling gamitin. Nakakainis talaga!
"Ewan ko sayo Rui.Wag mo ako idamay dyan sa kalandian mo." pagtatapos ni Mia at sabay lakad palayo.
"Sige na Mia. PRomise babawi ako sayo. Iti-treat kita.. basta tulungan mo ako ha?" pahabol pa rin niRui na hindi na sinagot pa ni Mia.
Mia's P.O.V.
Sige Rui, kung iyan ang magpapasaya sa iyo. Tutulungan kitang makilala si Shiela. Siguro ito na ang tamang panahon para palayain ko ang sarili ko sayo. Kakalimutan na kita. masyado na akong nasasaktan sa pantasya kong ito.
Kinaumagahan, pinagbigyan ni Mia ang hiling ni Rui sa kanya.
"Shiela, si Ruinga pala.. friend ko. Gusto ka daw niya makilala."
"Hi Rui, it's nice meeting you." sagot ni Shiela.
"Iwan ko muna kayo para makapag-usap kayo." Sabi ni Mia sabay talikod palayo. pero nagulat siya nang hawakan siya ni Rui sa braso at pigilan sa pag-alis.
"Ah, hindi na kita masyadong aabalahin pa Shiela. Gusto ko lang sanang yayain kang kumain sa labas bukas kung ok lang sayo?" paanyaya ni Rui.
"Ok lang naman sa akin." sagot ni Shiela.
"Great I'll see you tomorrow, then. Thank you." excited na sagot ni Rui at umalis na siya kasabay ni Mia.
"Thank you talaga, Mia." pasasalamat ni Rui.
""Uuwi na ako." sabi ni Mia sabay lakad palayo.
"Teka, uuwi ka na agad?" nagtatakang tanong ni Rui.
"Oo. Nagugutom na kasi ako eh." pagpapalusot ni Mia.
"Wag ka muna umuwi. Iti-treat pa kita di ba?" tanong ulit ni Rui.
"Wag na. May pagkain naman sa bahay. Isa pa, baka mapagastos ka lang sa akin. Alam mo naman ako bitukang maton. Eh may date ka pa bukas. Ilaan mo na lang ang pera mo para sa date mo." sabi ni Mia.
Tuluyan na siyang tumalikod dahil ipagkakanulo na siya ng kaniyang mga mata. Hindi na niya kayang itago ang kirot na nadarama sa kanyang puso. Parang siya pa ang naging kasangkapan para mawala sa kanya ang tanging lalaking hinangaan niya at minahal ng mahabang panahon.
Lumipas ang mga araw na hindi lumalabas ng bahay si Mia. Hindi niya alam kung paano siya magre-react kung sakaling makikita niya si Rui.
Ilang araw at gabi na naghintay si Rui sa paglabas ni Mia. Nag-aalala siya sa kaibigan. Naisip niyang baka nagkasakit ito kaya hindi makalabas ng bahay kaya't dinalaw niya ito. Maayos nman na hinarap siya sa bahay nila Mia.
"Mia, Lumabas ka na jan. May bisita ka. Tigilan mo na yang pagmumukmok mo jan. Wag mo paghintay ang bisita mo." Malakas na utos ni Mommy Len sa kanyang anak mula sa labas ng pinto ng silid nito.
"Mom, I'm not in the mood right now. Pakisabi bumalik na lang sa ibang araw." sagot ni Mia na hindi binubukasan ang pinto ng kwarto.
"Mialene. Hindi ka namin pinalaking bastos sa bisita. It's either you open that door or I will open it for you." may pagbabantang sagot ng mommy ni Mia.
Hindi alam ni Mia kung ano ang dapat niyang maging reaction nang makita niya kung sino ang bisita niya. Nakaramdamsiya ng munting kasiyahan dahil sa kabila ng lahat ng pinagdaraanan niya. Hindi pa rin niya maipagkakaila sa sarili na may puwang pa rin ang kaibigan sa kanyang puso.